Broke: Six

307 16 8
                                    

6

“Prince?” tawag ko kay Prince. Si Prince lang kasi ang nadatnan ko rito sa loob. Nakadekwatro ito habang binabasa yung makapal niyang libro. Geek! Thirty minutes nalang pala at tapos na ang shift namin.







“Hmm?”







“Nasaan si Theo?” tanong ko.







“Lumabas,” matipid nitong sagot. Kaya ayoko siyang kausap! Hindi ko rin napansin na lumabas si Theo.







“Saan nagpunta?”







“Technician.”







“Technician?” tanong ko. This time ay tumingin na siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.







“Bakit?”







“Itatanong ko lang kung tapos na yung YU-13?” tanong ko rito.







“Hindi pa,” aniya.







“Bakit?” gulat kong sabi.







“Nasira yung machine,” sabi ni Prince na nakapagpalaglag ng panga ko. Kaya pala nagpunta si Theo sa Tech office dahil nasira yung machine! Ako talaga ang umintindi sa sinabi ni Prince. Kailangan kong pagtagpi-tagpiin yung sinabi niya! Dumadagdag pa sa stress ko ang lalaking 'to!







“Ano ba 'yan!” sabi ko. Nag-smirked naman ito sa akin at tuluyan na niyang isinara yung librong binabasa kanina.







“Sa crush mo yung shirt?” simpleng tanong ni Prince, pero nanlaki naman yung mga mata ko.







“Huwag ka ngang makinig sa usapan nang may usapan!” pagalit kong sabi at lumabas nalang ulit. Narinig ko naman itong tumawa. Kalalaking tao, pero chismoso.







Sa totoo lang? Ayoko talaga sa ugali ni Prince. Daig pa kasi nito ang babae kung magbago nang mood. Sa dalawang taon ko na ka-section siya ay sawang-sawa na ako sa ugali niya. Ang malas ko lang din dahil lagi ko siyang ka-grupo kaya palagi kaming nagtatalo. Napaka-perfectionist kasi!







“Kumain ka na?” tanong sa akin ni Cha.







“Not yet,” I answer and took my tumbler for a drink.







“Babae ka! Its quarter to 1 and lunch was almost over!” Cha exclaimed. “Hindi ka pinaalis ni Prince for a lunch?”







“You think so badly of me, Aguilar,” si Prince. Nakapamulsa ito habang nasa kaliwang balikat yung backpack.







“I'm just telling the truth, 'no!” depensa ni Cha.







“Whatever,” si Prince. Lumakad ito at nahinto sa tapat ko. He even grabbed my sling bag!







“Austria! Saan mo dadalhin ang bag ko?”







“Kakain,” aniya bago nagsimula ulit lumakad. Hindi nalang ako umangal dahil nakakapagod makipagtalo sa kanya.







“Cha, kain muna kami,” sabi ko kay Cha at si Phoebe naman ang binalingan ko nang pansin. “Phoebe, naayos mo na?”







“Okay na. Hintayin ko nalang yung iba,” sabi ni Phoebe







“Thanks! Kain lang kami but I'll be right back,” I said.







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now