CHAPTER 9 : Mystery Guy

3.8K 137 1
                                    

Pagkadating sa bahay ay laking pasasalamat ko na wala pa si Mama, tanging kaming tatlo lang ni Mang Juan dito at ang guard namin.

Di ko kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang mga dala ko pagnakita nya ito.

Sino naman kasi ang magbibigay saakin ng ganitong bagay? ako na panget? ako na nerd?

Noong nagsimula ako ng highschool alam ko na sa sarili ko na ni isa ay walang magkakagusto saakin, sa tulad kong naiiba sa kanila, sa tulad kong laging inaapi at nilalait.

Inilagay ko ang pink teddy bear saaking study table, habang ang mga pulang rosas ay inilagay ko vase.

Matapos magbihis ay napatingin nanaman ako dito, bigla kong naalala ang bestfriend ko dati noong nasa Korea pa ko, sya lang ang kaisa-isahang kong bestfriend doon, dahil na rin sa may dugo itong Pilipino at sadyang nagkakaintindihan kami dahil parehas naming tinatangkilik ang lenguahe ng sariling amin, ultimong may iba din akong kaibigan ay sya lang ang natatangi kong kaagapay at kasama doon.

Pero isang araw ay nagbago ang lahat, grade six kami non ng bigyan nya ko ng isang teddy bear at roses akala ko ay dahil sa magbestfriend kami at kinakaylangan ko din syang regaluhan kapalit.

Pero hindi, umamin sya sakin sa mismong araw na iyon, sa totoo lang mas gusto ko syang maging kaibigan lang dahil sa bata pa naman kami at marami pang pwedeng matutunan sa buhay.

Umasa sya saaking sagot sabi nya na hihintayin nya daw ito, nag-isip ako ng mabuti tungkol doon, hindi sa ayaw ko sa kanya, mahal ko sya pero bilang kaibigan lang.

Humanap ako ng tamang panahon para sabi iyon sa kanya, pumunta ako sa paborito naming tambayan umamin at sinabi ko sa kanyang ang nararamdaman ko akala ko maiintindihan nya iyon pero nagkamali ako.

Pagkatapos nang nangyari ay di ko na ulit sya nakita, nalaman ko nalang na lumipat sya sa America upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Masakit dahil ang iisang kaibigan na minahal ko at parang tinuring na kapatid ay iniwan ako.

Kaya ngayon natatakot na ko magkaroon ng bagong kaibigan, natatakot na kong maiwan ulit, pero nang dumating sa buhay ko si Minny at Charles para bang nag-iba na ang pananaw ko tungkol don, masaya palang magkaroon ng kaibigan na nandyan upang ipagtangol ka at damayan ka sa lahat ng mga problema mo, nagsisi na ko dahil ngayon ko lang narealize ang bagay na iyon, na sana tumanggap ulit ako ng bagong kaibigan at kalimutan nalang ang nakaraan.

Lumipat na din kami ni Mama sa Pilipinas pagkagraduate ko ng elementarya, at doon na nagsimulang gumulo ang tahimik kong buhay bilang estudyante.

"Okay kalang bie?" napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita saaking likuran.

"Bie? anong ginagawa mo dito? pano ka nakapasok?" nginitian nya lang ako ng malaki habang kuryosong tumitingin sa mga gamit ko sa kwarto.

"Masama bang bisitahin ang bestfriend ko?"

"Paano ka nakapasok?" kinuha nya ang kaninang binigay nya saking teddy bear, ngumisi muna sya bago humarap saakin.

"Nakasalubong ko si Tita sa labas ng village, at tsaka kung magtatanong ka kung anong gagawin ko dito, sleep over!" humiga sya sa kama ko dala pa rin ang teddy bear na iyon.

"Baka hanapin ka ni Tita?"

"Ano ka ba, naalala mo nung nagdinner tayo sa bahay, sabi ni Mommy na pupunta syang abroad sa makalawa, kaya wala akong kasama sa bahay, dito nalang ako matutulog!" napahawak nalang ako sa aking sentido, parang hindi sleep over gagawin nito.

"At tsaka manonood kami ni Tita ng kdrama!"

"Tsk, sino ba kasi nagbigay nyan?" ako naman ngayon ang humawak sa teddy bear.

"Dapat nga ako nagtatanong bie eh, sino sa palagay mo ang magbibigay nito sayo? siguro may boyfriend ka na no?" tumayo sya sa kama at hinarap ako na may malaking ngisi, nababaliw na ata tong si Minny sya ang nagbigay saakin nito tapos ako tatanungin!

"Seryoso, sino ba kasi ang nagbigay nito?"

"Ay nakalimutan ko tinatawag na pala tayo ni Tita halikana dali!" dahil sa wala na kong magawa ay nagpahila nalang ako sa kanya papunta kay Mama.

"Anak," nadatnan kong nag-aayos si Mama ng mga bagay na pangbake sa lamesa, humalik muna ako sa kanyang pisngi.

"Mama dapat magpahinga muna po kayo,"

"Okay lang ako anak, at tsaka may maganda ba naman tayong bisita at gusto matikman ang cake na gawa ko," inosenteng napatingin si Minny saakin sabay ngiti ng malawak.

Hapunan cake?

"May papabili sana ako sayo, dyan lang sa labas ng village anak maiwan nalang si Minny dito at gusto akong makitang magbake," nagbigay ng listahan saakin si Mama, nag-ayos lang ako ng konti at tuluyan ng lumabas.

At syempre hindi mawawala sa listahan ang soju! paborito ni Mama na inomin yon pati tuloy ako nadamay at syempre nakikita nya din ito sa mga kdrama's na pinapanood nya.

Medyo malapit lang naman ang convinience store sa labas ng village kaya ilang minuto lang ay nandoon na ako.

Pagkatapos ng ilang minutong pagbili ay dinalian ko nang umalis dahil masyado na ring madalim sa daan, kahit may mga poste dito ay nakakatakot pa din.

Pagkapasok ko sa village ay nginitian lang ako ng guard at patuloy na ko sa paglalakad ng mabilis.

Pero may napansin akong parang anino ng tao na sumusunod saakin, binagalan ko ang lakad ko para makita kong sino yon, pero pagkatalikod ko ay wala namang tao.

Malayo na ko sa unahan ng village kung saan may guard kaya mas lalo kong binilisan ang lakad, natanaw ko na naging mabilis din ang galaw ng anino.

Dahil sa kaba ay napagdesisyonan kong tumakbo, malapit na ko sa gate ng bahay nang makita ko kung sino iyon.

Kumaliwa sya ng daan na parang wala lang, isang matangkad na lalaki may suot itong salamin at mask, mayroon din itong jacket at sumbrero na tila wala ng makikita sa kanya dahil sa mga bagay na iyon.

Napalingon sya sa gawi ko, agad naman ako nag-iwas ng tingin.

"Okay lang po kayo, Miss Sunny?"

"Okay lang po ako Kuya, pasok na po ako," nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa bahay.

Sino naman kaya ang lalaki na yon? bakit parang sinusundan nya ko? at ang creepy nya!

Haters become LoversWhere stories live. Discover now