CHAPTER 69

706 32 9
                                    

Chapter 69

Tahimik ang paligid at tanging pagharurot lang ng sasakyang nakabangga saakin ang narinig ko, nagdilim ang paningin ko ngunit nagagawa ko pa ding dumilat sa aking pinagkakahigaan, walang tao sa lugar na yon at tanging ako lang ang nandon walang tulong, walang nagmalasakit, puro lang sakit ang naramdaman ko katulad ng nasaksihan ko kanina.

Unti unit ay tumayo ako, kita ko ang tulo ng dugo napumapatak saaking ulo hanggang pisngi ngunit hindi ko na iyon ininda dahil... dahil mas masakit ang naalala ko ngayon...

Sa isang iglap bumalik lahat ng saya at pighating nangyari saakin noon, sa isang iglap naalala ko na kung sino ako ngayon.

Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas masakit sa mga alaala ko ngayon... bakit? bakit ganto? dapat matuwa ako di ba pero bakit parang pinagsisihan ko na naaalala ko na ang lahat ngayon.

Tumayo ako at di mapigilan ang buhos ng luhang kanina ko pinipigilan, unti unti ay nakabangon ako, mahirap man pero na kayanan ko ito... ng mag isa...

Inisip ko noon na maraming akong nagawang masama kaya't nangyayari saakin ito, pero hindi eh kung tadhana man ang may desisyon nito sana matapos na agad... sana maibsan na ito ng lubos, dahil ang sakit eh ang sakit pala na makita ang taong mahal na mahal mo noon ay may iba... ang lalaking kaisa isahan kong minahal ay niloko ako...

Kung importante saaking ang nakaraan mas importante ang ngayon dahil kahit anong gawin, kahit anong sabihin ko iisa lang ang tinitibok ng puso... mula noon hanggang ngayon...

Oo minahal ko sya noon, pero mas lalo ngayon...

Unti unti ay naglakad ako sa kawalan tulala at di alam ang gagawin, kung ang isip ko ay suko na paano pa kaya ang puso ko na lubos na ang hirap na dinanas, ayoko na... gusto ko nang sumuko pero hindi dahil ngayon lang ito bukas o samakalawa maiibsan din ito... sana... dahil paghindi pa baka di ko na kayanin ang sakit.

Sa ilang oras na tulala at paglalakad nakita ko nalang ang sarili ko sa harap ng dagat, natuyo na ang dugong kanina pa umaagos saaking ulo, nilasap ko ang pang umagang hangin galing dito.

Ako si Sunny May Lim isang babaeng nerd at binubully na laging inililigtas ng lalaking kinaiinasan at minahal ko na si Lance Zyrus Guevarra.

Natawa ako sa naisip kong iyon, bumalik lahat ng nangyari saakin simula't una na nakilala ko sya hanggang sa mawalan ako ng alaala, tila nga iyon ang pinakamasayang nangyari saaking buhay kaya't napuno ko ang isang diary na tungkol lang saamin ang laman, nangako ako sa sarili ko na hindi ko iyon bubuksan hanggang sa makaalala ako, pero ano pang silbi kung nakatatak mismo saaking utak lahat ng alaalang mayroon ako sa kanya.

Inabot ako ng umaga doon, tulala lang sa magandang tanawin na nakikita ko, siguro kaylangan ko ng harapin ang lahat dahil sa sandaling katahimikan na naramdaman ko ngayon naka naramdam ako ng ginhawa at kapayapaan.

May nakapansin saakin doon na staff at dahil na rin sa dugong bumalot saaking mukha ay nagmamadali silang tumawag ng ambulansya at isugod ako sa hospital, funny thing na naramdaman ko lang ang sakit at pagod ng pinahiga na nila ako at sinimulang gamutin.

Hawak ko man ang cellphone at wallet ko para sa impormasyon ay hindi ko binigay sa kanila iyon, gusto kong bumalik na parang wala lang sa kanila, gusto kong bumalik ng di nila alam na nakakaalala na ko, gusto kong bumalik na walang pag aalalang nakikita sa kanilang mukha...

At mas lalong gusto kong bumalik para makita nya na iba na ako ngayon hindi tulad ng sunny na laging naaapi dati, ang sunny na mahina...

Humanda kayo ngayon... lance at ara.

Ilang araw ang tinagal ko dito, alam kong nag aalala na sila mama at mga kaibigan ko dahil hindi nila ako matawagan man lang, pero sinigurado ko pa muna na maayos ang kalagayan ko bago umuwi kinontak ko ang aking doktor na saktong nagbabakasyon dito sa pilipinas, maraming test na ginawa at small impact lang naman ang natamo ko sa pagbunggo ngunit malaki naman ang naging pagbabago saakin non.

Nagpapasalamat ako sa bumunggo saakin, dahil ang laki ng naitulong nya sa buhay ko, pero masama din ang loob ko dahil iniwan nya lang ako, mapapatawag ko sya ngayon pero pagnagkita ulit kami baka bungguin ko din sya... ng pasasalamat...

Isang linggo din ang lumipas at nakarecover na ko, maganda ang naging resulta at talagang okay na ko pero ang payo ng doktor ay magpahinga muna ako, siguro sa bahay nalang pagkauwi ko baka kasi madagdagan pa yung malaking bandage sa ulo ko dahil kay mama.

Nakita ko ngayon sa tv ang mukha ko at kung saan ako huling pumunta dahil nandon ang mga gamit at kotse ko pero hanggang don lang ang balita dahil nagpatulong ako kila karl at christine na itago ako sa pinakamalayong hospital at burahin ang records ko sa hotel nila minny.

"Girl are you sure about this? you should rest first!" aniya ni christine, napailing nalang din si karl sa desisyon ko.

"I don't care if your mom and dad will kill us! you should rest yourself here!"

"Im okay christine, don't worry sasamahan nyo naman ako di ba? at tsaka where's nicolas?" napalinga linga ako sa paligid at namataan ko na kaming tatlo lang sa kwartong ito.

"Nicolas arranged your bodyguards," nag ayos na ko at tuluyan na nga nagdischarge sa hospital, mahaba man ang sermon na tinamo ko sa dalawa masasabi ko nalang na nosebleed na ko sa kanila.

Ito na ang oras para harapin ko sila, kaming apat ang nasa isang van pinagitnaan ako ni karl at christine nakasunod naman ang mga bodyguards na inihanda ni nicolas saakin.

Matagal ang byahe kaya't nakatulog ako sa balikat ni christine, sumasakit pa medyo ang ulo at mga pasang natamo ko pero pahinga lang daw at inom ng gamot para mas lalo na kong makarecover.

Nagising nalang ako sa ingay sa labas, ngayon ay kaming dalawa nalang ni christine sa loob ng van nag aalala nya kong tiningnan habang may naririnig akong sigawan sa labas.

"You don't deserve her! the investigation said that one of your people try to kill sunny at that night! they found the CCTV and the plate number of the car under your company!"

"Sunny, don't go outside!" huli na ng mahila nya ko dahil binuksan ko na agad at pinto at tumambad saakin ang nakaparaming pulis na nakahilera ngayon, kasamang nakahilera ang bodyguards ni nicolas sa harap ng van, nandoon si mama at daddy na umiiyak kasama ang mommy at daddy ni lance, sila minny na galit na galit ngayon kay karl at nicolas, dagdagan mo pa ng nakakamatay na tingin ni lance.

Nagulat sila sa pagbaba ko, tumakbo sila ngunit hinarangan ito ng mga bodyguards kaya nagkagulo nanaman.

"Don't try me nicolas," lance said with an anger tone, nakatingin sya saakin ng may pag aalala pero hindi ko iyon sinulyapan man lang.

"Anak!" niyakap ako ng mahigpit ni mama at daddy, nakalapit sila saakin dahil dumami ang mga bodyguards ni lance samahaman pa ng mga pulis.

"Mama, daddy," i try to become stronger but my voice just broke easily in front of them.

"It's okay sweetie, you need to rest okay?" tumango lang ako at niyakap ulit sila ng mahigpit, dinaluhan naman iyon nila minny.

Now i realize my true and only bestfriends!

Di ko na alam ang nangyari sa labas, kumain at nagpahinga muna ako dahil bigla nanamang sumakit ang ulo ko, dinalaw naman ako nila christine para magpaalam.

"Thank you so much! i love you guys!" i hugged then with finality.

"For you girl! you should take a rest for now, we love you too,!"

Buong araw ay tulog ako, siguro bukas nalang ulit ako magiging malakas, nagpatawag ng doktor sila mama at kinabitan muli ako ng gamot.

Ayoko muna mag isip ng kung ano ano, bahala na kung ano ang mangyayari pagdating ng oras, pagdating ng tamang panahon para sa lahat...

Haters become LoversWhere stories live. Discover now