Tumingin na parang araw na tutunaw sa yelo
Lumipad ang diwa, lumakbay sa malayo
Doon kung saan hawak mo na ang kamay
Nitong prinsesang mukha'y sadyang nakakatangay
Bigla mong pinihit ang iyong ulo
Tumingin sa ibaba, nagbasa ng libro
Noong mata nitong prinsesa'y napalingon sa'yong hanay
Umaasang di n'ya napansin ang pagsulysap mong tunay
Gabi-gabi mo syang pinapangarap
Hinahalikan ang unan, nakakarating sa ulap
Ngunit hanggang kailan mo ito gagawin
Kailan mo susubukang abutin ang kumikinang na bituin
Sa bilis ng iba naunahan kang pumitas
Nang iyong pinapangarap na bango niyang isang rosas
Ganunpama'y patuloy mong dinilig ang ugat ng pag-ibig sa'yong puso
Patuloy ang iyong pangangarap, baka sa huli'y ikaw rin ang kanyang makatagpo
Mabilis ang panahon sila ri'y naghiwalay
Sumigla ka muli, ngunit ano ba ang iyong hinihintay
Malapit na ang pagtatapos ng klase ngunit nanatili kang walang saysay
At sa pinakahuli, gumawa ka nang sulat, di mo naman ibinigay...
04-15-15
Mysterious_aries
YOU ARE READING
Kabiguan Ng Manunulat
PoetryMga tulang naisisilang tuwing pinagniniig ko ang lapis at papel...