Broke: Seven

301 15 8
                                    

7

Nang dumating ang Friday ay parang ayoko ng umattend nang YU Night. Pagkatapos noong nagyari ng Tuesday ay bumalik lang ako sa booth namin at nagpaalam sa kanila. Hindi na rin ako umalis ng bahay nang mga sumunod na araw.







Natatakot ako na mag-krus ulit ang mga landas namin ni Ken. Pero open pa rin ako sa possibilities na kausapin niya ulit ako at ayoko n'on. Ayokong makausap siya. I Don want him to ask me why did I broke up with him because I am not ready, yet.







Oo mahal ko pa rin siya. Hindi pa ako nakaka-move on at hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung ganoon din siya sa akin. Wow! Napaka-assuming mo Kanarrie! Tingin mo ay pagkatapos mo silang tanggihan sa alok nila noong Tuesday, at magwalk out ay gagawa pa sila nang paraan para kausapin ka ulit? Tingin mo ay mahal ka pa rin niya after all those years?







“Kana...” tawag sa akin ni Cha.







“Hmm?”







“Makiki-zipper,” aniya. Pumunta naman ako sa pwesto niya at ni-zipper yung red off shoulder midi dress niyang suot. Kitang kita ang kaputian ni Cha.







“Thanks.” Kinuha nito ang earrings sa coffee table at nagumpisang maghikaw. “Hindi ka pa magbibihis?”







“Nagdadalawang isip pa ako...”







“Wow! Nakakahiya naman sa make up mo!”







“Gagu!” Humalakhak si Cha kaya pabirong binato ko ito ng suklay. Tumawa lalo ito at naupo sa arm chair.







“Magbihis ka na...” sabi ni Cha na ngayon ay nagsusuot na ng silver ankle straps high heels. Naka-crossed arms ako habang nakaupo sa three seater sofa at pinapanood ang mga kilos Cha.







“Kaya mo pang maglakad?” patuksong sabi ko rito. Ang taas kasi nang heels niya.







“Yes, Kana, dear,” aniya at tumayo bago nagsimulang rumampa sa sala pagkatapos masuot yung heels. Napa-clap naman ako dahil magaling pa rin siyang maglakad.







Si Cha ang kasama ko rito sa bahay na magayos, while si Carme ay nasa boyfriend niya, ihahatid siya mamaya o baka nasa YU na siya ngayon. Nakakatuwa nga ang relasyon noong dalawa dahil suportado si Carme nang boyfriend niya. Napaka-ideal lang nang realasyon nila.







“Bihis lang ako,” sabi ko kay Cha at tumayo para pumasok sa kwarto. Nasa kama ko yung halter strap sequin gown na susuutin. Pinaghandaan ko itong last YU night ko, kaya nakakapanghinayang kung hindi ako aattend.







“Kanarrie! Patingin,” hiyaw ni Cha sa labas habang kumakatok.







“Pasok ka!” hiyaw ko pabalik. Hindi ko naman inilock yung pinto kaya hindi na ako nagabalang umalis sa harap ng full length mirror para pagbuksan si Cha.







Narinig ko namang nabuksan yung pinto at yung expression ni Cha.







“Ang ganda mo!” aniya. Lumapit din ito sa pwesto ko at tumingin sa reflection ko sa salamin.







“Thanks...” sabi ko. “Makikiayos naman ng zipper, Cha.” Inayos ni Cha yung zipper at hinawakan ang tiyan ko.







“Ang flat ng tiyan mo,” aniya.







Kita yung curves ko dahil fishtail hem yung style and a fitted silhouette. It's a nude tone kaya it complimented my skin color. Gosh. I really love this, kaya sayang kung hindi ako aattend ng YU night.







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now