Broke: Eleven

255 11 7
                                    

11

When I came out, I saw Ken leaning on the wall of our classroom, near the staircase. His hands were inside the pocket of his slacks. He looks like a model wearing a YU uniform. Idagdag pa na tinatamaan siya nang sikat ng araw kaya kitang-kita ang pagkamoreno niya. It's five minutes before seven kaya hindi pa gaanong masakit sa balat ang sikat ng araw.







Dahil din sa medyo nakaside view siya sa akin ay nadedepina ang matangos nitong ilong, maayos din ang pagkakasuklay ng buhok nito, just like what the goody role model, hindi bad boy tingnan. Kahit naman noong high school, isa siya sa mga role model, siguro kasi ay ganoon siya pinalaki. Nang makalapit ako ay lumingon na ito sa akin. He has this dark brooding eyes that  so good in his face and it made him more intimidating. Pero kapag tumingin ka naman sa labi niya ay mukha itong nangaakit, ang gandang tingnan ng thin cupid bow shaped lips niya na laging mapula.







I absentmindedly licked my upper lips before pressing it together.







“Hey...” bati ko rito kahit magkasama lang kami kanina dahil hinatid niya ako. Hindi ko tuloy alam kung may nakalimutan ba ako sa sasakyan niya. Inalala ko yung nangyari, wala naman akong ginawa, hindi ko rin binuksan ang bag ko. “May nakalimutan ba ako?”







“Nothing,” he said and I looked at him with curiosity in my eyes. “I have something to give.”







“Huh?” parang ewan na sabi ko.







“Here...” may inabot siya sa aking papel na ka-size ng ID. Kinuha ko ito at tiningnan. Umawang lang ang labi ko sa nakita. Schedule niya! Dammit! Hindi ko mapigilang kiligin.







“Para saan 'to?” tanong ko kay Ken. Nagangat din ako ng tingin sa kanya, nagiwas naman ito!







“So you'll know my schedule...” mahinang sabi nito. Nahihiya!







“Okay...” sabi ko at maingat na kinapitan yung schedule niya. “May copy ka pa nito?”







“Wala...” sabi niya at tiningnan na ako.







“Huh? Paano kapag may nalimutan kang schedule?” tanong ko at tiningnan ulit yung schedule niya. True to his words kanina, parehas nga kami ng schedule, parehas yung start nang pasok namin at awas ko. The difference lang was our rest day, mine was Thursday and his was Wednesday. Pero nakita ko siya noon sa library and it was Wednesday? Tapos yung ibang vacant ko ay hindi kaparehas nang sa kanya...







“I'll text you...” sabi nito na siyang nakapagpaangat sa akin ng tingin and so our eyes met.







“Wala akong number mo...” mahinang sabi ko. Saktong dumaan si Carme sa gilid ko kaya napakagat ako ng labi.







“Ang aga niyan!” tukso ni Carme! “Hi Ken,!” Sinundot lang ni Carme ang tagiliran ko bago lumiko para makapunta sa classroom.







“Pahinging number mo...” sabi ni Ken at inabot sa akin ang cellphone niya. Kinuha ko naman ito. Hindi pa naka-unlocked ang cellphone niya, kaya pinindot ko yung lock key. Default lang yung lock screen at wallpaper niya kaya napanguso ako habang tinitipa ang number ko. Pagkatapos ay ibinalik ko ang cellphone kay Ken.







“Nasa bag yung cellphone ko kaya text mo nalang...” sabi ko.







“Okay...” aniya. Pinapasok na rin niya ako sa classroom dahil any minute ay darating na ang professor. Para naman akong baliw na nakangisi! Kaya mas lalo akong tinukso nila Carme, mabuti na nga lang at dumating na ang Professor.







WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon