Broke: Ten

262 12 2
                                    

10

After class ay nakita ko si Ken na nakaupo sa may study area na nasa gilid nang hagdan. Nacurious kasi ako kung sino ang pinaguusapan ng mga kaklase ko at nakatigil sila sa may gilid nang pinto. Kapag ganitong awasan naman ay kanya kanya na silang pulasan. Dahil chismosa si Cha ay hinila niya kami ni Carme papunta sa pinto. Si Ken! Nagbabasa ito nang libro na para bang walang pakialam kung may nanonood sa kanya. Napangiti tuloy ako when I remember something from the past.







“Lapitan mo na...” patuksong sabi ni Cha. Narinig naman nang buong block kaya lumingon sila sa akin at pinaulanan ako ng mga tanong.







“Kakilala mo si Ken Mendez?”







“Kanarrie! Pakilala mo ako!”







“Hindi na nagk-kwento.”







“Ang iingay ninyo!” masungit na sabi ni Prince bago dumaan sa harap namin at bumaba ng hagdan. Nagangat si Ken ng tingin kaya nakita nito si Prince, dahil snob si Prince ay hindi nito tiningnan si Ken.







“Parehas gwapo...” sabi ni Carme sa tabi ko. May fetish talaga ito kay Prince, pero katulad nang lagi niyang sinasabi ay marunong lang daw siyang maka-appreciate ng gwapo. Loyal 'yan kay Gray kahit maraming sinasabihan ng gwapo.







Nang magtagpo ang mga mata namin ni Ken ay naglight up ang mga mata nito. Isinara din niya ang librong binabasa, at lumakad palapit sa pwesto ko. Para naman akong teenager na kinikilig! Ang mga kaklase ko naman ay kusang tumabi sa daan.







“Done with your last class?” tanong ni Ken nang makalapit sa pwesto ko.







“Oo,” aniya.







“Kana! Una na kami,” sabi ni Carme.







“Bye!” said Cha. She also mouthed Nate. Hindi ko naman mapigilan ang tumawa. Pinapanood lang ako ni Ken sa pagtawa! Hinila rin ni Cha yung iba naming kaklase na nanatili para panoorin kami ni Ken. Nagpahila naman ang mga ito kaya kami nalang ni Ken ang natira.







“May girlfriend na si Nate?” biglang tanong ko kay Ken. Nakiki-Nate ako pero hindi ko naman kilala. Hindi ko nga alam kung anong itsura nito, kung sino siya sa mga kasama lagi ni Ken.







Humaba ang nguso ni Ken kaya medyo na-stretch yung ilong niya. Tandang tanda ko noon, ganito siya kapag nagseselos. He'll just pout then says nothing. Ako nalang ang nakikiramdam kung nagseselos ba siya o hindi dahil hindi niya sinasabi if he is jealous. Akala ko noon ay nakalimutan ko na yung mga simpleng bagay na ginagawa ni Ken noon, ginusto kong kalimutan noong naghiwalay kami para mas mapabilis ang paglimot ko sa kanya. But I guess, it's not successful.







At dahil alam kong nagseselos na siya ay ibinunyag ko ang secret ni Cha! Sorry, Cha, this is for you naman! “Si Cha kasi... He likes Nate.” Dinugsungan ko pa ang sinabi sa mahinang boses nang, “Hindi ko nga kilala yun...”







Nagiwas ako nang tingin at pinaglaruan yung key chain na nakasabit sa backpack ko. Hindi ko talaga alam kung sino sa mga madalas na kasama ni Ken yung Nate. Nang hindi ito umimik ay tumingin ulit ako sa kanya at nakitang nakangiti ito. Para naman akong baliw na napangiti rin!







“Tell Cha that Nate is single,” aniya.







“Yeah, sure.”







WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon