Umuulan nang aking isulat
Ang likhang ito ng kamay
Ewan ko kasi ba't may naramdaman
Na isulat ko ang tungkol sa ulan
Ang ulan saki'y nagparamdam
At di maipaliwanag ang dulot niyang tunay
Basta parang gusto kung sabayan ang ulan
Sumulat sabayan ang bilis ng kanyang pagpatak
Inaaliw ako ng musikang dulot ng ulan
Sumabay ang kulog na tumugtug
At tanawing liwanag ng kidlat
Mayroon silang mensahi sa lahat ng nilalang
Kanina'y magulo ang aking isipan
Subalit pinapayapa ng ulan
Di ko nga alam ba't ang lakas ng dating
Naririnig ko nga ang mensahi ng ulan
Sabi niya'y "Hwag kang malungkot, narito ako kaibigan."
Pumarito daw siya upang isipa'y bigyan ng kapayapaan
Kaya sagot ko'y "Salamat sa'yo ulan."
Ngunit sagot niya'y "Wag ako ang 'yong pasalamatan kundi ang Diyos na sa ati'y lumalang."
written: Sept. 5, 1999 @ 6:49 PM
Tandang-tanda ko itong sulatin ko na eto... Time na sobrang gulo ng isip ko...
Until it rain hard... that I feel like somebody embracing me.... to calm down...
Mysterious Aries
BINABASA MO ANG
Kabiguan Ng Manunulat
PoetryMga tulang naisisilang tuwing pinagniniig ko ang lapis at papel...