CHAPTER 17 : Fieldtrip 2

2.8K 111 0
                                    

Matapos maglibot ay nagpaalam muna si Charles dahil tawag sila ng coach nila, ilang oras palang kami nandidito at masasabi kong nag-eenjoy ako!

"Bie, uy si Lance ba yon?" nagulat ako sa pagbulong ni Minny.

Napatingin ako sa gawi kung saan sya nakatingin, si Lance na nakasuot din ng varsity jacket kasama ang isang lalaki, nakaupo sila sa may bench at nakatingin sakin?

Tinanggal ko ang aking salamin sabay kusot saaking mata, kita ko ang pag-iwas nito ng tingin, anong problema non?

"Ang gwapo talaga!" si Minny na parang sirang nagwawala!

"Tsk, di naman," bulong ko sa kanya.

"Tsk, magpagawa kana ulit ng salamin bie!" inirapan nya ko sabay sabunot, napatingin naman ako sa aking salamin at naalala kung sino ang nagbigay nito!

Naghapunan kami sa isang hotel dito sa Baguio, ang plano ng mga teachers namin ay doon matulog sa labas, kungbaga ay magiging isang camping site kaya matapos ng isa naming activity na ginawa sa labas ay isa-isa ng pinamigay ang mga tent na gagamitin namin.

Kanya kanya ang pagbuo saaming tent, yung iba naman ay buo na naibigay at matutulog nalang sila!

Pagkakuha ko ng tent ay biglang tumunog ang aking phone, agad nanaman akong nilukob ng kaba dahil sa numero nanaman ito! madalas itong tumatawag saakin kaya mas lalo akong natatakot!

Bigla kong naalala yung creepy guy nasumusunod din saakin!

Inoff ko agad ang aking phone at inilagay sa bag, bukas pa naman mangangamusta si Mama at kasama ko naman din si Minny!

May inanunsyo ang aming mga guro bago kami magsimulang itayo ang tent, medyo mahirap ito dahil hindi namin alam kung papaano ang gagawin!

"Bie, maghotel nalang kaya tayo!" reklamo ni Minny at tila nawalan ng pag-asang hinagis ang parte ng tent.

"Sira! wag kang maingay!" saway ko sa kanya, masyado kasing malakas ang boses.

"Eh, pano naman tayo makakatulog ng maayos, hindi nga natin matayo ito eh!" gusto ko ng takpan ang bibig ni Minny, dahil baka marinig pa ng teachers namin!

"May problema ba dito Ms. Lim?" nagulat ako dahil nandyan pala sa tabi namin si Ma'am! kinalabit ko si Minny na umayos bago ko sagutin si Ma'am.

"Ahm, wala po Ma'am," agaran kong ani, si Minny naman ay yumuko pahamak talaga itong babaeng ito!

"Okay, if you need some help you can ask our varsity players, bihasa na sila sa pagtatayo ng mga tents," tumango ako bilang sangayon, umalis na si Ma'am di pa man nakakaangat ng tingin si Minny ay agad ko na itong sinabunutan.

"Ouch bie!" reklamo nya saakin pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

"That's our principal!" singhal ko sa kanya.

"I know!"

"Tsk, gawin na natin to,"

"Wait, varsity si Charles di ba?" napaangat ako ng tingin sa sinabi nya, oo nga no makakatulong sya saamin pero wala naman sya doon sa unahan, tanging mga kamember lang nila at si Lance!

"Wala si Charles doon," aniya ko dahil muntik na syang tumakbo papunta sa harap.

Bumalik sya sa pwesto namin at hinanap ng tingin si Charles, saan naman kaya nagsusulpot yon? o baka tulog na?

"Edi, si Lance o kaya si Lester, basta!" hindi ko na sya napigilan, agad syang pumunta doon at kinausap ang mga varsity players, sabagay at cheerleader sya siguro may kaclose sya don maliban kay Lance!

Napagawi ako sa palagid para makita si Charles, pero mukhang mali din iyon dahil sa huling lingon ko ay kita ko ngising mukha ni Lance sa malayo!

Nakaharap sya ngayon saaking gawi at para bang nang-aasar na nakatingin, iniwas ko lang ang aking tingin at ipinagpatuloy ang paggawa ng tent o tent pa ba ang ginagawa ko?

Ilang minuto ang nakalipas ay tuwang tuwa si Minny bumalik saaming pwesto, hinampas nya pa nga ako para mapansin sya!

"Wala si Charles sabi ko sayo eh," aniya ko at ipinagpatuloy ang gawain.

"Ano ka ba! edi kung wala si Charles, edi si Lance!" napatingin ako sa kanyang likodan, at tama nga ang nakita ko! si Lance? pumayag sa gusto ni Minny?

"Lance, ayun oh di namin makabit," parang nagsusumbong na ani ni Minny, totoo ba to?

"At tsaka itong isa baka nagkamali lang nang pagkabit si Sunny," tumango lang si Lance at inagaw saakin lahat ng dala ko, samantalang tiningnan ko naman si Minny na parang nakakatakot.

"What?" aniya nito.

"Nakakahiya!" bulong ko sa kanya.

"Ano ka ba, ngayon ka pa mahihiya o sige matulog tayo dito sa labas, mas nakakahiya ang itsura natin pag ganon!" bulong din nito saakin.

Lumipas ang ilang minuto ay agaran na natayo ni Lance ang aming tent sa tulong ng iba nyang kasama.

"Salamat, bie halikana kanina pa ko inaantok!" agad na pumasok si Minny sa tent, wala talagang hiya ang kaibigan ko!

"Ahm, salamat-"

"Tsk," tugon nito saakin.

"Salamat-" ulit ko pero agad syang umalis saaking harap.

Kinabukasan ay naging masaya ang closing activity namin bago umuwi, nakisakay sa bus namin si Minny kaya hindi ko alam kung saan uupo si Lance.

Pero bakit ko ba sya iniisip, bahala na syang maghanap ng pwesto sinabi na din naman saamin na pwede kaming marumble basta na check kami na kumpleto bago umalis.

Nakahinga din ako ng maluwag sa pangyayari na iyon, buti nalang at hindi ko sya katabi ulit!

Gabi na nang makarating kami sa school, susunduin ako ni Mang Juan kaya pinauna ko nalang si Minny dahil nandyan na ang kanyang driver.

Binuksan ko ang aking cellphone para matawagan sya, pero hindi doon nabaling ang atensyon ko kundi sa isang damakmak na tawag ang natanggap ko simula noong inoff ko ang cellphone ko!

Sino naman kaya ito? at tsaka bakit hindi man lang sya maubusan ng load?

"Sunshine!" nagulat ako sa lalaking yumakap saaking likod.

"Charles, ngayon lang kita nakita!" napatingin ako sa mga kasama nya at isa doon si Lance na mukhang iritado.

"May pinagawa saamin, magkaiba tayo ng activity kanina," tumango ako sa kanyang sagot, nginitian naman ako ng kanyang mga kamember sa likod.

Pero nabaling ulit ang atensyon ko kay Lance dahil iritado itong nakatingin sa kanyang cellphone.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now