Broke: Twenty-four

102 4 0
                                    

24

Pino-proseso pa ng utak ko ang sinabi niya. Pero hindi ko talaga maisip ang tamang salita na sabihin. Gusto kong itanong kung bakit ngayon lang niya sinabi? Bakit ngayon lang ulit niya ako kinausap? Bakit hindi noong mga nakaraang taon? Kasi sayang. Nanghihinayang ako sa mga nasayang na oras. Pero higit sa lahat, gusto kong itanong kung bakit. Bakit mas pinili pa rin niya na maghintay kung nasaktan ko naman siya? Kasi ako, halos sumuko na ako. Halos pilitin ko na mag-move on na.







I pursed my lips and blink my eyes, so the tears won't fall. Naiiyak na naman ako.






“Kanarrie...” malambing na tawag sa akin ni Ken. Umusod din siya palapit sa akin. Iniwas ko lang ang tingin. “Sorry, pinaiyak na naman kita...”






Napatawa naman ako at medyo suminghot. Ang bilis ko talagang sipunin.






“Baliw. Hindi ako umiiyak. Teary eyed lang...” pabiro kong sabi at muling tumawa. Tiningnan ko rin siya para makita niya na hindi ako umiiyak. Hinawakan niya naman ang mukha ko at tiningnan akong maigi. “See?”






Ngumisi naman siya. Ang gwapo niya talaga kapag nakangisi!






“You can hold your tears now, huh,” he said in a teasing way. Ngumuso naman ko habang napapangiti.






Pinapagaan niya ang kaninang medyo heavy situation namin. May character talaga si Ken na kayang pagaanin ang mabigat na sitwasyon. And I love that character of his.






“Inilalayo mo ang usapan,” sabi ko na lang. He just chuckled and I pouted.






“What else do you want to know?”






Pinagisipan kong mabuti ang itatanong. Kuryoso talaga ko kung bakit ngayon lang niya ako sinuyo. Nanghihinayang talaga ako sa mga nasayang na taon!






“If that's so, then why now?” Damn it! Parang tunog sinisisi ko pa si Ken!






“Ngayon lang ako nagkalakas ng loob...” aniya. Kumunot noo naman ako at itinukod niya naman ang kaliwang kamay at sideways na nakaharap sa akin.






“Hindi ko maintindihan.”






“I know your reasons back then. Even before you tell Barbie or to someone... You forgot that I knew you. I know how you think and kung paano ka gumawa ng decisions. Inuuna mo ang iba kaysa sa sarili mo...”






Hindi ko mapigilang yakapin siya. At kahit nabigla siya sa pagyakap na ginawa ko ay na-i-balance pa rin niya ang katawan para hindi kami matumba. Nanatiling nakatukod ang kaliwang kamay niya at inilagay naman ang kanang kamay sa aking likod para suportahan ako.






“I'm sorry...” I cried on his chest. Pina-pat naman niya ang likod ko.






“Napatawad na kita noon pa...” he said.






“Thank you.”






“Thank you too.” Umayos siya ng pagkakaupo pero hindi niya hinayaang mabali ang pagkakayakap ko sa kanya. Mas hinigpitan ko naman ang yakap ko at lumapit pa sa kanya.






“Ken...” pagtawag ko.






“Hmm?”






“Para sa akin ay nag-break na tayo. Noong gabing 'yon, alam kong tinapos ko na talaga ang tayo at hanggang doon na lang 'yon...” mahinang sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Nanatili naman siyang nakikinig. “Kaya, I want to start a new. I want to be your girlfriend again...”






WE BROKE UPWhere stories live. Discover now