Broke: Nineteen

171 8 6
                                    

19

Hindi ko alam kung paano nayaya nila Adrian si Prince na sumama sa party ni Keith. Alam kong magpinsan si Keith at Prince pero never naman itong umattend sa mga party na ganito. Kaya hindi ko alam kung anong sinabi nila at nagbago ang isip niya.







Ayokong masira ang gabi ko kaya hindi ko nalang pinalaki 'yung pangiinis ni Prince. Kahit noong makarating kami sa 035. Hindi ko tuloy alam kung alin ang mas gusto ko sa hot and cold niyang ugali, parehas kasing hindi maganda.







“Happy birthday!” bati ko kay Keith nang makalapit kami sa pwesto niya. Maraming nakapalibot sa kanya pero gumilid din at binigyan kami nang pagkakataon na mabati si Keith.







The party starts at 10 pm, and we're 30 minutes lates. Okay lang naman 'yon, at least we came and greeted Keith.







“Thank you, K!” si Keith.







“Happy birthday dude!” si Theo.







“Thanks! Mabuti at nayaya niyo itong pinsan ko,” sabi ni Keith, humalakhak din ito pagkatapos.







“Nagtaka nga kami kung bakit sumama,” kuryosong sabi ni Cha. She kissed the right cheek of Keith and greets him too. Ganoon din ang ginawa nila Carme at Roxanne. Pagkatapos ay umalis to find a table that will fit our number and also order the required bottle of alcoholic drink. Though, kahit anong expensive drinks naman ay sagot lahat ni Keith kaya paniguradong maraming may hangover bukas including Cha.







“May babantayan kasi!” sabi ni Theo at humalakhak.







“Akala ko ay si Adrian lang ang may babantayan,” sabi naman ni EJ, pero ngumisi rin pagkatapos.







Hindi na kami nakasabay ni Cha sa usapan ng boys. Halos wala rin kaming maintindihan kaya dumiretso kami sa table na nahanap ni Roxanne.







Dahil pribado ang party ay kung sino lang ang naimbitahan ni Keith ang nandito, but still marami pa rin! Marami rin na kilalang estudyante ang nandito.







“Dahan dahan lang, Cha!” sabi ni Adrian nang inisang inom lang ni Cha ang tequila na nasa bote. Naka-dalawang bote na si Cha pero 30 minutes pa lang kaming naririto. Parang tubig lang!







“Huwag ka nga, Adrian Lim!” si Cha sa iritadong boses.







Hindi kami sobrang alcoholic ni Carme kaya shots lang ang sa amin. Besides, I don't wanna get wasted, dahil may pasok pa bukas. While si Cha, lasinggera.







“Easy lang kayo! Walang magd-drive!” si Carme. Nag-tig-i-isang bote na kasi ang boys, kahit si Roxanne.







“Si Prince na ang bahala roon!” si Theo. Wala namang sinabi si Prince, sa halip ay kinuha lang nito ang shot na para sa kanya at nilagok iyon. Ngumisi pa ito sa akin noong naabutan niya akong nakatingin sa kanya! Inirapan ko nalang at nakinig ulit sa bangayan ni Cha at Adrian. Cha's already drunk and it's obvious on her being too energetic now.







Umalis din si Roxanne at pumunta sa mga blockmates niya na nasa kabilang lamesa. Sila EJ at Theo naman ay pumunta na sa dance floor. Nagkaisa sila na man-chicks!







“Ayaw mong sumama?” tanong ko kay Arlo. Nasa kanan ko siya at sa kaliwa ko naman ay si Carme.







“I want to stay sober so, pass muna.”







WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon