Mga Laruan Sa Paraiso (Short Story)

133 25 3
                                    

"Dinadala ko ang mga laruan Daddy sa Paraiso" Ang mga salitang di malimutan ni Mar na nabanggit ng kanyang nag-iisang anak na si Junior.

Si Junior ay anim na taong gulang, nag-aaral bilang Grade One sa isang pampublikong paaralan. Siya ay anak nina Marvin, Isang enhenyero at Theresa, isa namang OFW.

Lumaki namang isang mabuting bata si Junior, sa gabay ng kanyang mga lolo't lola. Dahil kadalasan nasa trabaho si Mar. Subalit laking gulat ni Mar noong halos linggo-linggo itong nagpapabili ng mga laruan. Minsa'y isang robot o kaya'y mga laruang kotse hanggang pati mga manyika.

Dahil sa paulit-ulit na at bigla na lang nawawala ang mga laruang binibili ni Mar para sa anak. Hindi n'ya na napigil ang kanyang sarili upang magtanong sa nag-iisang anak. "Junior, ano ba ang nangyayari sa mga laruang binibili ko para sa'yo?" tanong ni Mar. "Saan mo ba ito dinadala? Naiwawala mo ba anak? Ibinibigay mo ba sa iyong mga kaklase?" ang naidugtong niya pang mga katanungan.

Napaisip ng malalim si Junior at napangiti "Dinadala ko ang mga laruan Daddy sa Paraiso." Ang naiwika ng bata sa ama.

Napataas kilay na lang si Mar sa sinabi ng anak. Napaisip, ngunit di naman nakuha ang ibig sabihin ng anak. Hindi na lang siya nagsalita at napagdesisyonan niyang obserbahan na lang kung ano talagang ginagawa ng anak sa mga laruang binibili n'ya.

Kaya isang araw habang may dala-dalang dalawang laruan si Junior, pasekretong sinundan ito ni Mar. "Saan nga ba niya dadalhin ang mga laruang ito?" ang naitanong na lamang niya sa kanyang sarili.

Sa kanilang gate doon naintindihan ni Mar kung paano nga ba dinadala ng anak sa paraiso ang mga laruan. Napaluha si Mar habang Iniaabot ng kanyang anak ang dala-dalang mga laruan sa dalawang gusgusing bata.

Noong sumunod na araw. Sinabihan ni Mar na magbihis si Junior dahil may pupuntahan sila.

"Saan tayo pupunta Daddy?" Ani Junior sa kanyang ama.

Napatingin si Mar sa kanyang anak nang may halong ngiti sa kanyang labi at nagsabing "Dahil malapit na ang Pasko anak, bibili tayo ng maraming laruan, at sabay nating dadalhin sa paraiso."


Mysterious Aries




Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now