Hinanakit Ni Efren Sa Pag-ibig

152 29 9
                                    

Kung alaala mo sana'y yapak na pwedeng iwanan

Sa dalampasigan upang burahin ng alon

Ngunit hindi, kundi isang awiting binabalikan

Kahalina-halina't kasuklam-suklan ang musika ng ating kahapon


Napakasaya natin, naalala mo pa ba

Ang paghimlay mo sa aking bisig

Dalawang taon na ang nakalipas, tanda mo ba

Noong nilumpo mo ang aking kisig


Pinaliguan mo ako ng pagmamahal

Luntian ang binuo nating pangarap

Sabay tayong nagdasal

Umasang maabot nang ating dalangin ang mga ulap


Ngunit ang mga sumunod na eksena 

Nagmistulang ikatlong giyera ng daigdig

Ayaw ko na sanang balikan ang pahina

Ngunit aklat na isinulat nati'y nakamarka dito dibdib


Sabay tayong lumipad

Ngunit iniwan mo ako sa ere

Sa kanan tayo dapat mapapadpad

Ngunit kumaliwa ang iyong biyahe


Buong-buo ang aking pagsinta

Solido't higit pa sa ginto

Nawa sana'y iyong magunita

Mga araw na gusto nating oras ay mahinto


Ngunit nasaan ka ngayon

Nasa piling na ng iba

At tila kung anong mayroon tayo kahapon

Ay tila limut mo na


Sabi mo ito lang ang nararapat

Marahil tama ka ngunit puso ko'y di laruan

Pinatuto mo akong mahalin ka ng tapat

Tapus iiwanan mo akong biguan


Mahal pa rin kita Georgia

Tinanggap ko ang pagiging ikaw

Bakit sa bandang huli nagpaka George ka

At kailanma'y di mo na ako tinanaw


Efren



written: Dec. 01, 2015

Walang magawa... LOL...

Mysterious Aries










Kabiguan Ng ManunulatWhere stories live. Discover now