CHAPTER 19 : Crush

2.8K 89 0
                                    

Ako crush si Lance? no way!

Ano naman kaya ang kalokohan ni Minny at Charles!

Kinagabihan ay nagtext ako kila Minny pero hindi sila nagrereply! i even call them! kaya itinulog ko nalang at bukas ko nalang sila sisinghalan!

Naglakad ako sa hallway, di alintala ang oras kung late na ba ako o hindi, hindi din ako makatulog dahil sa sinabi ni Charles kagabi! bakit ba naapektuhan ako doon!

At tsaka may girlfriend na sya kaya off limits! pero crush lang naman ah? hindi naman gagawing boyfriend!

Boyfriend? walang akong pag-asa kahit pa sa ibang lalaki! sino naman kaya ang magkakagusto saakin?

Napailing ako saaking naiisip! erase! erase! erase! Sunny! nababaliw kana ba?!

Crush ko nga ba sya?

Erase! erase! erase!

Apaka sungit at yabang nya! no, no way!

Nagmadali na akong maglakad at nag-isip ng iba para makalimutan na iyon.

Pagkapasok ay sakto ang pagdating ng aming teacher buti nalang at binilisan ko na ang aking lakad, napatingin nanaman ako sa aking katabing upuan, di mo alam kung nag-aaral ba talaga ang nakaupo dito!

Kalaunan ay natapos na ang aming klase pinatawag naman ako ng aming guro sa mathematics para daw sa kaunting instruction, para saan naman ang instruction na iyon?

Mabilis na naglakad ako papuntang faculty area, kumatok muna ako doon bago pumasok.

"Ma'am? pinatawag nyo po ako?" magalang kong ani dumiretso ako sa kanyang lamesa at umupo sa gilid nitong silya.

"Yes, Miss Lim ito nga pala ang mga instructions at reviewer-"

"Ma'am para saan po ito?" taka kong ani na ikinataka naman din ng aking guro.

"Hindi pa ba ito nasasabi ng adviser mo?" umiling ako bilang tugon.

"Ikaw ang lalaban sa darating na Math Competition this month, your adviser did not told you?" umiling ulit ako, agad akong nilukod ng kaba saaking narinig gayun pa man ay may konting excitement dahil gustong gusto kong sumali sa mga competition lalo na sa math subject!

Nagexplain pa ng ibang details si Ma'am, pagkatapos ay ibinigay ang reviewer at instruction para sa competition, ng matapos iyon ay nagtungo na akong canteen para sa recess.

Pilit ko mang kalimutan ang nakaraan ngunit patuloy pa rin itong bumabalik.

Naalala ko nanaman ang nangyari noong math competition sa dati kong school, dahil sa pagkapanalo ko mas marami ang nangbully saakin, natalo ko lang naman ang pinakamatalino sa batch namin.

Panalo man ako ay talo naman ang aking kalooban, sya maraming kaibigan na sumusuporta ako naman ay mag-isa lang.

Agad kong hinanap si Minny para makwento sa kanya at magisa sya sa mga maling sinabi nya!

Pagpunta ko ng canteen ay tila hilera ng mga babaeng estudyante ang nandon, halos mapuno na ang canteen kahit ang di naka schedule na recess ay nandon.

At dahil sa aking kuryoso ay nakisingit ako sa mga estudyanteng nandon.

Di ko na makontrol ang sarili ko dahil sa sikip at tulakan ay namalayan ko nalang na napadulas ako sa unahan!

Nakakahiya!

"Oh? Sunshine!" tumayo agad ako natigilan ang lahat dahil sa tawag saakin ni Charles, suminghap ako at inayos ang uniporme di alintala ang talim ng titig ng mga nakapalibot saamin, wrong timing talaga ang isang to!

Nilapitan at inakbayan nya ko dahilan ng mas lalong pagtalim ng mga matang nakatingin saakin.

Lalo na ang nag-iisang masungit na nilalang na nakaupo sa gitnang lamesa dito sa canteen kasama ang kanilang mga kaibigan, pumasok pala sya!

Pero bakit wala sya sa classroom namin?

Lumakas ang bulong bulungan sa palagid, mayroong masama ang tingin ang iba naman ay kumukuha ng litrato kaya't agad kong tinanggal ang pagkakaakbay saakin ni Charles.

"Kumain kana ba? dito ka nalang samin," nilukob agad ako ng kaba nang hilain nya ko papunta sa kanyang lamesa, di alinta ang dami ng estudyante na nakatingin saamin.

Napasulyap ako sa mga kaibigan nila na agad naman akong nginitian pwera sa isang lalaking masama ang pagkakatingin saakin!

Napatingin ako sa kanya noong nag-iwas sya ng tingin, di mo alintala na kahit mayabang at masungit ay ang gwapo nya pa rin!

Sunny! erase! erase!

"Hey, are you okay?" nagulat ako sa biglang pag-uga saakin ni Charles.

Humarap ako sa kanya kita ang ngisi sa kanyang mukha.

"A-anong sinabi mo?" aniya ko na lalo nyang ikinangisi.

"Umamin kana kasi napaghahalataan kana eh!" aniya nya sabay tusok saaking tagiliran, tiningnan ko naman sya ng masama.

"Crush mo no?" dugtong nya.

"Shut up, Charles!" bulong ko dito, mas lalo naman nya akong inasar kaya nauwi sa bulungan at hampasan na palihim ang ginawa namin.

Natigil lang kami ng may biglang tumikhim.

"Kakain ba kayo o maglalambingan?" masungit nitong ani na ikinatigil naming dalawa.

Agad itong tumayo kasama ang iilang nilang kaibigan.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sama ng panitig nya saamin.

"Crush mo no?" hinampas ko ulit si Charles dahilan ng pagkaubos ng oras namin at hindi na nakakain ng recess!

Naalala ko ang masamang titig saakin kanina ni Lance!

Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya, never!

Sa huli ay bumili nalang ako mag-isa ng pagkain at iniwan si Charles, may practice din naman sila kaya hindi ko na inaya.

Tinext ko naman si Minny pero hindi pa ito nagrereply, ano nanaman kaya ang lakad ng babae na iyon?

As usual, ay umattend muna ako ng klase at pagkatapos noon ay tumambay saglit sa library para magbasa at makapaghanda sa competition, si Ma'am Lei din pala ang magiging coach ko dito at nasabi na din na may magiging kapartner ako para sa duo competition at solo competition.

Winala ko saaking isipan ang weird na naiisip at nagfocus nalang sa positibong bagay! hindi na ulit tumatawag ang unknown number at nagpapasalamat ako para doon, hindi ko na din nakikita yung creepy na guy! na super thankful din ako! binlock ko na din ang number na tumatawag simula ng makauwi kami galing fieldtrip.

Pauwi na ako ng bahay at sinundo na ako ng aming driver dahil nakabalik na sya mula sa bakasyon, bigla nanamang nagring ang phone ko na ikinakaba ko pero hindi naman pala dapat!

From: Charles Gwapo

Umamin kana kase! crush mo no?

Napapikit nalang ako at nagwala sa likodan ng kotse! kainis talaga si Charles! pilit ko na ngang kinakalimutan pinapaalala pa talaga!

Haters become LoversWhere stories live. Discover now