Kabiguan ng Manunulat (Ikalabingtatlong Pahina)

286 48 4
                                    

Ang kaligayahang makakitil muli ng pahina

Bagamat kaisipa'y blanko sa tema

Kaya napabuntong hininga na lamang

Sabay sambit ng wikang bahala na si batman

Pilit pinipiga kung ano ang sa bungo ay nalalabi

Kaunting wikang naglalaro sa isip ay pilit tinatagpi

Upang makabuo ng mga salitang mapanuot diwa

Mga talatang magmamarka sa bunbunan ng kaluluwa

Umaasang sana'y di ako biguin ng aking lapis

Ng bawat naranasan sa inog ng buhay, saya at hapis

Maging ang mga naglipanang kawikaang napulot sa mga aklat

Tiyak itatawid nila ako sa susunod na pahina ng panulat

Mithi kong ilabas sana ang lalim na pinagkaloob sa akin

Ngunit sa susunod na pagsayaw ng aking kamay na lamang ihahain

Dahil tunay na walang paksa akong mailuto

Gaya ng aking panimula nais ko lamang kitlin ang pahinang ito...

Written: December 30, 2014 @ 4pm

Mysterious Aries

Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now