CHAPTER 13 : Unknown Call

3.4K 107 7
                                    

Biglang nagring ang phone ko hudyat ng malakas na ingay na namutawi sa buong classroom, nabaling ang atensyon ng lahat saakin lalo na ang teacher namin! masungit at matanda na ang teacher namin kaya't alam ko kung ano ang mangyayari saakin.

"Ms. Lim, get out!" inayos ko nang mabilis ang aking gamit, bago pa tuluyang mapagalitan ni Ma'am.

Last subject ko nalang iyon kaya't nagtungo muna ako sa library para makakuha ng libro para sa mga assignment, magchachat naman ang president namin sa group chat kung mayroong dapat gawin.

Napatingin ako sa aking cellphone habang naglalakad, sino naman kaya ito? bakit number lang? at tsaka sakto pa talaga na may klase kami!

Sa totoo lang hindi ko sinasagot ang mga tawag o text lalo na pagnumber lang, dahil na rin siguro sa mga napapanood kong nakakatakot ay ganon ang paniniwala ko.

Nagring ulit ang cellphone ko hudyat na may tumatawag! agad kong dinicline iyon, inoff ko din ang cellphone ko para di na ulit makatawag iyon.

Kabisado ko ang number ni Mama, Minny at Charles sila lang naman ang palagi kong katawagan o katext, isama na rin natin si Mang Juan kaya sino naman itong tatawag saakin, o baka wrong number?

Binati ko ang librarian bago pumasok sa library, history at math nanaman ang kinuha kong libro, medyo kaunti nalang ang tao dito dahil mag-uuwian na.

Pagkatapos kong makakuha at magbalik ng libro ay nagpasya na kong umuwi, marami na ding estudyante sa labas.

Wala pa din ang driver namin para sunduin ako kaya magjejeep muna ako, busy din naman si Mama kaya hindi ko na sya inabala.

Nagpara at sumakay na ko dito, medyo siksikan kaya't halos magkadikit na ang katawan at mukha ng mga katabi ko, napunta ako sa dulo kung saan ang labasan, may espasyo pa nang konti uusod sana ako para maluwagan pero agad na may na upo doon.

Nagulat ako at muntik ng malaglag kung hindi nahawakan ng isang lalaki! umayos ako ng upo at haharapin na sana para magpasalamat pero isang ngisi ang bumungad saakin!

Teka si Lance? anong ginagawa nya dito?

Teka sya nagjejeep?

"Yung bag mo, ang sikip!" singhal nya sakin.

Inilagay ko sa aking kandungan ang malaki kong bag dahilan ng pagkalapit namin lalo ni Lance.

Nakakapit ngayon ang kanya kamay sa may bandang labasan dahil madalas na pumara ang jeep, napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala saakin.

Agad syang nag-iwas ng tingin, nagkadikit ang kanyang dalawang kilay na mas lalong bumagay sa ugali nyang suplado!

"Nagjejeep ka?" hindi ko maiwasang tanong, pano ba naman at napakayaman nya at hindi lang ako makapaniwalang sumasakay pala sya sa mga ganto!

"Malamang, katabi mo nga ako di ba?" sumingkit ang mata ko at masama syang tiningnan, nagtatanong ng maayos eh! sabagay magkaaway pala kami!

Maraming estudyante ang nagbubulungan tungkol sa kanya, halos magwala na nga ang katabi nyang elementary student dahil sa kilig! nagtutulukan pa ang iba para mapalapit sa kanya!

May pumara ulit dahilan ng pagkabunggo ko sa kanya, nakakahiya!

Nasubsob ako sa dibdib nya, at mas lalo pang nalapit iyon dahil may umupo sa tabi nya na mas lalong sumikip sa pagitan namin! inilagay nya ang kanyang kamay saaking likod.

"Stay still," masungit nyang ani.

"Ang sikip," reklamo ko, pero sa totoo lang ay hindi ko na kaya ang kaba na nararamdaman ko ngayon, ang lapit namin sa isa't isa!

"Bakit ka sumakay dito kung magrereklamo ka," may maliit na bag si Lance, hindi tulad saakin na napakalaki, at mabigat pa dahil sa mga libro, pawisan din sya pero kahit ganon ay amoy ko ang bango nito!

"Masikip lang kasi,"

"Hindi mo pa ba to nararansan?" taas kilay nyang ani.

"Naranasan na, pero hindi naman ganto ka sikip," mahina kong ani.

"Pagsaakin nagrereklamo ka?" aniya.

"Hindi sa ganon-" pumara nanaman ang jeep dahilan ng pagbangga ko ulit sa dibdib nya!

Kita ko ang ngisi sa kanyang labi na agad ding nawala.

"Tsk, kunwari ka pa nag-eenjoy ka naman," bulong nyang ani, hindi ko man naintindihan ang kanyang sinabi, ay nagulat ako nang bigla syang bumaba pagpara ng jeep.

"Bye nerd," ngisi nyang ani, kita kong may itinaas syang bagay noong palayo na ang jeep, hindi ko nalang pinansin yon sa halip ay sinamaan ko sya ng tingin.

Ngayon ko lang napagtanto na napaka konti nalang pala ng tao sa jeep! at halos lahat ng estudyante ay nakababa na, pero bakit hindi man lang umusog ang Lance na yon?

Pagkababa ay mabilis akong naglakad papunta bahay namin, malakas ang loob ko dahil maliwanag pa at may mga tao sa labas.

Nadatnan ko si Mama sa kusina, binati ko muna sya bago umakyat sa kwarto para itext sila Minny.

Pagkaraan ng hapunan ay hinalungkat ko ang bag ko para sa assignments, nilabas ko din ang mga libro na nahiram ko at mga tunay kong libro para makapag-aral na, pero napag alaman ko na wala ang wallet ko, teka saan ko naman inilagay yon?

Halos baliktarin ko na ang aking bag dahil hindi ko mahanap iyon!

Bukod sa pera ay nandon ang mga pictures ko nung bata ako, dahil inaasar ako dati ng bestfriend ko at napilitan akong itago lahat ng epic pictures ko noong bata pa ako!

Hinalungkat ko lahat ng aking gamit maging ang nasa kabinet ay binuksan ko din.

Naalala ko ang itinaas ni Lance kanina, teka parang wallet ko yon!

Natigil ang pag-iisip ko ng bigla nanamang tumunog ang aking cellphone na kakabukas ko lang! tiningnan ko iyon at baka si Minny nanaman pero hindi!

Number nanaman! ano ba ang kaylangan nito?

Sayang naman ang load ko kung itetext ko sya! malay mo masamang tao, o multo!

Napatingin ako doon at inoff ulit ang cellphone ko, mahirap na!

Kinabukasan ay hinanap ko ulit iyon pero wala sa kahit anong sulok ng school! tinanong ko din si Charles at tanging asar lang ang inabot ko!

"Baka naman nalaglag bie? malupit ba talaga mga picture mo don?" pagcocomfort ni Minny na parang nang-aasar din!

Haters become LoversDove le storie prendono vita. Scoprilo ora