Broke: Nine

284 13 1
                                    

9

Hinatid ako ni Ken sa bahay. He asked me first if I wanna go home na ba and I said yes. Pagkahatid niya sa akin ay bumalik siya sa YU para kunin yung clutch ko sa table namin. Namanhid na ata ako kaya hindi ko na inisip kung ano ang mga consequences nang mga actions na ginawa ko. Sa Monday ay paniguradong hindi ako tatantanan nila Cha sa pagtatanong and I guess I need to tell them the truth.






Agad akong pumunta sa gate nang marinig ang tunog ng doorbell. Nasa sala lang naman ako kaya mabilis akong nakarating sa tapat ng gate at binuksan ito. Si Ken.






“Uh...”






“Here,” aniya at inabot sa akin yung clutch.






“Thanks...” sabi ko sa mahinang boses. Pagkaabot ko sa clutch at nanatili akong nakatayo sa tapat niya, hindi alam ang sasabihin. Papapasukin ko ba siya o magba-bye na? Naka-suot pa rin ako ng sequin gown pero naka-flip flops nalang sa halip na cone heel.






“Sige na. Pasok ka na...” Ken says softly. Sa sobrang lambot ay namungay ang aking mga mata at gusto ko nalang siyang papasukin. Mas awkward nga lang kapag parehas kaming nasa loob at walang imikan. Hindi na ako sanay...






“Thank you ulit...” sabi ko at isinara yung gate, pero tumigil nang mapagtantong gusto kong magba-bye. “Uh. Uuwi ka na?”






Shit! You, Kanarrie, sounds so concerned! Hindi ko tuloy mapigilan na magkagat labi.






“Oo...” sabi ni Ken.






“Hindi ka na babalik sa YU?” tanong ko ulit. Hindi ko mapigilan itong bibig sa pagtatanong!






“No. I'm going home at Dene,” sagot nito. Tumango naman ako at medyo napangiti, pumungay naman ang mga mata ni Ken.






“Okay...” I said huskily. “Ingat nga...”






“I will...” sabi nito. Tinitigan ko muna siya bago ipinagpatuloy ang pagsasara ng gate. Nang maisara ko ito ay nanatili ako sa tapat ng gate, parang baliw na nakangiti.






Never in my wildest dreams na naisip kong magiging ganito ulit ang pagtatagpo namin. Para bang hindi kami nasaktan noon, na parang parehas na naming ini-let go ang past at kinalimutan ang sakit. Kung alam ko lang na magiging ganito ang paguusap namin ay sana noon pa kami nagkaroon nang chance para makapagusap. Sana noon pa niya ako tinanong. Nakakapanghinayang kasi yung oras na nasayang...






Kahit hindi pa siya naguumpisang manligaw, alam ko na sasagutin ko rin siya in time.






Sunday when I check my phone, it was bombarded with texts and calls from my friends. Even Barbie has a text! Hindi ko ni-check ang phone kahapon at noong Friday night. Hinayaan ko lang ito sa loob ng clutch, naka-silent din naman kaya hindi ako na-tempt. Sa Monday ko pa gustong magkwento kina Cha, pero nang mabasa ko yung text niya ngayon lang ay nanlaki ang aking mga mata.






From: Cha
Sleepover kami diyan.
Marami kang dapat i-kwento
Mag-grocery ka na.
I want fries






Napailing nalang ako. I guess I can't run away from Cha. Text naman ni Barbie ang ni-check ko. I was curious about her text because she called me 5 times!






From: Barbie
Oh my gosh. Nililigawan ka na ulit ni Ken?
Kanarrie! Answer my calls!
Please call me back when you read my texts. I'll wait.






WE BROKE UPWhere stories live. Discover now