Broke: Twenty-five

98 5 6
                                    

25

Inihatid din ako ni Ken nang mag-nine na ng gabi. Bukas na ang alis namin for a three-days vacation in La Union. Alas-otso pa naman ng umaga ang call time, kaya mahaba pa ang oras na pwede kong itulog.







“Good night...” sabi ko nang makababa. Like the usual, bumaba rin si Ken.







“Good night...” aniya. “I'll fetch you tomorrow.”







“Okay.”







He kisses me on my forehead before ako pinapasok sa loob. Binuksan ko lang ang pinto at pinanood na mag-drive paalis si Ken. Ilang minuto rin bago ako umakyat sa kwarto. Nakapatay na ang mga ilaw kaya paniguradong nasa kwarto na sila. Mabuti na lang din at kahapon ko pa naayos ang mga dadalhing damit.







Kinuha ko rin agad ang cellphone na nakapatong sa study table nang makitang umiilaw ito at mahinang tumutunog ang ringtone. Hindi ko dinala kanina, alam din naman nila mama Gel na kina Ken lang ako kaya wala akong i-ne-expect na tawag.







Si Cha ang tumatawag. I swipe to answer the call.







“Hello, Cha?”







“Kana, pwede ka ngayon?”







“Ngayon?” Tiningnan ko ang screen ng phone at nang makita ang oras ay muli ko itong ibinalik sa tainga. “Gabi na, Cha... Bakit?”







“Papunta kami kina Carme para sunduin siya,” anito.







“Saan kayo pupunta?” takang tanong ko.







“Kina Prince...” Tunog nagaalinlangan ang boses ni Cha.







“Anong meron?”







Matagal bago sinagot ni Cha ang tanong ko. Narinig ko rin na umimik si Adrian sa tabi niya pero hindi ko naintindihan ang sinabi.







“His mom's died... Kanina lang.” Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ni Cha. Feeling ko ay nanlamig ang buong katawan ko.







“Kanarrie?” tawag ni Cha sa pangalan ko.







“Susunod ako, Cha,” mahinang sabi ko.







“You sure? Sunduin ka na namin?”







“Hindi na. May biyahe pa naman.”







“Okay. Just text us, kapag nasa biyahe ka na.”







“Okay...”







Hindi ko na nagawang magpalit ng damit, sa halip ay mabilis kong kinuha ang body bag na nakasabit sa bag stand at basta na lang inilagay ang wallet at cellphone. Nagpaalam din ako kay mama Gel. Ayaw sana akong payagan nito pero mabuti na lang at napilit ko. Mabuti na lang din at wala si tito Alex dahil kung nandito si tito Alex ay paniguradong hindi na ako papayagan.







“Call me when you're there!” sabi ni mama Gel. Nagmano naman ko at humalik sa pisnge niya.







“Opo!” tarantang sabi ko.







“Ako na ang magsasara...” aniya nang makalabas ako sa gate.







“Alis na po ako.” Patakbong naglakad ako. Lumingon din ulit ako kay mama Gel, tinatanaw pa rin nito ako. Nga lang ng lumiko ako ay tumakbo na talaga ako. Sana may jeep pa!







WE BROKE UPWo Geschichten leben. Entdecke jetzt