CHAPTER 28

2.3K 78 7
                                    

Chapter 28

Practice

Nakatulugan ko ata ang pagbabasa at nagising ako saaking desk, medyo sumakit ang balakang ko dahil iisang pwesto lang ang tulog ko.

Inayos ko muna ang aking gamit bago umunat at tumalon talon, antok na antok pa kasi ako pero need ko nang magready para sa araw na ito.

Ginawa ko na ang usual morning routine ko, bago bumaba at laking gulat ko na nakahanda na ang mga pagkain.

Nakita ko si Mama na panay ang kembot habang nagluluto.

"Oh! gising na pala ang anak kong maganda!" hinalikan ako ni Mama sabay balik sa pagluluto.

"Ma, ang aga mo ata?"

"May imemeet kasi akong client anak at tsaka minsan nalang kitang maipagluto kaya inagahan ko na ang gising," tumango nalang ako at nagsimula nang kumain, inisip ko muna ang gagawin ko ngayon at napahawak nalang ako sa sentido.

Ngayon pala ang practice namin!

Sabado ngayon at wala namang masyadong tao sa school kaya, kaya ko to! siguro?

"Anak, goodluck nga pala sa practice mo ngayon!" bigla akong nabulunan sa sinabi ni Mama, paano nya nalaman?

"Paano nyo po nalaman?" excited syang humarap saakin.

"Minny said! at actually ang teacher mo ang nauna dahil tinawagan nya ako noong nakaraan!" hilaw akong napangiti sa kanya.

"Don't worry anak ako na ang bahala sa lahat,"

"Wag na Ma, gagasto ka lang,"

"Hindi tayo mahirap anak yan ang tandaan mo, mukha man akong mahirap pero may tinatago din sa bulsa!" aniya nya na agad kong ikinatawa.

Natapos ang umagahan namin ng masaya, nagpaalam muna ako na maglalakad lakad muna sa park, maaga pa at mga ala diez na ako pupunta sa school dahil wala naman kaming klase at tsaka may practice pa sila Minny at Charles.

Habang naglalakad ay chineck ko ang profile ni Ms. Ara, totoo na sya iyong nasa pictures doon at legit ang kanyang mga accounts pero bakit parang ang weird nya sa personal?

Maraming nagpopost at nagshashare ng experience noong magkasama sila as a fan at lahat iyon ay positibo at nakakainspire, pero bat saakin iba?

I guess people change? i still love her and her story whatever happens.

Bumalik na ako sa bahay at madaliang nagbihis, suot ang isang plain white v-neck t-shirt na medyo oversize at pants tinali ko ang kulot kong buhok dahil utos ni Charles, sa totoo lang ay sa dulo lang naman ang kulot nito, hinatid na ako ni Mang Juan sa school.

Medyo kaunti ang tao sa highschool department habang parang fiesta naman sa collage department mukha atang may malaking activity sila.

Pinuntahan ko ang tinext ni Minny na lugar, medyo tahimik doon at walang tao kaya binilisan kong maglakad halos lahat ay magjowang nagyayakapan at holding hands.

Napayuko nalang ako at hindi na tiningnan ang mga ito, ano kayang feeling ng may boyfriend? but why I'm thinking like this! bata pa ako!

Inalis ko kung ano mang kababalaghan saaking isip at dumiretso na sa room pero pagkadating ko ay wala namang tao.

Nanlulumong pumasok ako sa room, hindi naman ako gaano matatakutin pero alas diez na at wala pa din sila! napaaga ba ako?

May isang malaking salamin sa harap, at mga upuan sa gilid.

At dahil wala namang tao at ako lang mag-isa ay nagpatugtog ako sa aking earphone ng isang kpop song, I'm not good at dancing pero minsan dahil sa pagkabaliw ko sa kanila ay napapasayaw na din ako at kinakabisado ko pa talaga!

Haters become LoversWhere stories live. Discover now