Broke: Four

326 19 4
                                    

4

Lumakad kami ni Nirva sa gate. Ihahatid ko lang siya sa boyfriend niya, then itetext ko nalang sila Carme. For sure na nandoon sila sa kung saan may free taste. May mga pera naman sila but mas gusto nila ang libre. Kuripot. Accountant talaga!





“Kai!” tawag ni Nirva sa boyfriend niya. Nakasandal ito sa dingding nang school gate. Nang makita si Nirva ay naglight up naman ang itsura ni Kai.





Lumapit kami sa pwesto ni Kai.





“Hello, ate Kana,” si Kai.





“Enjoy kayo sa date ninyo.” I smirked. Tinapik ko ang balikat ni Nirva at tinanguan ko naman si Kai. Young love nga naman.





Hinintay ko muna silang makasakay ng jeep bago pumasok ulit sa loob ng campus. Karaniwan sa mga Freshman ngayon ay tuwang tuwa dahil walang pasok. Oo, kailangan pumunta sa school dahil sa attendance but still, chill pa rin.





Samantalang ang mga Senior na katulad ko ay busy masyado, lalo na yung mga ka-batch ko na hindi pa nakakapag-final defense. Good luck sa kanila.





I texted Carme kung nasaan sila. Hindi pa siya nagrereply kaya dumiretso ako sa quadrangle kung saan nandoon yung mga booths. Last year ay nagpa-henna ako ng "Where theres a will there's a way” symbol sa may pulsuhan ko sa kanang kamay. Nakakatawa nga ang reaction ng mga classmates ko nang makita yung henna, akala raw nila ay totoo.





To: Carme
Nasa booth akp ng Fine arts. henna lang.





I texted Carme nalang. Mababasa naman niya yun mamaya at pupuntahan nila ako sa booth. Magpapa-henna ulit ako, but this time ay Butterfly na nakakapit sa flower at sa batok ko ipapalagay. Nae-excite ako sa kakalabasan!





“Roxanne!” maligayang bati ko kay Roxanne. Nakilala ko si Roxanne nung first year sa cosplay organization ng school and she's a Fine arts student major in Painting.





Lumapit ito sa akin habang malaki ang ngiti.





“Kanarrie!” she says and hugged me. “Sobrang busy mo! You even forgot to drop in Yuni!”





Yuni is short fort Yunica Cosplay Club. Ito yung nagiisang club na sinalihan ko, maliban sa YU Chess Team.





“Sorry na...” malambing kong sabi. Nakanguso na ngayon si Rox. “Thought that you're not here. Oo nga, bakit ka nandito? Dapat ay nasa Yuni ka?”





“We need her here,” sabi ni Keith na kakatapos lang mag-henna roon sa isang student.





“You dragged me here!” Rox whined.





“Talk to my hand...” si Keith na itinaas pa yung kanang kamay at kunwa'y pinagsalita. “Magpapa-henna ka, K?”





K ang tawag sa akin ni Keith para raw malapit sa Keith. Ang corny niya talaga!





“Oo. I have a design on mind,” ani ko.





“Sure,” si Keith. Pinapasok din ako nito sa loob ng booth nila. Silang dalawa lang ang nandito kaya hindi masikip sa loob.





“Anong design?” si Roxanne.





“Butterfly na nakahalik sa flower,” I said. Nag-smirked sa akin si Roxanne.





WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon