Broke: Sixteen

201 8 1
                                    

16

Nang matapos sila sa practice game ay past 12 na. Nilapitan din ako ni Ken kanina at tinanong kung gusto ko bang kumain dahil malilipasan ako ng gutom. Sinabi ko nalang na busog pa ako, pero noong mag-11 am na ay kumalam na ang sikmura ko. Kanina pang 7 am yung breakfast ko kaya siguro ganoon. Nahiya naman akong magexcuse sa kanila, besides sarado ang canteen or kahit mini canteen kapag Sunday. Fast food chain lang sa labas ng University ang bukas.







“Sorry, natagalan ang practice...” sabi ni Ken habang nagpupunas ng pawis. Iniabot din sa kanya ni Vanessa yung towel na pinangpupunas.







Kanina rin ay hindi na bumalik si Vanessa sa bench unless nalang kung tumigil sila sa practice at nagpahinga nang kaunti. I don't mind naman, mas pabor pa nga ako na wala siya sa tabi ko para hindi ko naririnig yung boses niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ako iritado sa kanya.







“Okay lang...” sabi ko.







“Kana, sama ka sa amin hah!” malakas na sabi ni Niko. Nasa kabilang bench ito, nagpapahinga pa bago magshower. Ganoon din si Ken pero 'yung ibang players ay nasa locker room na, nandoon kasi ang shower room.







“Saan?” kay Ken ko tinanong dahil malapit siya sa akin. Nakatingin naman ito sa akin kaya nagtagpo ang aming paningin.







“Kina Nate, lunch...” aniya at ibinaba yung towel sa lap niya. “Tara?”







“Okay...” sabi ko at sumilay naman sa labi niya ang isang malaking ngiti.







“Thank you...” sabi ni Ken. Ang drama niya!







“Gutom na rin kasi ako,” sabi ko. Mabilis na nagbago naman ang mukha niya. Kung kanina ay nakangiti, ngayon naman ay seryoso. Matalim niya rin akong tinitigan.







“Dapat sinabi mo sa akin,” he said angrily. He didn't even hide his irritation to what I've said.







“Sorry. Hindi pa naman ako sobrang gutom...” sabi ko at ngumuso. Naging malambot naman ang kaninang iritado nitong mukha.







“Shower lang ako...” sabi niya.







“Okay,” sabi ko. Kinuha niya yung bag na katabi ko and motion me to go with him.







“Dito nalang ako.”







“You sure?”







“Oo...” sabi ko. He glanced at me once again before turning his back on me. Nakita ko rin na sumunod si Vanessa papunta sa locker room.







“Chill!” si Fred. Sinusuklay nito ang buhok gamit ang daliri. Kakatapos lang sigurong magshower dahil medyo basa pa ang buhok. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan nang loob ko kay Fred dahil lagi ko siyang sinasamaan ng tingin, siguro kasi siya yung una kong nakilala? Singkit din si Fred pero katulad ko ay hindi rin siya monolid. At yung labi! We almost had the same lips kaya kapag tumitingin ako sa kanya ay parang nakikita ko ang sarili ko. Magkaiba lang kami sa ilong dahil feminine ang sa akin ang sa kanya ay masculine.







“You look like you were murdering Vanes...” sabi ni Fred at naupo katabi ko, kung saan nakaupo kanina si Ken.







“I'm not!”







WE BROKE UPWo Geschichten leben. Entdecke jetzt