Kabanata 33

119 2 0
                                    

"Thank you ha? 'Di ko alam anong gagawin ko kung wala ka," ani Aaron after the long ride around the subdivision. Tumambay kami sa circle pagkatapos para magpahinga.

"Wala 'yon. Siyempre kaibigan kita. Nandito lang ako kung kailangan mo."

That's a vow. Hindi ako lalayo. Hindi ko siya pababayaan. Nandito lang ako palagi para sa kanya. Kasi kung pati ako tatalikod sa kanya, sino nalang ang matatakbuhan niya kapag ginigipit na naman siya ng mundo?

"Ang hirap din ng walang mapagsabihan, alam mo 'yon? Pasan mo ang mundo. Feeling ko lahat galit sa'kin."

"Feeling mo lang 'yan. Willing naman ako tumulong sa'yo. Kung kailangan mo ng rant person, willing naman ako makinig."

Malungkot siyang ngumiti.

"Ikaw lang 'yong nakakaintindi sa'kin, Natasha. Sa'yo ko lang naramdaman na 'di ako nag-iisa, may karamay at kakampi ako."

"Nandiyan naman si Sheba," matabang kong sabi.

"Hindi ako nag-oopen up sa kanya."

"Eh? Bakit naman?"

"Magagalit lang din 'yon. Magiging kaaway ko lang siya in the end." He hissed in disappointment.

"'Di ko gets."

"Kapag nagrereklamo ako sa kanya lagi niyang sinasabi na 'may magagawa ka ba?'" Tumawa siya nang mahina. "Nakakatawa lang kasi nagreklamo lang naman ako pero bakit sa akin siya nagalit?"

"Grabe naman 'yon. Lahat naman ng tao may karapatang magreklamo lalo kung unfair talaga sa part niya 'yong sitwasyon. Ako nga nagreklamo kasi bakit si Papa pa ang nawala kung puwede naman 'yong mga masasamang tao nalang. How much more sa part mo na araw-araw ganyan set up tapos wala pang nakakaappreciate. Kung ako 'yon? Mawawalan ako ng gana mag-effort."

"Depende," he said. "Minsan kasi 'di na natin iniisip kung may nakakaappreciate ng efforts natin. Basta ang nasa isip natin ay ginagawa natin 'yong part natin."

"I agree. Wala rin naman ako sa sitwasyon mo kaya 'di ko rin masasabi."

Nanahimik kaming dalawa. Sakto naman na may dumaang naglalako ng taho.

"Bili tayo?" alok ni Aaron.

"Libre mo?" ngumisi ako.

"Sige ba!"

Bumili kami ng taho. Tigsasampung piso kami.

"Alam mo ba noong highschool pa ako? Araw-araw akong bumibili ng taho," kwento ni Aaron habang naghihintay matapos sa pag-serve si Manong. Pinanood ko 'yon.

"Talaga?" I turned to Aaron.

"Oo! Paborito ko kasi 'yan," he laughed.

"Bihira lang kasi may naglalako rito. Swertehan lang if may dadaan."

"Aww. Doon kasi sa amin every thirty minutes may sumisigaw na "Taho! Taho!" tapos ako naman dali-daling kukuha ng barya. Hahabulin ko pa 'yong naglalako kahit sobrang layo na niya."

"Weh?" natawa ako sa kwento niya. Naiimagine ko tuloy na hinahabol niya 'yong naglalako ng taho para lang makabili siya.

"Oo nga," he chuckled.

Tinanggap ko ang taho ko at ganoon din si Aaron. Kumuha siya ng bente mula sa kanyang bulsa at binigay 'yon kay Manong.

"Salamat po," sabi ko kay Manong. Ngumiti lang siya sabay alis na at sumigaw ng "taho".

"Masarap, 'di ba?" si Aaron sabay ngiti.

"Yup! Masarap naman pala. Matamis tapos 'yong puti soft siya."

Handang MaubosWhere stories live. Discover now