Broke: Twenty-two

150 8 0
                                    

22

The next day ay late ng dalawang oras si Prince. Naka-simpleng printed white shirt at jeans ito. Sa labas din siya kinausap ni Mr. Fuentes kung bakit ito late. Hindi niya ugaling ma-late, rather he's never been late. He's a grade conscious that's why.







Sa kanan siya ni Theo naupo, kung saan nasa likod ng upuan ko. Napansin ko rin na medyo basa pa ang buhok niya, nagmadali siguro. Basta na rin itong naupo neverminding kung malapit ba sa kinauupuan ko ang u-upuan niya. The past month kasi ay hindi siya pumu-pwesto sa upuan na malapit sa akin. Nakakapanibago lang.







Pagkatapos nang klase ay mabilis kong niligpit ang mga gamit.







“Cha. Una na kayo...” sabi ko.







“You'll talk to Prince?” si Cha. Hindi mapangasar ang boses niya, kaya alam kong concern siya sa akin.







“Oo.”







“Kaya mo na? Pwede ka naman naming hintayin?” si Carme.







“Thanks, but I can manage,” sabi ko.







“Okay. Just text us, in case you need back ups...”







Nginitian nila ako bago umalis. Nagkaroon tuloy ako nang lakas ng loob. Thanks to them.







Nang bumalik naman si Prince sa upuan niya ay tinapik siya ni Arlo at Theo at sinabihan na nasa library lang sila. Prince just noded and says na susunod siya. Napansin niya rin akong nakatayo sa may gilid niya. He glanced at me then proceed again sa pagliligpit.







Nang matapos ito ay walang lingon lingon siyang umimik nang, “Let's go.” Alam kong sa akin niya iyon sinabi, dahil ako lang naman ang malapit sa kanya, kaya sumunod na lamang ako. Na-text ko na rin si Ken kanina na huwag na akong ihatid pauwi. Hindi kasi sila nag-practice ngayon kaya ang abala lang kung pupunta lang siya rito para ihatid ako pauwi. Pumayag naman ito. That's the thing I love about Ken. Hindi niya ako pinipilit and he understands.







Tumigil si Prince sa may study area sa gilid ng hagdan. Walang estudyante roon dahil sabado naman. Tahimik din ang building namin.







Pinanuod ko siyang maupo. Naupo ito sa pang-tatluhang bench, naupo rin ako sa pang-isahang bench na nasa kanan niya. May table na namamagitan sa amin. May inilabas din siyang folder at yellow pad.







I licked my lips and took the folder.







“We can divide this into five questions for the both of us,” pagputol ko sa katahimikang namamayani sa amin. He just looked at me with serious eyes. Nakakapanibago lang.







“No. We should answer these 10 questions and compare the answer, after,” seryoso niyang sabi.  Mukha ring ayaw niyang makipagdebate pa ako, mukha siyang wala sa mood.







“Okay...” pag-sangayon ko kahit taliwas naman sa gusto ko. Mas mabilis sana kaming matatapos kung hinati namin but the only loophole is, paano kung mali 'yung sagot ko. Yes, 'yung sagot ko, dahil once in a blue moon lang kung magkamali si Prince. It's like, Prince was destined to be here in accountancy.







Kinuha niya ang hard copy and he took a photo. Pagkatapos ay inilapag ang hard copy sa tapat ko. Wala siyang sinabi kaya binasa ko na lang ang action na ginawa niya. Sa cellphone niya titingnan 'yung questions at ako naman ang gagamit ng hard copy.







WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon