Broke: Fifteen

227 11 1
                                    

15

Quarter to 9 nang makarating ako sa harapan ng gym. Parang ayoko na ngang tumuloy dahil hindi man lang nagparamdam si Ken. I'm so lame, super. Pero nagtatampo lang ako dahil hindi niya naalalang magtext sa akin. Kung anong oras ako pupunta or kung pupunta pa ba ako. Gosh, Kanarrie, para kang high schooler kung magisip!







I chewed my lips and took a deep breath. Para din akong tanga na hahakbang then ikot patalikod ulit. Mabuti nalang at walang estudyante sa labas ng gym!







Hindi ko alam kung paano akong nagkalakas loob na pumasok sa loob ng gym, take note that I get in using the entrance! Pwede namang sa gilid para hindi sa akin ang atensiyon! Geez! Wala akong nakitang naglalaro sa court, but sa bench across the entrance ay nandoon ang mga players. Ang layo nang lalakarin ko! But I have no other choice. Ayoko namang lumabas ulit ng gym then iikot para sa gilid dumaan.







I took the courage to take a step towards them. Halfway nang makita ko si Vanessa! Oh my gosh! Vanessa's getting on my nerves! Napatigil pa nga ako sa paglalakad at pinanood sila. Parang ayoko na ngang tumuloy... Katabi ni Ken si Vanessa, pero nandoon din yung ibang players sa bench na inuupuan nila. Kakatapos lang siguro ng isang game at pahinga na nila.







Ngumuso naman ako. Hindi ko rin mapigilang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay. Naiinis ako! Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko ngayon. Like, nakalimutan ba ni Ken na inimbitahan niya ako ngayon? Dapat din alam niya na mahihiya akong pumunta rito sa gym dahil hindi na kami katulad nang dati. He should have known that.







I was in deep thought when I saw Ken walking towards me. Hindi ko mapigiling mapaayos ng tayo. Nakita ko rin ang mga teammates niya na pinapanood siya habang papunta sa akin.







“You came...” aniya nang makarating sa pwesto ko. Halata sa mukha niya na hindi niya ako in-e-expect na pupunta. Nanatili naman akong walang sinabi. Nakatingin lang ako sa kanya. “Sorry, hindi kita na-text, naiwan ko sa bahay ang cellphone.”







Nakakainis! Biglang gumuho yung mga bad thoughts na iniisip ko kanina. Nawala yung frustration na nararamdaman ko kani-kanina lang. Parang nakonsensya rin ako dahil ang dami kong inisip na masama!







“Sorry, late ako...” marahang sabi ko.







“Okay lang,” sabi nito. Medyo humakbang din ito patalikod nang humakbang ako palapit sa kanya, kaya napatigil ako. Napakunot noo naman ako. “Sorry, I'm smell like sweat.”







Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganoon ang kanyang iniisip. Noon, he didn't mind if he smell like sweat because of basketball, but now... Marami na pa lang nagbago.







“Okay lang...” sabi ko, kahit deep inside ay nasaktan ako.







Gosh! Super petty noon, Kanarrie, napakasensitive mo naman!







“You walk first then I'll follow...” sabi ko.







“Yung bag mo...” he said then inabot sa akin ang kamay gesturing me to give my bag to him. Umiling naman ako.







“Hindi na...” sabi ko. He'll insist pa sana but maybe he realised something kaya ibinaba ang kamay.







Naglakad ito at ganoon din ang ginawa ko, nakasunod ako sa kanya. It's a one-meter distance, not bad, but for me, I felt bad. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Dala ba ito nang menstruation ko or I am just being petty? I hate this kind of feeling, seriously.







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now