Broke: Three

350 26 6
                                    

3

Tanghali na ako nagising dahil Annual Cultural and Sports Events ngayon. Hindi na ako a-attend nang opening ceremony. Lighting of torch and parade lang naman yun. Alas otso rin ang call time at tinatamad ako. Si Cha at Carme naman ay 9am pupunta ng school. May laban ng intercollegiate sa basketball at 9am, college muna namin versus College of Art and Sciences.






Ayokong pumunta sa school pero dahil maglalaro si Adrian at Ej ng basketball ay kailangan kong pumunta para suportahan sila.






Fudge! Makikita ko na naman si Ken. Baskeball team ng school ang committee, kaya siguradong makikita ko siya. Sana lang ay walang maging interaction na mangyari. Hindi pa rin kasi ako nakakamoveon sa nangyari nung sabado.






For years na walang pansinan ay biglang ganun na lang? Kinain niya yung slice ng pizza ko then uminom sa tumbler ko! Hindi ko alam kung ano ang drama niya, kung ano bang balak niya. Frustrated ako sobra simula nung sabado, kahit kahapon na linggo at dapat nakarest ang utak ko ay hindi ko nagawa.






Hindi naman ako nagmove on. Sumabay lang ako sa takbo ng panahon. Umiiwas ako sa kanya dahil alam kong nasaktan ko siya noon at baka masaktan ko ulit siya ngayon.






Minsan nga ay ang sarap i-untog ng ulo ko. Ako naman yung nangiwan pero bakit parang ako yung mas nasasaktan.






Carme's calling






Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa kitchen counter, at sinagot ang tawag ni Carme.






“Where are you?” si Carme






“Just woke up,” I answered, kahit kanina pa akong gising.






“You're late! Malapit nang matapos ang first half. Bilisan mo!”






“Yes, boss.” I chuckled.






“Anyway, bili ka rin ng bottle water for 5. Tinatamad kaming lumabas e.”






Galing talaga mang-utos nito. Pero dahil ginawan din naman nila ako ng pabor sa attendance ko ngayon ay susundin ko nalang.






“Hindi na pala ako pupunta,” I joked.






“Luka! Dalian mo!” Bossy much!






Bad! Hindi man lang ako pinagsalita for my defense. Ipinagpatuloy ko nalang ang paggawa ng sandwich para sa akin at sa friends ko. Ang sweet ko talaga.






10 minutes lang ang pagligong ginawa ko then I just let my straight long hair fall. I'm wearing a denim jeans that partner with a UV cut ribbed crew neck shirt na kulay orange and sandals. Sling bag na mailiit na lang ang dinala ko, tumbler na maliit, wallet at cellphone lang naman ang ilalagay ko.






Walking distance lang ang subdivision kung saan ako nakatira. I live alone. May sariling pamilya na ang mama ko at nakatira siya ngayon sa Japan. My dad? Hindi ko siya nakilala. Anak ako sa pagkadalaga ni Mama, kaya ganoon. 'Yung bahay na tinitirhan ko? Regalo sa akin ni mama at ni tito Mike, her husband, nang makagraduate ako ng high school.






Malungkot magisa, kaya nga hindi ako gaano nags-stay sa bahay. Minsan nakikitulog ako kay Carme, nagd-dorm siya sa loob ng school. Pero mas madalas na dito siya sa bahay natutulog. Minsan kay Cha, sa bahay nila. Minsan naman ay kung saan na lang maabutan ng dilim. Kidding!






WE BROKE UPWhere stories live. Discover now