Twenty-eight

85 5 3
                                    

28

Nang matapos ang klase sa Business Law ay mabilis kong hinagilap ang cellphone sa bag. Halos mahulog ito dahil nanginginig ang aking mga kamay.







“Kanarrie, sorry...” hinging paumanhin ni Cha.







“Okay lang Cha. Alam kong hindi ikaw 'yon,” sabi ko at niyakap si Cha. Fuck! Naiiyak ako!







“Cha, kanino mo pinahiram ang cellphone mo?” tanong ni Carme.







“Wala...” sabi ni Cha. Tila nagiisip din ito kung may nanghiram ba ng cellphone niya.







“Sure ka?”







“Oo. Sigurado ako.”







“Naiwan mo ang cellphone?”







“Hindi. Hindi ko makakalimutan ang cellphone dahil alam kong magtetext si Adrian.”







“Cha, please, isipin mo. Saan ka ba nagpunta? Baka naiwan mo ang bag mo habang nagc-cr ka? Napakialaman ang cellphone,” mahabang lintantya ni Carme. Nanlaki naman ang mga mata ni Cha.







“No. Ayokong mag-conclude,” sabi ni Cha.







“Cha... Kung walang problema ay malamang na kinilig na ako sa sinabi mo,” si Adrian at niyakap nito patagilid si Cha.







“Noong Sunday, nasa bahay kami ni Liza, 'yung Education foorball player. Nag-cr ako, hindi ko dinala ang bag. 'Yun lang ang natatandaan kong iniwan ko ang bag simula noong kinuhanan ko ng picture sila Kana...” si Cha. Bumalik ulit ito sa pagkakaupo sa kanyang upuan, na nasa kanan ko. “Thats my first party this sem...”







“Education student?” seryosong tanong ni Prince habang matalim na nakatingin kay Cha.







“Oo. Nakilala ko sila dahil member ako ng football noong first year.” Hindi naman lingid sa kaalaman ko na close si Cha sa mga football player ng College of Education, kaya rin nakilala ko si Vanessa at nalaman na may gusto ito kay Ken. Though kalat naman sa University ang pagkakagusto nito.







Halos hindi rin ako makasabay sa palitan nila ng hinuha dahil tina-try kong tawagan si Ken. Ilang beses na nag-ring ang cellphone niya pero hindi nito sinasagot. Hindi ko maiwasan na magisip nang kung ano. Possible na nakita na ni Ken...







If only I said to him what really happens that night. Sana sinabi ko na nakatabi ko sa pagtulog si Prince, but then, pinangunahan ako ng takot na baka magselos siya, na baka masaktan ko siya. Akala ko hindi 'yon makakarating sa kanya unless na lang kung sinabi ko... At ngayon, nasasaktan ako dahil naglihim ako sa kanya. Sana pala mas pinili ko na lang na sabihin sa kanya kaysa maglihim. Kaya lang, nangyari na. Wala na akong magagawa kung hindi mag-explain sa kanya.







Napamura na lang ako nang biglang lumabas ang pangalan ni mama sa screen. Si mama Gel ang nag-save ng number ni mama kaninang umaga.







I excuse myself. Pumunta ako sa may bintana bago sinagot ang tawag.







“Ma?” mahinang sabi ko. I felt so weak to the point na hindi ko kayang makipagtalo sa kanya ngayon.







“Nasaan ka na?” simpleng sabi nito. Walang mababakas na iritasyon.







“School.”







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now