CHAPTER 8 : Secret Admirer

3.9K 143 2
                                    

Matapos ang nangyari sa canteen kanina ay minabuti nanaming umalis agad, dahil na rin sa maraming nakakita at nakarinig ng away namin ni Lance ay marami ding galit at nagpaparinig saakin.

"I hate you!" isang impit na sigaw ang pinakawalan ko.

Naglalakad na kami ngayon ni Minny papuntang parking lot para sa sundo namin.

"Di ko alam bakit inis na inis ako sa lalaking yon!" hinarap ko si Minny na nagbabaka sakaling aluin ako ngunit kabaliktaran pala iyon.

Sinabunutan ako nito at parang galit pa saakin.

"Ano ka ba bie! gumising ka sa katotohanan! si Lance yun oy! Lance Zyrus Guevarra!" mas lalo nyang pinagdiinan ang buong pangalan nito.

"Ano naman?"

"Anong ano naman? si Lance yon! pinakasikat at pinaka gwapo dito sa buong unibersidad para saakin, pero sa dami ng nagkakagusto at naiinlove sa kanya hindi lang para sakin yon," sinabunutan nya ko ulit na para bang kinikilig sa kung ano man ang ikinukwento.

"Alam mo ba na yung Kuya nya dati ang pinaka sikat dito? ultimo elementary department ay may nagkakagusto don lalo na ang mga teacher's natin! pero nakakalungkot lang dahil graduate na sya noong nakaraang year at sya na mismo ang isa sa mga namamahala dito sa school natin," medyo nagulat ako sa kanyang sinabi, sila pala ang may-ari ng school na to? at tsaka may Kuya pala sya, sana naman ay hindi ito gaya sa ugali nyang masungit.

Kundi sabunot ay hampas nanaman ang natamo ko galing kay Minny.

Tiningnan ko sya ng masama, pero mas malupit pa ang natamo ko sakanya, tumalon talon sya at inalog-alog pa ko!

"Alam mo ba, ultimate crush ko yung Kuya nya dati! kaso nagkaroon ito ng girlfriend, sayang nga eh sana ako nalang!" ako naman ang sumabunot at naghampas sa kanya, itong babae na to lahat nalang! at sakto pa na nagkakagusto sya sa walang gusto sa kanya, samantalang pinipilahan sya ng mga lalaki dito!

"Tsk, lahat nalang ba ng hearthrob dito?"

"Ano ka ba syempre nagkagusto din ako sa iba, yun nga yung iniyakan ko nung nakaraan ayoko ng maalala," aniya nya sabay kalikot sa cellphone nya na parang kinikilig pa.

"Yung totoo bie ilan na naging boyfriend mo?" kuryoso kong tanong.

"Boyfriend? wala naman akong boyfriend since birth!" sabay kindat saakin.

"Huh? bakit mo iniyakan yung lalaki na yon?"

"Tsaka ko na sasabihin ayoko ng maalala yon!" nandito na ang sasakyan ni Minny ngunit ang sakin ay wala pa kaya patuloy pa rin ang pakukwentuhan naming dalawa.

"Girls! tingnan nyo sya ba yung umaway kay Lance kanina?" may dumaang kababaihan sa harap namin isa sa mga don ay nakaturo ang daliri saakin.

"Yes, sya yung nerd na niligtas dati ni Lance kay Sandy, ang lakas ng loob nyang awayin si Lance!" aniya ng isang maputing babae na masama ang tingin saakin ngayon, nagbulungan naman ang mga kasama nya.

"Ang kapal ng mukha kinaibigan pa si Charles!" aniya ng isang maliit na babae, magaganda sila at masasabi kong isa din sa mga sikat dito sa school.

"Yuck! ang panget nya kamukha nya paa ko!"

"Tama si Sandy, mukha talaga syang cheap!"

"Nababagay sa basura, kung makaasta kala mo kung sino, si Lance pa talaga ang napiling awayin!"

"Nerd na nga, panget pa!" iilan lang yan sa pagpaparinig nila saakin, tumigil ito mismo sa harap namin kasabay ng malakas na pagtawa.

"Bie wag na," akmang susugurin na sila ni Minny kung di ko lang sya nahawakan.

Tinawanan at inirapan kami ng mga kababaihang iyon bago umalis.

"Sumusobra na sila, magkita lang ulit kami matatanggal yang mga buhok nila!" pinigilan ko si Minny na sumipa pa sa ere, dumating naman ang aking sundo kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Kinabukasan ay naging masama ang umaga ko dahil sa iilang pagpaparinig at pangbubully saakin ng ilang babaeng alam kong nagkakagusto kay Lance.

Sa classroom lang ata ako may pahinga sa mga taong nanglalait at nangbubully saakin, nangyari na ang kinakatakutan kong mangyari, sana naman hindi ito magtuloy tuloy dahil kung matapang ako sa harap ni Lance, kasing hina naman ako nito pagkaharap ang ibang tao.

Hapon ng nagpagdesisyonan kong pumunta ng library para na rin, makahiram ng libro para sa mga takdang aralin tungkol sa history, ibibigay ko na sana ang library card ko ng makita ko si Minny saaking likuran, akala ko ba sa hallway kami magkikita?

May hawak syang di kalakihang pink na teddy bear at malaking kumpol na pulang rosas.

"Bie! may nagpapabigay nga pala sayo!" kinikilig na sabi ni Minny, may pagtataka ko naman syang binalingan.

"Saakin?" tumango ito at halos ipagdiinan saakin ang kanyang mga dala.

Tumalon talon pa at pinaghahampas ako!

Seryoso ba sya?

"Oo nga, kunin mo na dali kanina pa ko na ngangawit dito!"

"Bie, wag mo nga akong lokohin at tsaka walang magbibigay saakin ng ganyan tingnan mo naman ang itsura ko!" nakuha ko na ang mga libro, hinarap ko ulit si Minny na may malaking ngisi sa labi.

"Ano ka ba ang nega mo! maganda ka, mabait ka, kung di mo nakikita yon magpagawa ka na ulit ng salamin!" inirapan nya ko at pilit pa din ibinibigay ang kanyang mga dala.

"At tsaka di naman siguro sya mababaliw sayo ng ganito," bulong nyang ani.

"Ha?"

"Wala, tanggapin mo na kasi!" aniya nya at isinubsob sa aking mukhang ang kanyang dala.

"Sino naman ang magbibigay sakin nito?" tuluyan ko nang nakuha iyon.

"Secret!" aniya nya sabay talon ng talon at pinaghahampas ang pader.

"Secret?" pag-uulit ko.

"Secret admirer mo! omg kinikilig ako!" nakalabas kami sa library na may iilang hampas at sabunot na natanggap ko galing sa kanya.

"Sino namang secret admirer yon? bulag ba sya o nababaliw?" nagkibit balikat lang si Minny at inaya na akong umuwi, dumaan muna kami sa coffee shop dahil pinilit nya ko.

Napatingin ako sa kumpol na pulang rosas at pink na teddy bear na dala ko.

Pinagtitinginan din ako ng mga tao dahil saaking dala pinicturan pa ako ni Minny at lalong nang-aasar.

Sino naman kaya ang nagbigay nito?

Haters become LoversWhere stories live. Discover now