Epilogue

105 10 16
                                    

Epilogue

That summer, hindi natuloy si mamita Kana sa paguwi rito sa Dene. Naghintay ako kung kailan siya makakuwi dahil excited ako at the same time ay kuryoso tungkol sa unang pagibig niya. However, that day didn't come.






Dahil sa katandaan ang ikinamatay ni mamita...






Natatandaan ko noon... Nang minsang naging topic namin ni mamita ang death, palagi niyang sinasabi na gusto niyang mamatay dahil matanda na siya, hindi dahil may sakit siya o naaksidente. She constantly says that when she reaches her limits, she wanted her corpse to be cremated... and lolo Prince fulfilled her dreams.






Kung ako ang tatanungin, gusto ko rin na mamatay dahil sa katandaan at i-cremate din ang labi...






Pinagmasdan ko si lolo Prince habang nakatanaw sa dagat. Mababakas ang kasiyahan sa mukha niya. First death anniversary ngayon ni mamita and I wonder kung anong nararamdaman ni lolo.






Noong araw na itinapon ang buhangin sa dagat, ganitong ganito rin ang makikita sa mukha ni lolo Prince. Hindi ito umiyak noong mamatay si mamita, sa halip ay ngiti ang ipinapakita nito. Minsan naiisip ko na, dahil attorney si lolo kaya he knows how to compose his self in a situation like this.






Palagi ko ring iniisip kung ano ang nararamdaman ni lolo tuwing nababanggit ang pangalan ni lolo Ken. Tuwing napaguusapan ang salitang pagibig ay nadadawit ang pangalan ni lolo Ken, lalo na kung si mamita Kana ang nasa hot seat. Pero palagi rin naman akong tumitingin kay lolo Prince kung ano ang reaksiyon niya. Ngingiti lang ito at walang sasabihin, at kapag kakapitan ni mamita ang kamay niya ay mas lalong lalaki ang ngiti niya. Sabi ni mommy, kaya hinahawakan ni Mamita ang kamay ni lolo Prince ay para i-assure ito. Hindi ko maintindihan kung para saan...






Lumapit ako sa pwesto ni lolo Prince at mas tinitigan ang reaksiyon niya. Ganoon pa rin.






"Lolo, hindi pa kayo nangangalay?" tanong ko. Inilipat ni lolo ang tingin sa akin at umiling. Kahit matanda na si lolo ay malakas pa rin!






"Lolo, alam kong malakas kayo at alam ko rin na mamaya pa tayo aalis kaya maupo muna tayo. Malinis naman itong damo..." sabi ko. Kanina pa umuwi sila mommy, nagpaiwan lang ako para samahan si lolo Prince. May driver rin na naghihintay sa amin kaya ayos lang.






Naglupagi ako sa damo para malaman ni lolo na malinis ito. Pinanood niya naman ako. I smile at lolo and tap the space near him. Naiiling itong umupo sa tabi ko, tinulungan ko rin siya kahit alam kong hindi na niya kailangan ng tulong.






Nang makaupo si lolo ay iniyakap ko ang braso sa kanya at inihilig ang ulo sa kanang balikat niya. Gustong gusto ko na niyayakap si lolo Prince, pakiramdam ko ay naipapasa ko sa kanya ang positibong pakiramdam na nararamdaman ko. Hindi siya vocal sa nararamdaman pero alam kong deep inside ay malungkot siya sa pagkawala ni mamita. Oo, tanggap na niya, pero alam kong may parte pa rin na nangungulila siya.






"Ang ganda ng langit, lolo..." sabi ko. From here, kapag tumingin sa horizon, aakalain na the heaven touches the sea, but we all know na malabong mangyari 'yon. Ang ganda ng panahon... Sumasayaw ang alon at mas gumanda ito dahil sa sikat ng araw.






"Lo..." tawag ko kay lolo Prince. Nagangat din ako ng tingin at napangiti nang makitang nakapikit ito. Si lolo talaga, kahit kailangan, nagpapaka-strong!






"Hmm?"






"Anong nararamdaman niyo, lolo?" tanong ko.






WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon