Broke: Eight

295 13 8
                                    

8

Mahabang katahimikan ang lumipas. Nanatili kaming magkalapit pero hindi nagsasayaw. Medyo kumakalma na rin ang puso ko at yung mga emosyon na nararamdaman ko. Pero agad din na nawala yung kapayapaang nararamdaman ko nang magsalita si Ken.







“Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad, pagkatapos mo akong saktan noon?” aniya sa paos na boses. Nanatili akong tahimik, hindi alam ang sasabihin at gagawin. Aalis ba ako o hihingi ng sorry? Hindi ko alam. Name-mental block ako... “Pero kahit hindi ka humingi ng sorry, kahit hindi mo sinabi ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak...” Hinila niya ako palapit lalo sa kanya, ang higpit higpit nang yakap niya. “Pinapatawad pa rin kita.”







I'm sorry... sabi ko sa isip ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Natatakot ako sa kakalabasan. Natatakot ako na masaktan siyang muli. Sa halip na sorry ang masabi ko ay iba ang lumabas sa bibig ko.







“Nangangalay na yung paa ko...” sabi ko. “Balik na ako sa upuan...”







Hindi siya umimik pero niluwagan niya yung pagkakayakap sa akin.







“Uh-sige.” sabi ko at inalis ang pagkakahawak ko sa leeg niya, at humakbang patalikod. Dahil sa ginawa ko ay naalis ang pagkakahawak niya sa bewang ko. “Sige...”







Humakbang pa ako nang isang beses pa likod. Mabuti at wala akong nabunggo na nagsasayaw. Humakbang din si Ken palapit sa akin pero kita ko sa kanyang mga galaw na nagdadalawang isip siya. Tumalikod na ako at naglakad paalis. Sa halip na sa table namin ako dumiretso ay umalis ako sa quadrangle.







Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dala nang emosyon ay naglakad ako sa pathway papuntang gate. Wala akong nakakasalubong na estudyante, lahat siguro ay nasa quadrangle o kung wala man ay nasa mga kubo siguro.







Pero nang nasa tapat na ako ng admin building ay may humawak sa wrist ko at hinila ako papunta sa may fountain. Damn these feet! Hindi marunong makisama. Natumba ako sa may bermuda grass.







“Sorry!” Nagmamadaling binuhat ako ni Ken at iniupo sa may bench malapit sa fountain.







Hindi naman niya kasalanan kung bakit natumba ako. Nakatigil na kami nang magbreak yung mga paa ko dahil siguro sa pagod at sa nararamdaman.







“Shit! Sorry, talaga,” tarantang sabi nito, nagmura pa! Agad din siyang lumuhod sa harap ko pagkatapos akong iupo. Nakatukod sa bermuda yung kaliwa niyang paa at yung isa ay hindi.







“Hindi mo kasalanan...” sabi ko pero hindi niya pinansin. Sa halip ay ipinatong niya ang dalawang paa ko sa kanang hita niya. Itinaas rin niya hanggang binti yung gown ko bago tinggal yung heels. Bukas yung ilaw sa pathway at may ilaw rin yung fountain kaya hindi madilim sa pwesto namin. Nakikita ko rin yung expression niya habang tinitingnan yung paa ko. Napakaseryoso niya at nakakunot pa ang noo. Pero mahahalata rin na worried siya.







Napangiwi ako nang pinisil niya yung binti ko. Tiningnan naman niya ako at ngumuso. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa paa ko at nagumpisang hilutin hanggang binti. Ang sakit din kaya nang pwet ko!







Kainis! Natatandaan ko noon na ako ang nagma-massage sa kanya kapag napapagod yung muscles niya sa paglalaro ng basketball.







Minasahe niya lang ito hanggang sa medyo okay na yung pakiramdam. Napagod lang siguro, at nanibago dahil matagal tagal na rin nang huling beses akong magsuot ng white cone heel. Mas komportable na kasi ako sa wedge...







WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon