CHAPTER 5 : New Friend

4.5K 163 0
                                    

Hindi ako makadilat dahil sa liwanag na nakaamba saaking mata, unti-unti ko iyong iminulat at laking gulat ko na puro liwanag lang ang aking nakikita, teka nasan ako?

"Sunshine, are you okay?" napalingon ako sa boses na nanggaling sa gilid, pamilyar ang kanyang mukha, ibig sabihin buhay pa ko!

Inangat ko ang aking kamay, medyo malabo ang aking paningin kaya't gustong ko itong mahawakan kung totoo nga.

Hinawakan ko ang kanyang dalawang pisngi, totoo nga!

"Are you alright?" nakahawak sya saaking kamay ngayon, nag-aalala syang tumingin saakin.

"Charles? buhay ako!" rinig ko ang biglang tawanan ng dalawa kong kasama dito sa loob.

"Bakit kayo tumawa? bakit ako nandito?" sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako ni Charles.

"Nagpapatawa ka kasi!" tawang ani ni Charles, nagtataka naman akong tumingin dito, anong nangyari?

"Charles,"

"Nurse, pwede ko na po ba syang ilabas?" aniya ni Charles sabay kindat dito na agad naman sinakyan ng aming nurse.

"Sige, basta magpahinga ka hija at tsaka ang mga ganitong insidente ay kinakaylangan managot, hindi naman pwede manakit sila ng kapwa nila tao dahil lang sa kung anong dahilan, kaya hija lumaban ka kung nararapat," nag-aalalang aniya ng aming nurse.

"Magpagaling ka hija, mas mabuti na wag ka munang pumasok bukas," ilang minuto ang itinagal namin doon bago nagpaalam.

Medyo masakit pa ang aking katawan at nanlalabo ang aking paningin, kamusta na kaya ang salamin ko? alam kong nabasag iyon ni Sandy pero kahit ang katawan lang nito ay makuha ko.

Inalalayan ako ni Charles papuntang hallway.

"Charles? san ba tayo pupunta? ang sakit ng katawan ko at tsaka malabo ang paningin ko," ngumisi lang sya at agad akong binuhat na parang pangkasal.

Dahil sa biglaan iyon ay hindi ako nakakibot agad.

"You will see,"

"Huh? teka ibaba mo nga ko!" pilit akong nagpupumiglas pero masyado syang malakas kaya't hindi ako makawala.

"Chill, alam mo bang nakatulog na rin ako sa clinic kakaantay sayo," malungkot nyang ani.

Kahit konti nalang ang estudyante ay nahihiya pa rin ako sa lagay namin ni Charles, iba na din ang suot kong damit nakuha ata ni Charles sa locker ko ang PE shirt at jogging pants ko.

Hindi pamilyar ang daan na tinatahak namin, pumasok kami sa isang malaking pinto na napagtanto kong court, bakit kami nandito?

Pagpasok namin may nakita akong isang lalaki na napatigil sa pagshoot ng bola dahil samin.

Lumapit kami ni Charles at hiyang hiya na ko dahil buhat-buhat nya pa rin ako!

Si Lance? habang papalapit kami ay kita ko ang masamang tingin nito saamin.

"Anong ginagawa nyo dito?" masungit nitong ani.

Binaba ako ni Charles pagkalapit dito, kita ko ang mumunting ngisi nito.

"Sabi mo pag-okay na-" agad na tinakpan ni Lance ang bibig ni Charles, taka ko naman silang tiningnan.

Hinila ni Lance si Charles sa dulo ng court kaya naiwan akong mag-isa dito, medyo masakit pa ang aking katawan kaya naisip kong iunat, tamang tama at may nakita akong bola kaya kinuha ko iyon.

Hinagis ko ang bola sa ring, ngunit naalala ko na wala pala akong salamin!

Hindi iyon pumasok sa halip ay tumama iyon sa lalaking nasa harap ko!

Haters become LoversWhere stories live. Discover now