CHAPTER 25

2.4K 72 2
                                    

Chapter 25

Contest

"Bie!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Minny saaking likuran, sinamaan ko sya ng tingin dahil nahulog lahat ng dala kong libro.

"Ops, sorry!" pinulot nya ang mga nalaglag at excited na tumingin saakin, kulang nalang ay tumalon talon sya.

"Bakit ang saya mo? break na kayo?" mas lalo lang syang ngumiti saaking sinabi.

"Bukod don syempre, may suprise ako sayo!" sinamaan ko sya ng tingin, sya lang ang babaeng nakita kong masaya kahit nakipagbreak pwera lang noong una naming pagkikita, hindi ko na natanong kung ano ang nangyari sa kanya noon ang mahalaga ay masaya sya.

"Sumama ka sakin dali!"

"Wait, teka may klase pa tayo!"

"Saglit lang naman wag kj! magugulat ka dito promise," bigla tuloy akong kinabahan sa kanyang sinabi.

Hinila nya ko papuntang kabilang hall kung saan dinidikitan ang board ng mga announcement.

Itinuro nya saakin ang isang papel.

"Suprise!"

"Ano yan?"

"Basahin mo!" sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian lang nya ako ng malapad.

"Donation for-"

"Baliw hindi iyan!" sinabunutan ako ng bruha.

"Alin ba?" naguguluhan kong tanong pare-parehas lang kasi ang mga papel na nandon at iisa lang ang iba.

"Ito bie! suprise!" tinanggal nya ang isang papel at iniharap saakin.

"Anong gagawin ko dyan?"

"Basahin mo kasi!"

"Basahin ko?"

"Hindi kainin mo, masarap iyan," balewala lang sa kanya ang masasama kong tingin.

"Mr. And Ms. SU," hinarap ko sya ngunit nanatili lang syang nakangiti bigla tuloy akong kinabahan sa kanyang kinikilos.

"Anong gagawin ko dito?"

"Sinali kita dyan suprise!" ngiting ngiti nyang ani.

"Ano?"

"Bingi bie? sinali kita dyan!"

"B-bakit?" tila na proseso na saaking isip ang ipinupunto ni Minny, ngiting ngiti naman sya habang ipinapakita ang kalokohan nya.

"Anong bakit? kabog ka dyan ako bahala sayo!" pagkumbinsi nya saaking ngunit umiling ako.

"Bakit mo ako sinali? kita mo ang itsura ko? at tsaka hindi ko hilig ang mga ganito unang round palang talo na," aniya ko nababaliw na ba si Minny? kung sya pupwede pa, bakit ako?

"Ano ka ba bie, you're beautiful nakatago nga lang!" pagkukumbinsi nya, pero umiling ako ng umiling.

"This is not a joke Minny! hindi ako bagay dito at tsaka sa itsura kong ito?" mas lalo nya akong nginitian.

"My dear bestfriend, you are beautiful pero hindi mo nakikita, oo na at may mas maganda pa sayo don pero aanhin mo naman ang ganda kung wala namang utak?"

"But-"

"No buts, ako ang bahala sayo, i will bring back your confidence, walang taong panget! ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban hindi sa panglabas na anyo lamang, be confident enough to stand yourself the one who truely you are"

Nanghihinang umupo akong saaking upuan, hindi ko alam kung ano ang aking iisipin dahil sa dami ng problemang dumating saakin, idagdag pa ang contest na isinali ako ni Minny!

Kinumbinsi ko sya na ipatanggal ang aking pangalan sa listahan pero napasa na pala iyon sa office at hindi na pwedeng ibahin, gusto kong mang magalit sa kanya ay wala na ding kwenta dahil nangyari na ang lahat.

Wala ang next subject teacher namin kaya napagpasyahan kong pumunta ulit sa library para makapagreview.

Pero dahil wala pang ibinibigay na pointers saamin ay nagself review muna ako hanggang sa hindi ko napansing nakatulog na ako.

"Ang alam ko library to hindi hotel," agad akong napatayo dahil sa gulat, napatingin ako sa orasan at ilang minuto akong nakatulog!

"I'm sorry-"

Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil sa lalaking nakangisi ngayon saaking harap!

"Bawal matulog dito," aniya nya na parang bang aasar.

"Alam ko, di ba pwedeng nakatulog lang saglit?" tinalikuran ko sya at nagsimula nang ligpitin ang mga gamit ko.

Bigla tuloy nagflashback saakin ang pagcongrats nya saakin noong nakaraan!

"Tsk, tulo pa laway," napapunas ako agad saaking mukha pero nang narealize kong niloloko lang pala nya ako ay muli ko syang hinarap.

"Pwede ba, umalis ka nalang dito!" sinamaan ko sya ng tingin pero nanatili syang nakangisi.

"You don't own this place,"

"Edi umalis ka sa harap ko!"

"Oh, akala ko nakatalikod ka," mas lalong nag-init ang aking ulo sa kanya, i really hate this guy!

Bat ang tino nya noong nakaraan!

"Planning to participate on this?" itinaas nya ang papel na nakaipit saaking libro, napahawak nalang ako saaking sentido, inilagay pala ni Minny iyon doon.

"H-hindi," akmang kukunin ko na iyon pero mas lalo nyang itinaas.

"Akin na yan!" sigaw ko na agad kong pinagsisihan dahil tiningnan kami ng mga estudyante ng masama.

"Ang ingay mo," ngisi nyang ani.

"Give me back that paper!" pabulong ko nalang na ani.

"I don't want to,"

"Lance! give me that!" mas lalo nya pa iyong itinaas at lumakad papuntang dulo.

Ewan ko ba sa lalaking to, madalas ubod ng sungit, minsan mapangasar!

"Here," aniya sabay abot saakin ngunit tinaas nya ulit ito.

Inabot ko yon ng inabot hanggang sa makuha ko iyon pero mas pinagsisihan ko na lumapit ako sa kanya, tumigil sya sa pagtaas nito dahilan ng pagkakuha ko ng tuluyan ang papel, napatingin ako sa kanya at nakatingin sya saakin!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwas ang aking tingin, pero parang kakaiba? parang naramdaman ko na ito?

Ilang minuto nagtagal ang aming titigan hanggang sa marealize ko ang aming pwesto!

Kinuha ko ng mabilis ang papel at tumakbo para kunin ang mga gamit ko.

Tumakbo ako palabas ng library hanggang sa mapunta ako sa walang taong hallway.

Napahawak ako saaking dibdib at idinama ang kakaiba nitong nararamdaman

Hindi...hindi pwedeng maging sya iyon!

Pagkatapos ng huling klase ay dumiretso na ako pauwi, wala sa sariling inilipag ko ang aking mga gamit sa sahig at humiga sa kama.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? katulad noong ninakaw ang first kiss ko! at yung mystery guy na nagconfess saakin noon sa roof top!

They have same voices! bat hindi ko iyon napansin!

Baka naman imagination ko lang lahat iyon?

Pero si Lance? no way! kahit atang magkatuluyan si Minny at Charles! at magkaayos na si Lester at ang girlfriend nya, hindi magkakagusto saakin iyon!

At lalong hindi ko din sya gugustuhin!

Haters become LoversWhere stories live. Discover now