CHAPTER 66

879 35 14
                                    

Chapter 66

Gumising ako ng maaga para maghanda, di alam nila Mama at Daddy napupunta ako ngayon sa kompanya namin, suot ang isang white dress na may nakapatong na black coat, naglagay ako ng isang light make up na tama lang sa itsura ko ngayon.

"Bie, are you sure about this?" nag aalalang tanong ni Minny, nakwento ko sa kanya kagabi ang nangyari at nag offer sya ng tulong saakin maganda man iyon pero tinanggihan ko iyon, ayoko na silang madamay sa problema ko.

"Oo naman, wag kang mag alala ako na ang bahala,"

Napatingin sya sa aking suot, medyo may kasexyhan iyon dahil kita masyado ang aking balat.

"Wag nalang kaya, tanggapin mo na yung tulong ko, si Charles, Lester at Lance may kompanya sila please!" pagpupumilit nya ngunit umiling lang ako, kahit hindi ko sya matandaan magaan pa rin ang loob ko sa kanya at itinuturing na kaibigan.

"It's okay, i will handle it,"

"Don't try to seduce that man Sunny! omg baka matanda na yon, o kaya may asawa! you will be a mistress gosh!" nginitian ko ulit sya sa huli ay napapayag ko din sya, hinatid nya ko sa kompanya namin, naisip ko din yon na baka nga matandang ugod ugod or matandang manyak at mas lalo sa lahat may asawa! sino ba namang lalaking kaedad ko ang magiging succesful agad? at tsaka pinasok ko na ito wala ng bawian, para kila Mama at Daddy!

Pagkapasok sa kompanya at pinagtitinginan agad ako ng mga tao don, gulat at pagkamangha ang tingin nila saakin di ko nalang iyon pinansin ay nagtanong sa isa sa mga bantay doon.

"Hi good morning, I'm Sunny Lim the daughter of Riguel Lim," nagulat ang babae at agad na nataranta sa harap.

"Ma'am, I'm afraid that you didn't know-"

"I know everything, i want to talk to your boss," nanginginig na tumawag ang babae sa kabilang linya, pagkaraan ng segundo ay humarap ulit ito saakin.

"Ma'am, he is on the meeting right now-"

"I want to talk to him right now!" pagmamatigas ko, ayokong maabutan ako nila Daddy dito wala akong pake kung sino ang kameeting ng matandang iyon or whatever species! ako ang kaylangan nya kaya't dapat may oras sya saakin, kung katawan o kasal ang gusto nya so be it! pagtumanda sya siguraduhin nya lang na akin lahat ng kayamanan nya!

"What?! bat ang tagal nyan Miss?!" mas lalo namang kinabahan ang babae, na ko maganda ako pero di ako nangangain ng tao, bat ba takot na takot sakin tong babaeng to!

"M-ma'am, nasa kabila pong building ang office nya at don nya po gustong pumunta kayo," aba't pinahirapan pa ko ng matandang yon, wow sya na nga makikinabang saakin bata pa ko at maganda, tapos mahahaggard lang ako dahil sa kanya!

"Paki sabi dyan na kung di sya baba ngayon! saksak nya sa tyan nya ang buong building na to!" medyo napatingin na samin ang ibang tao sa impit kong sigaw, syempre joke lang yon at sana bumaba na yon, maiintindihan ko naman kung mabagal sya eh, baka naman sobrang tanda non at nakawheel chair pa my gosh Sunny! ano tong pinasok mo!

"M-ma'am bababa na daw po in five minutes, saglit lang po," inalalayan nya ko sa isang sofa ngunit tumanggi ako, tsk! takot pala syang kainin ang building na to, sabagay matanda sya! magiging sugar baby ako? omg!

Napaangat ako ng tingin dahil may dumaan na higit sampung nakaitim nalalaki, pinapalibutan nila ang tila napakaimportanteng tao sa gitna, humawi ang napakaraming tao roon maging ako dahil nasagi nila ako, at kumamalasin ka nga naman sa sobrang haba ng heels ko ay natapilok pa ko.

Medyo natapakan ang puti kong bistida, tumapon din ang laman ng bag ko ng sanhi ng malakas na tunog na namutawi sa buong building, nakakahiya man pero isa-isa ko itong pinulot, pero mas na gulat ako ng tulungan ako ng mga lalaking nakaitim kanina isa-isa nilang pinulot ang mga make-ups ko na kumalat sa sahig, medyo masakit na din ang paa ko dahil sa heels kaya hindi ako makatayo.

"Are you okay?" aniya ng lalaking nasa gitna, ngayon ay nakahawak na sya saaking paa na namumula, nag aalalang tumingin sya saaking mga mata, si Lance! anong ginagawa nya dito?

Nang di ako sumagot ay walang kahirap-hirap na binuhat ako nito papuntang sasakyan, hindi ako makareact dahil sa gulat at sa mga taong nakatingin saamin ng makapasok na kami sa sasakyan ay don lang ako naglakas loob na magsalita.

"Let me see," inangat nya ang paa ko sa kanyang kandungan, pilit ko iyong inalis ngunit mahigpit ang kanyang pagkakahawak.

"Stay still," minasahe nya iyon ng paulit ulit.

"Anong ginagawa mo sa building na yon?" kalmado kong tanong napatingin sya saakin pababa sa suot ko ngayon, agad kong tinakpan ng coat iyon.

"Are you trying to seduce the new owner of your company?" seryoso nyang tanong kita dito ang kaunting galit sa kanyang mata.

"Oo nga pala! ibaba mo ko dito baka nandon na sya sa lobby!" natataranta na ko dahil malayo layo na kami doon.

"Answer me, Sunny," aniya nya.

"Wala kang pakealam okay, buhay ko to!" iritado kong sabi di ko yon intensyon pero masyado ng malayo ang building na iyon paglalakarin nya pa ko!

"So it's true, you will use your charm," kung kanina ay nagtitimpi ngayon ay kita ko na ang galit sa mga mata nya.

"Lance, ibaba mo na ko kawawa naman yung matandang yon at baka magkarayuma pa kakahintay saakin!" pilit kong binubuksan ang pinto ngunit nalalock ito.

"Matanda? so you expect the owner as a old man?" kalmado nyang ani, pinalo ko sya sa braso ngunit seryoso pa rin sya nakatingin saakin.

"Ofcourse, kung may asawa papayag ako maging kabit muna-"

"What?" ano ba tong lalaki na to kitang nagmamadali ako! kung basagin ko kaya tong sasakyan nya!

"Pwede ba Lance, please lang okay nagmamadali ako at yung make-up ko mawawala na hatid mo nalang ako sa entrance," pagmamakaawa ko nakaawang pa rin ang labi nya sa gulat ngunit nanatiling seryoso.

"You're not leaving,"

"What? gusto mong basagin ko ito?!" hinagis ko ang ilang laman ng bag ko dahil sa inis, ngayon lang ako may lakas na loob para harapin ito tapos pipigilan nya ko?

"Stop it," hinawakan nya ang dalawa kong kamay napansin ko na tumama sa white polo nya ang make-up ko kaya kumalat ito.

"Ano ba? bat mo ba ko pinipigilan? ginagawa ko to para sa kompanya namin! naririnig mo ba ko? kung hindi ko ito gagawin baka mawala na saamin yon, lalo na kay Daddy!" sigaw ko sa kanya, unti-unti ng tumutulo ang luha.

"Your willing to sacrifice everything and become a mistress for that?!"

"Wala kang alam Lance, mahal ni Daddy yon, minana nya yon! gagawin ko ang lahat para makuha iyon! gagawin ko ang lahat para mabalik saamin iyon! gagawin ko lahat para kay Mama at Daddy!" hindi ko na mapigilan mapahagulgol sa inis, please Lance pakawalan mo na ko.

"Im sorry-"

"Wala kang alam okay? wala kang alam! pakawalan mo ko! kaylangan kong gawin to, kung pagpapakasal lang ang dahilan, i willing to give everything-"

"Please don't say that, please stop crying," niyakap nya ko ng mahigpit na mas lalong nagpaiyak saakin, akala ko matapang ako, akala ko kaya ko tong harapin mag-isa, pero bat ang hirap? ang sakit!

"Gagawin ko ang lahat, gagawin ko lahat para sa kanila, please let me go!"

"No, i will never let you go,"

"Lance please," nanghihina kong ani.

"If you are willing to sacrifice all of you because of that-"

"I will, just let me go!"

"Then be mine again,"

Haters become LoversWhere stories live. Discover now