Broke: Thirteen

236 11 3
                                    

13

True to his words, he didn't talk to me or even glance at me the whole time. But his presence keeps distracting me! He looks so drown on what he was reading. Just like the old times! Damn it, wala na akong ginawa kung hindi mag-throw back.







Halos wala akong maintindihan sa Law on Sales na binabasa. Isama pa ang Tax 2 na reviewer ko! Pinagsasalitan ko, pero halos walang ma-retain sa utak ko. May recitation kami sa Tax 2 sa Monday, tatlong oras 'yon kaya walang ligtas. Kahit nahihirapang magfocus ay pinaulit ulit kong basahin at intindihin yung Tax 2 kaya kahit papaano ay may natatandaan ako. Tuluyan ko na rin na isinara yung book ko sa Law on Sales, sa bahay nalang ako mag-a-advance ng basa.







Mahinang tumunog yung cellphone ko na nakapatong sa lamesa kaya medyo nadistract ulit ako. Napatingin din si Ken sa pwesto ko, napatingin din ako sa kanya! I grabbed the phone and saw that Arlo was calling. I swipe naman to answer the call.







“Hello?” sabi ko.







“Nasa library ka pa?” tanong nito.







“Yes. Why?”







“May nakalimutan kaming folder. Makikitingnan naman kung nandoon pa sa 3rd floor. Kulay white 'yon.”







“Sige, tingnan ko,” sabi ko at tumingin kay Ken. “Don't hang up yet...” Bumaling ako kay Ken. Inilayo ko rin ang cellphone sa akin. “Akyat lang ako sa 3rd floor...”







“Want me to accompany you?” sabi ni Ken  Umiling naman ako bago tumayo.







“Mabilis lang ako...” sabi ko at tumango ito. Pinanood din niya ako habang papunta sa hagdan paakyat nang 3rd floor. Malapit sa hagdan yung table nila Vanessa kaya halos lahat sila ay nagangat ng tingin sa akin. Ini-snob ko naman kahit narinig kong nag-hi sila Fred. I just don't feel like talking!







Wala ng tao sa 3rd floor. Sa right side nakalagay yung mga copy ng thesis, at sa left side yung laptop area. Nasa dulong row yung folder! Thank goodness at walang gumalaw.







“Nakita ko na...” sabi ko nang ibinalik yung phone sa tainga. Binuksan ko rin yung folder to check kung tama ba. Nakasulat yung name nila Arlo kaya isinara ko ulit yung folder dahil ito nga yung pinapakuha ni Arlo.







“Huwag mo ng buksan...” baritonong sabi nang nasa kabilang linya. It's not Arlo anymore, it's Prince!







“Whatever Prince!” sabi ko. “Pakibigay kay Arlo ng phone.”







“He's busy,” sabi nito.







“Pakitanong kung kukunin ba niya yung folder sa bahay...”







“No. Makikidala bukas sa school. Before 8 am,” sabi nito. Ang bossy rin! Kinuha ko na nga tapos ako pa ang magdadala bukas, pero okay lang din naman sa akin, maliit na bagay lang naman.







“Sure kayo? Hindi niyo kailangan ngayon?”







“We have a soft copy...”







“Okay...” sabi ko. Nanatili naman akong nakatayo katapat noong table. “Patayin mo na...”







“Ikaw na...” sabi nito. Gosh! Hindi ko alam na gentleman pala si Prince sa phone! On the other hand ay baka nangaasar lang ito.







WE BROKE UPWhere stories live. Discover now