Broke: Twenty-seven

76 5 2
                                    

27

Five days ang funeral ng mama ni Prince, at sa limang araw na 'yon ay nandoon kami nila Cha. Na-late din kami sa pagpapa-clearance at sa enrolment. Mabuti na lang at naintindihan ni Dean, besides may 1 week na ibinibigay sa mga estudyante na late nagpapa-enrol at may binabagong subjects.







Last semester na. Halos review na lang din ang mga subject namin ngayon.







Pagkatapos nang funeral ng mama ni Prince ay bumalik na kami sa dati. Walang iwasan at naibalik din 'yong pagsusungit niya sa akin na alam mong nagbibiro. Hindi 'yong pagsusungit na umiiwas. Hindi rin kami inaasar nila Cha. Pero bibigyan nila kami ng malisyosong tingin, we'll just shrugged it off lang. Lastly, alam ko rin ang limitation ko kay Prince, lalo na kapag around the corner lang si Ken. Ken once told me na, nagseselos siya kay Prince but I assured him na, magkaibigan lang kami ni Prince.







“Pwede bang ibayad ang equity items sa stock dividends?” tanong ni Cha habang may sinusulat. Nandito kami sa study table malapit sa college building. May quiz kami mamaya sa FAR at bukas ay may recitation naman sa Taxation.







“No,” sagot ko.







“Bakit?”







“Since dividends ang pinaguusapan, it is paid out, of retained earnings. Otherwise, that would be a violation to the Trust Fund Doctrine,” I explained.







“I see. Kung cash dividends, cash ang ibabayad at kung stock dividends ang dineclare, stock or share ang matatanggap...” Tumango tango pa si Cha.







“Kopya ka na lang sa akin, Cha,” si Adrian.







“Ikaw ang mangopya sa akin. Idadamay mo pa ako sa pagkabagsak mo,” masungit na sabi ni Cha. Itinaas din nito ang yellow paper na hawak.







“Sinong niloloko mo, Cha?” halakhak na sabi ni Adrian.







“Mamaya mo ako kulitin, Adrian Lim.”







“Opo, Charlotte Lim...” patuksong sabi ni Adrian. Nakita ko namang ngumiti si Cha. Ito talagang dalawa, kahit in a relationship na ay hindi pa rin nawala ang tuksuhan. Napangiti rin tuloy ako.







Napalingon din ako kay Prince na nakaupo sa harap ko, katabi ni Arlo. Nakasandal ang ulo nito sa haligi ng study table.







“Bakit?” tanong ko kay Prince. Nakatingin kasi ito sa akin.







“You look blooming.”







“Seriously, Prince? Tama na ang pagkakagusto sa akin, okay?” sabi ko at humagalpak naman ito ng tawa.







“Kanarrie, dear, I can't help but to fall harder.” Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi ito natinag. Oo, naging ganyan na siya. Napaka-vocal to the point na nakakairita.







“Go, Prince!” si Theo.







Hindi ko na lang pinatulan. Kapag may sinabi pa ako ay hindi sila titigil sa pangaasar.







Good thing din dahil naka-receive ako ng tawag kay mama Gel kaya lumayo muna ako sa study table. Tinatanong ako nito kung nasaan ako.







“Nasa school pa po ako.”







“Anong oras ang uwi mo?”







WE BROKE UPDove le storie prendono vita. Scoprilo ora