Broke: Fourteen

223 11 1
                                    

14

Ken texted me but I just keep answering his texts in a one-liner way, sometimes two or three words when needed. Hindi dahil nagiinarte ako pero dahil sa ayoko lang siyang maabala, quality time niya 'yon with friends kaya okay lang sa akin kahit hindi niya i-text. But, I said oo bago ito umalis! Nagiging hard-headed na naman ako!







From: Ken
Nandito ako sa labas







Napatayo ako sa gulat nang mabasa yung text niya at sinundan pa ito ng isang tawag! Magse-seven pm na rin. Ang last text ko sa kanya ay kanina pa, before 6 pm. Nakapang sleepwear na rin ako!







“Hey...” sabi ko nang masagot ang tawag.







“Nasa labas ako...” aniya.







“Nabasa ko nga yung text mo...” sabi ko. Hindi ko rin siya masisilip dahil back garden yung makikita sa bintana ng kwarto ko. Para naman ako ewan na nanatiling nakaupo!







“Labas ka...” he gently says.







“Okay...” sabi ko. Tumayo rin ako at hindi na nagabalang kumuha ng jacket. Thank goodness dahil hindi ko pa naalis ang bra! Nagaalis kasi ako ng bra kapag natutulog at kapag nasa bahay lang at walang kasama.







“Uh...” pangbungad ko nang makita siyang nakasandal sa sasakyan niya na nakaparada sa tapat ng gate. Nang makita ako ay umalis ito sa pagkakasandal at lumapit sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin!







“Are you free tomorrow?” tanong nito.







“Uh. Sa umaga ay pupunta akong YU, then after ay sa bahay lang...” simpleng sabi ko at dunugsungan pa ito nang, “Why?”







“May practice game kami tomorrow...” sabi nito. “If okay lang sa'yo, iimbitahan sana kitang manood...”







“Okay...” sabi ko. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Ken na naging ngiti.







“Sunduin kita bukas...”







“Hindi na!” sabi ko. “I mean, sa gym nalang tayo magkita... Anong oras nga pala?”







“From 7 am onwards...”







“Sige. Pupunta ako.. ”







“Okay...”







“Okay...” sabi ko rin. Parang ewan ako!







“Good night...” anito. Nakatayo pa rin ito sa harap ko with his hands inside his pockets.







“Good night din. Ingat ka paguwi...” sabi ko.







“I will,” aniya. Tumango naman ako. Binuksan din niya ang punto ng kotse at pumasok, but before he closes it, he said see you.







“Text me when you're home...” sabi ko naman.







“Opo...” he said then chuckled. Tumawa rin ako.







“Sige na...” sabi ko.







“Go inside first,” sabi ni Ken na ikina-nguso ko. Gusto ko sanang ihatid siya ng tingnan! Pero ayokong makipagtalo.







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now