Broke: Twelve

249 10 5
                                    

12

Today is Saturday kaya hindi ko sigurado kung susunduin ba ako ni Ken. Based on his schedule he has no class today kaya baka hindi niya o sunduin para ihatid sa school. Nakakalungkot lang. Gosh, Kanarrie, para namang hindi ka sanay pumasok magisa! Hindi rin siya pumalya sa pagsundo at hatid sa akin noong mga nakaraang araw, simula noong sabihin niya na liligawan niya ako. Kahit noong araw na dapat ay rest day niya, sinundo at hinatid pa rin niya ako. I felt guilty but at the same time, I felt happy, more than happy rather. Mas na-appreciate ko yung effort niya noong naglalakad nalang kami papunta sa school. Ang nostalgic lang...








I bring my book in Law on Sales because I will go to the library after my five hours class on Management Accounting part 2 and Management Consultancy. Sa ibang school ay magkahiwalay ang ManAcc at ManCon pero sa amin ay isang subject lang 'yon. Dinala ko rin yung reviewer ko sa Tax. Magbabasa-basa at highlights muna ako para pagdating nang next semester na more on review ay hindi na ako sobrang rush. Made-drained na naman ang utak ko ngayon! Nagbaon din ako ng sandwich para may kakainin kami kapag nagutom during class. Hindi naman sobrang strict ni, Mr. Fuentes, unlike kay Mr. Auditing, tawag namin sa Applied Auditing professor namin.








Tiningnan ko ulit ang cellphone ko kung may text ba, but my face fell noong wala akong nakitang text. Nakanguso ako habang palabas ng gate at medyo nagulat nang makita si Ken na nakasandal sa gilid ng gate! I looked like I have seen a ghost!








“Sorry. Did I scared you?” aniya. Nakasuot ito ng jeans at gray V neck shirt. Coincidence dahil kulay gray ang printed tees na suot ko na naka-tucked in sa white jeans na suot.








“Nagulat lang ako...” sabi ko at tuluyan ng lumabas sa gate. “Wala kang pasok...”








“I have some things to do...” sabi nito. Nagflushed red din ang tainga niya. Tumango tango naman ako at ngumiti. Inilocked ko rin ang gate at humarap sa kalsada kung saan nandoon si Ken.








“Tara?” sabi ko.








Kinuha ni Ken yung backpack ko at isinakbit sa kaliwang balikat. Nasa kanan niya ako habang naglalakad. Sa kaliwa naman niya ay mga sasakyan na dumadaan. Maluwag naman ang highway kaya okay lang na maglakad. Dahil medyo guilty ako dahil rest day dapat ngayon ni Ken, hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya.








“Uh-Ken...” sabi ko. Lumingon naman siya sa akin pero humarap din sa harapan dahil naglalakad kami.








“Hmm?”








“Uh-okay lang naman sa akin kahit hindi mo ako sunduin...” Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.








“I want to do this every day...”








“Pero...”








“I want to walk with you every day, okay? I'm happy doing this.” What Ken said, silents me, it made my heart soft. Siguro kasi, gusto ko rin na sinusundo niya ako. Naaalala ko first-year college ako, pinangarap kong makasabay siya sa pagkain ng lunch, makasamang magpalipas ng oras habang hinihintay ang next class ko, pinangarap ko na sunduin niya ako at magkasabay naming lakarin ang daan papuntang YU. Parang kailan lang ay hindi kami okay, pero ang bilis nang mga pangyayari, sa sobrang bilis ay hindi ko alam kung paano ako nakasabay.








Hinatid ako ni Ken sa tapat ng building, gusto pa niya sana na hanggang classroom pero pinigil ko lang. Hinatid din niya ako ng tingin hanggang paakyat sa hagdan, tumigil din ako sa bench malapit sa gilid nang hagdan kung saan nakaupo ang mga kaklase ko. Nandoon na rin si Cha.








WE BROKE UPWhere stories live. Discover now