Broke: Twenty-one

160 8 2
                                    

21

Nang makarating kami sa library ay kinakabahan pa ako. No, more like nahihiya ako. Noong inumpisahan ko na umiwas, hindi ko naisip ang ganitong possibilities, kasi malabong malabo naman. At sa ilang buwan nang pagiwas ko, hindi ko man lang siya nakausap. Wala kaming naging interaction.







Noong sinabi ko kina Cha 'yung about sa kiss. Hindi na sila nagulat kung bakit ginawa 'yun ni Prince. They said na, “Sabi na eh! Gusto ka ni Prince!” Sinabi ko na lasing lang si Prince noon, hindi niya alam ang ginagawa niya, but they insisted even more. Hinayaan ko na lang. Nakakapagod makipagtalo. The only good thing is, they didn't put the pressure on me. Hindi nila ako inaasar at pinangunahan.







“Arlo, si Prince?” tanong ko kay Arlo. Nasa tapat nito si Theo at nasa kanan niya si Adrian. Nakaupo sila sa pang-animan na lamesa.







“Nagmamadaling umuwi. May emergency daw,” sabi ni Arlo. I creased my brows.







“Emergency?” tanong ni Cha. Naupo naman ako sa tabi ni Carme na naupo katabi si Theo.







“Hindi sinabi...” si Arlo. Tumango naman ako at hindi na nagtanong.







May pasok kami bukas kaya bukas ko na lang siya kakausapin. Then after class ay pwede naming paghatian 'yung sasagutan at i-compile na lang.







Hanggang alas-singco ang klase ni Ken kaya ni-text ko siya na maghihintay ako sa library. Hanggang alas-quatro lang din sila Cha kaya ako lang ang naiwan sa library. Walang kaso naman sa akin. Pero noong akala ko ay tahimik na ang mundo ko, bigla namang naupo si Fred across on where does I seat.







“Bunso!” malakas nitong sabi. Dahil nasa katabing table si Ms. Raga, school librarian, ay nilapitan nito ang table namin at pinatahimik si Fred.







“Sorry, Miss,” halakhak pa rin si Fred. Noong mga nakaraang buwan ay madalas ko silang kasama kapag nasa library ako, noong umiiwas ako kay Prince, kaya hindi ako gaanong sumasama kina Cha. Napagalaman ko na close din nila si Ms. Raga dahil madalas din sila sa library.







“Naku, Kanarrie, sinasabi ko sa'yo. Lumipat ka ng pwesto at hindi ka makakapag-aral nang maayos dahil kay Fred,” si Ms. Raga. Tinawanan ko lang si Miss. Tinuro niya muna si Fred at pinanlakihan ng mata bago bumaba sa first floor.







“Bunso, okay lang ba sa'yo na si Miss na lang ang maging ate mo?” sabi ni Fred. I just rolled my eyes. Magka-edad lang si Fred at Miss. Ms. Raga was an alumni and she graduated last April. Tinatawag na rin akong bunso ni Fred dahil nga sa magkamukha kami at mas bata ako sa kanya. He's an only child, and he always wanted to have a little brother or a little sister. Nakilala ko na rin ang mama ni Fred no'ng minsan kaming nag-dinner sa kanila. Magkahawig lang sila, mas kamukha ni Fred ang papa niya. His papa was a ship captain at sa December pa ang uwi, kaya hindi ko pa ito nakikilala ng personal.







“Nagre-review ako Fred,” sabi ko na lang at muling ibinalik ang paningin sa librong binabasa.







“Sungit...” Hindi ko na ito pinansin, sa halip ay nagbasa na lang ulit. Nagco-compute din ako kaya inasar ulit ako ni Fred, pero this time ay kasali na si Niko. Magkakasabay si Niko, Nate, at Russel na dumating.







“Kawawa 'yung calculator!” pangaasar ni Fred.







“Para kang nagdo-dota, Kanarrie!” si Niko.







WE BROKE UPDonde viven las historias. Descúbrelo ahora