Broke: Twenty-three

129 7 1
                                    

23

“Sorry,” paghingi niya ng tawad.







“No. Sorry,” sabi ko naman.







“Sorry. Nadala lang ako.”







“Sorry. Lumingon ako...”







We both laugh after. Napatawa ako dahil para kaming ewan at ganoon din siguro ang naisip niya. Parehas kaming nag-so-sorry para sa isang bagay na tapos na at hindi naman sobrang big deal.







I bite my lower lips to hinder the smile. While Ken's lips just turn upwards.







Hindi ko nga alam kung paano kami nakaalis sa ganoong sitwasyon. Kung paano ako nakapasok sa loob at napauwi si Ken. Hindi rin maalis sa mga labi ko ang ngiti. Para akong ewan na kinikilig! Kahit mabilis lang 'yon, kahit hindi sinasadya, ay ramdam na ramdam ko pa rin 'yong lambot ng labi niya.







Dahil sa kilig ay maaga akong nakatulog. Tinamad na akong magreview at mag-advance reading. Pero kahit ganoon ay 'yong alarm ko pa rin ang nanggising sa akin. More than 8 hours na nga ang naging tulog ko ay naunahan pa rin ako ng alarm clock. Ang ganado ko rin paggising. I felt refreshed.







Bumalik lang ako sa reality nang matapos ang class namin sa Auditing. Recitation na! Halos lahat din ng kaklase ko ay may hawak na handouts at sobra sobra kung magreview. Hindi namin pwedeng ibagsak itong final recitation, dahil hindi namin alam kung anong mangyayari sa final examination. Hindi kami pwedeng maging pabaya, lalo na't graduating.







Na-which one is not ako ni Attorney. Mabuti na lang at madali lang ang tanong. Thank God. Wala ring nakakuha sa amin ng lower than 75. May three try kami, and ang grading is 100, 85 and 75. Kung nasagot ang tanong sa unang try pa lang, 100, kung sa pangalawa ay 85 at kung sa last chance naman ay 75. If you didn't answer the question, you would get 60.







“Nabasa ko 'yun!” si Cha. Inaasar na naman siya ni Adrian na ang swerte dahil madali lang ang napatapat na tanong sa kanya. Kahit in a relationship na silang dalawa ay hindi pa rin nawala ang inisan nila. It's a good thing, though.







“Swerte ka pala sa bunutan!” Ang nabunot na number ni Cha ay 25 and that falls to identification. Nasagot naman niya ng tama, its Warranty against eviction.







“Adrian Lim!” seryosong sabi ni Cha. Pinanlakihan din niya ng mata si Adrian, tumawa lamang ang isa.







“Muntik kana kanina...” sabi ko sa katabing si Carme. Akala ko ay hindi niya masasagot ang tanong dahil umabot siya sa pangatlo at ang tagal bago niya nasagot. Mabuti na lang din at good mood si Attorney kaya hindi siya nasungitan.







“Wala akong review. Ang hirap magreview dahil ang gulo kina Gray!” Carme ranted out. “Ang nakakainis pa kay Gray ay nagalit pa sa akin. Nakikisabay raw ako!”







Halos maluha rin sa inis si Carme. Pinigilan lang niya.







“Saan ka uuwi mamaya?” tanong ko.







“Sa dorm. Kailangan kong bumawi sa finals. Ang baba ng 75!” sabi nito at tumawa. Ginatungan ko rin in a quirk way. Mataas naman ang naipong grade ni Carme. Kaya kahit makakuha siya ng 50 sa finals ay hindi pa rin bababa ng lower than 75 ang grade niya. Pero hindi 75 ang gusto niya at ganoon din ako, kaya kailangan talaga naming mag-study.







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now