CHAPTER 11 : Bracelet

3.5K 119 7
                                    

"What are you doing?" muntik na kong mapatili sa gulat, agad akong nag-iwas ng tingin at tumayo dahil sa kahihiyan.

"Wa-wala," nauutal nanaman ako!

Kasabay ng pagtayo ko ang pagtayo nya, tila isang lang akong bata dahil sa liit ko at tangkad nya!

"What are you doing here? sinusundan mo ba ko? may balak ka saakin no?" nagulat ako sa tanong nya at naghahanap ng sasabihin, sya naman ay nakangisi ngunit naging seryoso din.

"Ah, napadaan lang," kalmado ko na ngayong sabi, pero tarantang-taranta sa kalooban! mas lalo akong kinabahan!

But wait, sinabi nya bang sinusundan? may balak?

"May napadaan bang hinahawakan ang buhok ng kung sinong natutulog?" mangangatwiran pa sana ako sa kanyang sinabi pero hindi din natuloy, lumapit sya saakin at ngumisi, what should i do!?

"Are you taking advantage of me, while I'm asleep?" hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko at kung saan ako titingin!

"A-alis na-nako!" akmang tatakbo na ko ng hilain nya ang aking braso, dahilan ng pagkabangga ko sa kanyang dibdib!

"We're not done yet,"

"Huh?"

"Umamin ka nga saakin, may gusto ka ba sakin?" agad na nag-init ang mukha ko sa kanyang sinabi nya!

Ako? may gusto sa kanya? baliw ba sya?! kahit gwapo pa sya at pinapantasya ng lahat hinding hindi ako magkakagusto sa kanya! never! i hate him!

Pero bakit ganto?

"Anong sinabi mo?" matapang na inangat ko ang aking tingin sa kanya, he seems fresh kahit kakagising! halatang halata ang natural na kagwapuhan!

Sunny! erase! erase! kinurot ko ang aking sarili dahil sa naisip!

"May crush ka saakin no? o wag mo akong masyado titigan ba ka mafall ka! asa ka na sasaluhin kita," napagitla ako at kinurot ulit ang sarili! sya naman ay panay ngisi, ang kapal nya! feelingero!

Kahit ganto ang itsura ko, hinding hindi ako magkakagusto sa katulad nya! may standard din ako at hindi lang basehan ang pagmumuka doon! kundi ang kalooban! dahil na din ata sa dami kong napanood at nabasa na lovestory ay doon ko napagbasehan yon.

"Crush mo!" tinulak ko sya habang nakangisi.

"Crush mo?"

"Mukha mo!" napawi ang ngisi nya na napalitan ng seryoso.

"Kung ako sayo umamin kana," aniya nya at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa! bat ba lahat ng ginagawa nya ay bagay sakanya!

Erase! erase! erase! umayos ka Sunny!

"Ano aaminin ko sayo?" inis kong ani, inirapan ko sya ngayon.

"Aminin mo!"

"Aminin mo?"

"Mukha mo!" tiningnan ko sya ng masama, gaya-gaya walang originality!

"Pwede ba humanap ka ng iba mong mapagtitripan! wag mo na ko idamay sa trip mo!" sa ikalawang pagkakataon ay hinila nya nanaman ako! wala bang magawa ang lalaki na to!

"Ano ba!"

"So, ako pa ngayon ang nantitrip? ikaw nga tong nangtsatsansing!"

What? baliw na talaga to!

"I just want to warn you nerd, don't you ever fall for me," kung kanina inis ngayon inis na inis na ko sa kanya! ang kapal ng mukha nya!

"Never! kahit di mo sabihin never talaga!"

Ngumisi sya.

"Good, because i have no intention to like someone like you," pagkasabi non ay agad syang umalis.

"I hate you Lance!" impit kong sigaw, ang kapal ng mukha nya, ako? magkakagusto sa kanya? never!

Naupo ako sa kaninang inuupuan nya sa inis, may nakita akong maliit na bagay na nakasabit sa sanga ng puno, teka ano to bracelet?

It's a small silver bracelet na may nakahulmang puso sa gitna nito, at masasabi kong babae ang may-ari nito dahil sa mga detalye na hindi naman bagay o magugustuhan ng lalaki.

Pero baka kay Lance ito? pero anong pakealam ko kung sa kanya to?

Kinuha ko nalang iyon at dali-dali na nilapitan si Minny, medyo maayos na ang mukha nya hindi tulad kanina.

"Uwi na tayo?" tumango ako.

Kinabukasan ay buong araw wala si Lance, naging malungkot ang classroom dahil don, hindi ko din matyempuhan na tanungin kay Sam kong kaklase ba talaga namin si Lance.

Pumunta muna akong library pagkahapon, manghihiram ako ng libro at magsasauli na din, nakita ko si Minny na busy sa kanyang mga assignments di ko muna sya inistorbo dahil magkikita din naman kami mamaya.

Hinanap ko ang libro na kaylangan ko hanggang sa mapunta ako sa dulo ng library, natigil lang iyon ng may marinig akong pamilyar na boses.

"Charles, did you see my bracelet?" isang masungit na boses ang namutawi saaking pandinig.

"Hindi Lance, saan mo ba huling nilagay?" hindi ko na narinig ang ibang sinabi dahil papalayo na sila.

Sakanya pala talaga ang silver na bracelet na iyon, pero pambabae iyon! hindi kaya sa girlfriend nya?

Pumunta ako ng locker para kunin ang bracelet, siguro ilalagay ko nalang ulit sa sanga yon, ayokong makita ang Lance na yon!

Pagkabukas ko ng locker ay may nakadikit na sticky note sa pinto nito.

"See you at the garden,"

Hindi ko na kaylangan alamin kung sino ang naglagay nito!

Kung kaylan ayoko syang makita! sana hindi ko nalang dinala itong bracelet!

Tahimik na pumunta ako sa garden, wala pa naman sya ihahagis ko nalang to sa sanga!

Pero kung mamalasin ka nga naman ay nandon sya! tinago ko ulit ang bracelet kala mo makukuha mo to agad!

"Give me," salubong nya saakin.

"Give you what?" inosente kong tanong.

"The bracelet," seryoso nyang ani.

"Bracelet? anong bracelet?" kunwaring nagtataka kong tanong habang tumitingin sa paligid.

"Stop acting like innocent," nagkibit balikat ako at ngising tiningnan sya.

"I'm innocent,"

"Give me the bracelet or else,"

"Or else what?"

"I'm gonna kiss you," napawi ang ngisi saaking labi, sya naman ngayon ang ngumisi saakin.

Unti-unti ay lumapit sya saakin, unti-unti din akong napapaatras pero may harang na puno saaking likodan kaya wala na kong maatrasan pa!

Inilagay nya ang dalawang kamay saaking likodan kung saan ang bag ko.

Inilapit nya lalo ang kanyang mukha dahilan ng pagkapikit ko, bat hindi ko man lang sya magawang itulak?

Sa pagkakataon na ito tanging mabilis na pagtibok ng puso ang tanging nararadaman ko.

"Got it!" napadilat ako bigla, kita ko ang malaking ngisi sa kanyang mukha hawak ang bracelet na hinahanap nya.

Teka paano nya ito nakuha?

"Asa ka na hahalikan kita? no way!" ngumisi sya bago ikinaway ang kamay na may hawak na bracelet na tipong nang-aasar.

At ako naiwang nakatulala dahil sa kakaibang naramdaman ko kanina.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now