Chapter 34 - Decision

536 20 3
  • مهداة إلى Kwin Roselle Dictado
                                    

***Dedicated to: Kwin :') my Sis. Thanks sa pag-gawa ng fansign ha? :') Continue reading sa story ko :')

Enjoy Reading Guys :')

*********** 

" Decision "

- Shayne's POV -

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan kong pumunta sa party mamaya dahil ayaw kong magtampo sa akin ang tropa kapag hindi ako nagpunta lalo na't ayaw kong magtampo sa akin si Alwyna. Pero paano ko papaintindi dito kay Daniel na kailangan kong umalis ngayon?

" Shayne, please! Answer me. "

" Daniel. . Kailangan kong umalis. Kailangan ko talagang pumunta doon. "

" Paano ako? Sino mag-aalaga sa akin? " Sabi niya na halos nagmamakaawa na huwag na lang ako umalis.

" Pero Daniel. . Kailangan ko talaga pumunta doon. Nandyan naman si Mama para alagaan ka. " Medyo naiinis na ako.

" Ayaw ko na ang nanay mo na naman ang mag-alaga sa akin. Gusto ko. . Ikaw mismo ang mag-alaga sa akin. "

" Iyan lang ba ang dahilan mo kung bakit ayaw mo ko payagang umalis ha? " Medyo tumaas na ang tono ng pagsasalita ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay umiling lamang siya. Naguguluhan ako sa ikinikilos niya. Hindi naman dahilan na ayaw niya si Mama ang mag-alaga sa kanya. Kung tutuusin nga, napakaarte ng lalaking ito! Mabuti nga't may mag-aalaga sa kanya! Hmp! =__="

" Kung wala ka nang sasabihin, lalabas na ako ng kwarto at magpapaalam pa kay Mama. " Pagtataray ko.

" . . . "

" Okay. No reply ha? Sige magpahinga ka dyan! " Kukunin ko na sana yung tray sa side table ng bigla niya akong hatakin kaya napahiga ako sa kama. At ang sumunod na nangyari ang ikinagulat ko.

He's on top at ang itsura ko? Eto kinakabahan. Napalunok na lang ako. Bahala na sa susunod na mangyayari.

" Di ba sabi ko huwag kang aalis? " Galit niyang sinabi sa akin. Lalo akong kinabahan.

" D-daniel? A-ah eh kasi bonding din namin yun eh! D-di ba nga niyaya ka pa namin kung sasama ka? " Pagdadahilan. Hindi ko na kinakaya ang mga mangyayari. Napako ang tingin ko sa mga mata niya. Galit na galit ito. Eto din ang matang nakita ko kanina ng nakipagsuntukan siya kay Kris.

" Paulit ulit na lang yang dahilan na yan! Bakit ba kasi kailangan mo pumunta doon ha? Eh may pasyente ka dito! " Pagbibigay diin niya. Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Gusto kong pumiglas pero napakahigpit ng pagkakahawak niya dito.

" Si Mama nga ang mag-aalaga sayo! At ano ba, Daniel! Nasasaktan ako! " Mas nararamdaman ko na ngayon ang sakit.

" Hindi ako bibitaw sa pagkakahawak sa kamay mo hangga't hindi ka nakakapagdesisyon! " Pautos niyang sinabi at dahil dyan, nakaramdam ako ng takot.

" Sinabi ko na di ba?! Hindi nga ako puwedeng mawala mamaya! Kung ayaw mong maniwala sa akin, sumama ka! Kahit ganyan pa ang itsura mo! " Sigaw ko din sa kanya. Buti na lang at soundproof ang kwarto ko kundi malamang kanina pa kami inakyat ni Mama dito.

Naramdaman ko naman na tinanggal na ni Daniel ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko at humiga sa tabi ko na ang kanang kamay niya ay nasa ilalim ng ulo niya. Napalingon ako sa kanya at nakita ko na medyo sumeryoso ang mukha niya na kanina ay galit na galit na akala mo makakapatay ng tao ano mang oras ngayon.

" Ano tinitingin tingin mo dyan? " Naku! Patay nahuli akong nakatingin sa kanya. What to do? >.<

" A-ah . . H-hindi naman kita tinitignan eh. Iniisip ko lang kung ano susuotin ko mamaya. " Pagdadahilan ko.

Thanks For The Memories (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن