CHAPTER 44

1.1K 38 15
                                    

Chapter 44

Boyfriend

Hindi ko akalaing mapupunta ako sa sitwasyon na ganto!

Kinuha ko ang papel kay Sam at tiningnan kung babe nga ang nakasulat!

Napaupo ako saaking upuan at sinapo ang noo, sabi sayo Sunny wag ka ng pumasok eh!

"Guys, remind ko lang since lahat ay sumangayon dito dapat gawin nyo kung ano talaga ang tema ng challenge na ito, paghindi ay may haharapin kayong punishment, ayaw nyo naman siguro non, kaya kung ayaw nyong mahirapan ang kapareha nyo ay magkasundo kayo, ito na ang rules natin," aniya ni Sam, tumango naman ang ilan.

Ano na ang gagawin ko ngayon?! sa lahat ba naman ng makakapareha ko ay itong pang kasing ugali ni Lance! pero hindi sa panghuhusga pero sa nakikita ko ay ganon na nga!

Nagulat ako ng biglang umuga ang katabi kong upuan, sinalubong ako ng seryosong mukha ni Mark, tumabi sya saakin at di magkamayaw ang tila ng mga kaklase namin, yung iba at chinicheer ako, yung mga lalak naman ay napapangisi, nilingon ko ulit si Mark na tila bawat kilos at galaw nya ay kuhang kuha nya kay Lance!

Napailing ako saaking naisip, Lance nanaman Sunny! erase! erase!

Magmove on kana kahit wala namang nangyari! ano ieexpect mo! nagbalikan na sila ni Ara!

"Rule number 1, dapat gawin ang ginagawa ng isang magboyfriend at maggirlfriend,"

"Rule number 2, lahat ng endearment na nabunot nyo ay iyon ang itatawag nyo sa isa't isa simula ngayon,"

"Rule number 3, bawal ipagsabi ang challenge na ito, kung tatanungin kung kayo, sasabihin nyo na kayo,"

"Rule number 4, bawal umayaw may parusa,"

"And lastly, rule number 5 mas maganda ang acting, mas maganda ang premyo, enjoy guys!" pumalakpak si Sam sabay cheer sa mga magkaparehang nahihiya sa isa't isa.

Pwede bang lumipat nalang ng section? ano ba tong naisip ng president namin! o nag-iisip ba sya ng matino?!

Sabagay at tuwang tuwa sya ngayong nakakapit kay Miggy!

Nagring na ang bell hudyat na tapos na ang panghuling subject namin, agad kong inayos ang aking gamit, ito na ang simula ng kalbaryo ko sa buhay!

Bakit pa kasi sya? sa dami ng lalaki bakit sya pa? yari nanaman ako sa mga fangirl nya! at sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya! dito pa lang nga sa section namin ay may masama ng nakatingin saakin!

Hindi sa pag aano, pero bat feeling ko lahat ng famous dito ay naiinvolve saakin? o ako mismo ang nasasama sa kanila, hindi ko naman iniexpect na magiging kaibigan sila Minny, Charles, Lester, hindi ko alam at hindi ko din maintidihan, siguro tadhana na ang nagpasya nito, na sa hindi ko aakalaing panahon at tao ay iyon pala ang totoo at tunay.

"Wait," isang baritong boses ang narinig ko mula sa aking likodan, at hindi nga ako nagkakamali si Mark! hawak ang gitara at ang isang bag, hinila nya ang hawakan ng bag ko dahilan ng pagka bangga ko sa kanya.

"Anong-"

"Shut up, babe," aniya ni Mark sabay ngisi.

Ano daw! babe? mababaliw na ata ako!

Kinuha nya ang bag ko at sya mismo ang nagbuhat nito, nababaliw na ba sya?!

"Teka Mark-"

"Call me babe, cause I'm your boyfriend," aniya nya sabay ngisi, tila natulala ako sa nangyayari! hindi ito totoo!

"Let's go" mas lalong nanlaki ang aking mata nang hawakan nya ako sa aking kamay na agad ko namang binawi, pero nakita kong tumingin sya kay Sam na nakataas ang kilay ay agad ko ding binalik, no choice Sunny! hindi ko sya pwedeng idamay sa punishment na ibibigay ni Sam!

"Mark i mean b-babe! ako nalang magbubuhat ng bag ko," nahihiya kong ani, pero hindi man lang sya kumikibo! nangangalahati palang kami sa hallway ay ang dami ng nagtitinginan saamin at hindi mawawala ang mga fangirls nya, kulay pink ang bag ko kaya halata talaga na akin yon.

"Ang cute sila ba?"

"Anong cute dyan, malandi yang babaeng yan nung nakaraan kay Prince Lance, ngayon kay Prince Mark naman!"

"Omg, bakit nya hawak ang kamay ng nerd nayon!"

"Guys, bagay sila!"

"No, malandi sya!"

"Timer!"

"Panget!"

Ayan lang ang ilan sa mga naririnig kong pagmamanipula nila saakin, gusto kong sabihin na challenge lang to at sa kanila na itong si Mark, pero hindi pwede.

Ayoko lang kasi na bumalik nanaman ang dati, na palagi akong nabubully dahil sa itsura ko.

Hanggang sa makaalis kami sa hallway, magkahawak kamay ay hindi parin tumitigil ang nagbubulungan, feeling ko nga sinusundan kami eh!

"Omg, si Prince Lance!"

"Wahhh, ang cute talaga nila bagay sila ni Ara,"

"Kaysa naman sa isang nerd dyan,"

Dumikit ako ng konti kay Mark, gusto ko magtago, ayoko na ng kahihiyan, habang si Mark ay walang paki sa lahat dala dala ang bag ko at mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Oh, hi nerd" napaangat ako ng tingin sa boses na yon, si Ara kasama si Lance na nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

"Hi, Mark long time no see,"

Kunot noo syang umangat ng tingin, tumingin sya kay Mark na nakangisi, pwede bang makauwi nalang ako ng matiwasay!

"Something's fishy, are you together?" nandidiring tanong ni Ara.

Nangdahil don napatigil lahat ng estudyante at ibinigay ang buong atensyon nila saamin, nakapalibot sila at tila nag-aantay ng sagot.

Napasulyap naman ako kay Lance na kanina ay nakakunot ang noo ngayon ay blanko na ang mukha.

"Hin-" di na natapos ang sasabihin ko ng nakita ko si Sam kasama si Miggy at iilang kong kaklase, anong gagawin ko!

"Yes," napaharap ang lahat kay Mark, naghiyawan ang lahat ng tao doon, maraming nagbulungan at masama ang tingin saakin ngayon, ano ba tong pinasok ko!

"Would you mind, my baby is tired, can we go now?" nganga as in nganga lahat ng mga estudyante pati si Ara sa sinabi ni Mark, pahamak talaga to!

Napatingin ulit ako kay Lance na blanko pa din ang mukha, ni sulyap ay hindi iginawad saakin.

Bago pa ko malunod sa sakit, ay niyakap ako ni Mark paalis don, paalis kung nasaan ang tunay na gusto ko.

Totoo nga, nawala na talaga syang pakialam saakin...

Haters become LoversWhere stories live. Discover now