CHAPTER 31

1.5K 47 1
                                    

Chapter 31

Mr. And Ms. SU

"Please separate boys and girls, boys sa kabilang side kayo," aniya ng aming guro na nagpagising saaking diwa, kanina papala ako nakatingin doon sa dalawa!

"Sunny, goodluck sa kanya," bulong na aniya ni Zery saakin sabay ngisi, kinunutan ko sya ng noo at agad na may naalala.

"Wait Zery bakit hindi ikaw yung partner ko?" natigilan sya sa aking tanong pero agad ding ngumiti.

"Goodluck," he said at ang weird ng ngiti nya!

"Babe? goodluck!" nabaling nanaman ang atensyon ko sa dalawa nagulat ako nang makita kong nakatitig saakin si Lance habang nakayapos sa kanya si Miss Ara.

Nag-iwas ako ng tingin at ikinalma ang sarili, why im acting like this? bakit parang ang bigat?

Magkapartner si Zery at Miss Ara kaya mas lalo akong nagtaka, kung magkasintahan si Lance at Miss Ara bakit ako ang kapartner ni Lance? at iniwan naman ako ni Zery?

Umalis na ang dalawa pero hindi taliwas ang seryosong tingin saakin ni Lance bago lumipat sa kabila, si Miss Ara naman ay inirapan ako at pumila na din.

Kahit anong marinig kong sasabihin nila ay babalewalain ko, alam kong totoo iyon at hindi ako magpapaapekto basta tatapusin ko ito! fighting lang Sunny!

"Contestant Number 7!" huminga ako ng malalim kasabay ng paglabas sa backstage.

"Mr. Lance Zyrus Guevarra and Ms. Sunny May Lim!"

Halos mayanig ang buong venue sa lakas ng sigaw ng supporters ni Lance di nga lang alintala ang pagkagulat nila dahil ako ang kapartner nya, di nila ako masisi dahil pati ako ay nagulat din!

Nakita ko ang masasamang tingin ng ibang kababaihan saakin pero kalaunan ay nag-iba din iyon, hindi ako nagpaapekto sa halip ay mas inayos ko pa ang aking lakad di alintala ang sakit ng paa ko dahil sa taas ng heels.

Nasa kabilang side si Lance at pag-ikot ko ay yayakapin ko sya patalikod pero hindi ko alam kung alam nya yon!

Mas lalo akong kinabahan ng magkalapit na kami pero hindi ko iyon pinahalata, tama nga si Minny dahil halatang sanay na sanay dito si Lance!

Huminto sya sa harap at kahit hindi na magpost ay tila aatakihin sya ng tili ng mga kababaihan.

Huminga ako ng malalim at ginawa ang karapat dapat.

Niyakap ko sya patalikod at nagsimulang magpost ng kung ano ano, nagulat ako ng bigla nyang yapusin ang aking baywang at inambang palapit sa kanyang mukha at dahil na dala kami sa mga post na iyon ay muntik ng magkadikit ang aming labi!

Nagpapasalamat ako at mukhang di naman napansin ng mga audience iyon dahil mabilis ang pangyayari at tila kilig na kilig sila sa buhay, tiningnan ko ng masama si Lance ngunit may mumultong ngiti sa kanyang labi.

Nagpakilala kaming dalawa at kalaunan ay bumaba na sa stage.

Bumalik ako saaking kwarto which is nakasunod din si Lance, bat sya ganon? baka magselos ang girlfriend nya!

Buti nalang ay sumunod sila Minny saamin na halos magwala sa kilig, napatingin ulit ako kay Lance na tila hindi maalis ang titig saakin.

Ilang minutong break at aayusan na ako para sa talent portion.

Habang inaayusan ako ay tila narindi na ako sa kwento ni Minny saakin, halos daw masabunutan nya si Charles dahil sa kilig! at ang lakas daw ng audience impact namin which is kay Lance lang naman talaga.

"Did you know na ang mga lalaking katabi ko ay tinatanong kung single ka daw? sabi ko ready ka tumingle kaya ayon hiyaw ng hiyaw sayo," tawang tawa nyang sabi, sinamaan ko sya ng tingin.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now