Tatlumpo't Pito

115 20 6
                                    

Tatlumpo't pitong taon na akong naghahanap

Kahulugan nitong buhay ay sadyang kay ilap

Sa isang tulad kong may pananaw na tila mali

Ngunit kasalanan ko ba kung laman ng isip ko ay bali


Bata pa lamang ako namulat na sa samut-saring aklat

Ang ginintuang libro'y pabalik-balik na binuklat

Nawili sa dala nitong makukulay na kaalaman

Ngunit itim na kulay ang naghari rito sa kaisipan


Oo nga't natutunan ang kabutihang dapat gawin

Ngunit sa kaisipa'y nagdulot ito ng masamang hangin

Na ang libro na dapat kong mahali't galangin

Ay para lang ginawa upang ako'y lubos na ligawin


Ang isiping ang librong ito'y gawa-gawa lamang

Kasi marahil nasaksihan ko ang bawat kulang

Sa paaralang ang diyos ay literal na ginto

Kung may kapangyariha't kayamanan ika'y isang anito


Marami kaya ang tulad ko na gan'to ang pananaw

Mga taong sa tunay na katotohanan ay uhaw

Naalala ko tuloy ang kwento noong naghahanap pa si Moises

Kailangan bang umakya't sa Kanyang bundok nang marinig Kanyang boses


Tatlumpo't pitong taon na akong naghahanap

Kahulugan nitong buhay ay sadyang kay ilap

Patuloy ang tanong sa sarili kung saan patungo

Nawa'y ilaw ng araw ay magliyab dito sa aking bungo


3-30-2016

It's my 37th Birthday

Mysterious_aries

Kabiguan Ng ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon