Taglagas

37 1 0
                                    

Ngayon talaga'y taglagas

Ng maliliit na puting anyong dahon

Medyo tinamaan ng tagmalas

Nawalan ang mayroon

Kung maibabalik ko lamang

Ang alaala ng kahapon

Kung saan ang ngiti nati'y wagas

Ngunit agad ating pusong iginuhit

Sa buhangi'y hinampas ng alon

Pagbati ko sa ating pag-ibig

Ay pasimula pa lamang

Ngunit hirit ng tadhana

Sa ating pagmamahala'y

Pamamalam...


March 2017

Kabiguan Ng ManunulatWo Geschichten leben. Entdecke jetzt