Broke: Twenty

179 8 1
                                    

20

Akala ko ay makakaiwas ako sa kanya sa sumunod na araw. Dahil nagawa ko kahapon at noong mga nakaraan. But when Saturday came ay nadatnan ko siya na nasa tapat ng gate with his hands on his pockets.







Gusto ko sanang pumunta sa library kanina, pero naisip ko na baka magkita kami roon kaya umuwi na lamang ako. But shit talaga, dahil may usapan nga pala kami!







“You didn't reply on my messages so I thought that I should have fetched you instead...”







Noong Wednesday hanggang Friday ay lagi ko siyang tine-text na huwag na akong sunduin at ihatid dahil kasama ko sila Cha. Kahit kaninang umaga ay ni-text ko siya na huwag na akong sunduin. Iniwan ko rin ang cellphone sa bahay at ni-silent. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tinitingnan.







Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko na uuwi nga pala ako sa Dene ngayong araw. And damn it, dahil may usapan kami! Nasa loob pa sila Cha at mamaya pa ang uwi, at parang mauuna ako sa kanila ngayon.







Kailangan ko rin na sabihin kay Ken...







Alam kong may kasalanan ako. Kasalanan na hinalikan ko si Prince, na hindi ko man lang siya pinigil o itinulak. It's not Prince fault and I don't want to blame him 'cos partly I want it to. Nadala rin ako! Gusto ko rin na sisihin si Fred dahil kung hindi niya pinaalala sa akin na i-text si Ken ay hindi ko lalapitan si Prince. Hindi sana mangyayari 'yung kiss. Gusto kong mang-blame, gusto kong ilipat ang sisi sa ibang tao pero hindi ko magawa, dahil alam kong ako talaga ang may kasalanan. And shit lang, dahil parang wala akong natutunan sa nakaraan. Hindi ko man lang naisip na baka for the second time ay masaktan ko ulit si Ken.







Right now, I am torn between, will tell him or I'd rather not.







“Do you still want to go home with me?” he huskily said, but it brought a pang on my chest. Alam kong pwedeng alam na niya ngayon because someone told him lalo na't ang mga bisita noong Tuesday night ay karaniwang taga-YU at alam kong hindi lingid sa kaalaman nila na nililigawan ako ni Ken! But, I am hoping na sana hindi pa niya alam. Gusto kong ako ang magsasabi. Gusto ko na sa akin niya malalaman, na sa akin manggagaling.







“Oo...” mahinang sabi ko. Kung hindi lang siya ngumiti ay baka akalain ko na hindi niya narinig.







“Okay, I'll wait you here,” aniya. I nodded and run my way back to the house. I'm disheartening for not letting him in! Pero, hindi ko alam ang gagawin kaya hindi ko na lang siya inalok sa loob.







Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko. Ayoko rin na paghintayin si Ken sa labas, lalo na't sobrang guilty ako.







Hindi ko pa nasasabi kina Cha, wala akong pinagsabihan. Ilang araw ko na rin na iniiwasan si Prince, kahit sila Theo. Ayoko na ulit makagawa ng kasalanan, kaya hangga't maari ay kailangan kong dumistansya sa kanila.







Sinalubong din ako ng mga panunukso nila Cha but I just shrugged it off, bagkus din ay sinabihan ko nalang sila na i-lock ang gate at pinto then ibinigay ko kay Carme ang spare key.







Natataranta ako!







Lalo na noong nadatnan ko si Ken na nasa ganoong pwesto pa rin! Hindi siya tulala, more like nagiisip and I felt guilty even more.







Tahimik akong sumakay sa kotse, kahit noong nasa biyahe na kami. Ganoon din si Ken, pero nagtatanong pa rin ito kung komportable ba ako. Like, kung ayos lang ba ang lakas ng aircon o kung gutom ba ako. At ako naman ay parang ewan kung sumagot, tinatapos agad ang usapan!







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now