CHAPTER 16 : Fieldtrip

3K 111 1
                                    

Malungkot ako habang nag-aayos nang aking sarili para sa fieldtrip, sabi ko kay Mama ay hindi ako sasama pero pumunta sya noong nakaraan sa school para magbayad, simula kasi noong first year highschool ko ay hindi ako sumama sa kahit anong trip ng aming school, ang sabi ni Mama para naman daw na makagala at makapunta ako sa ibang lugar hindi puro sa bahay na basa at nood lang daw ang ginagawa ko.

"Anak? ready kana ba?" aniya ni Mama na mas excited pa saakin! inayos ko muna ang aking PE uniform bago humarap sa kanya.

"Mama, sabi ko po ayokong sumama," pagrereklamo ko pero wala naman akong magagawa, tingnan mo nga nakauniform na ako!

"Sayang naman ang binayad ko kung di ka sisipot," malungkot nitong ani.

"Kaya nga po Mama eh, sayang lang sa pera,"

"Anak, gusto ko lang naman na makapunta ka sa ibang lugar at makahanap ng kaibigan, di mo matatago saakin anak alam ko lahat ng nangyayari," niyakap at hinalikan ako ni Mama na agad ko namang ginantihan, maswerte ako dahil kahit wala ang Daddy ko ay masaya pa rin kami ni Mama, at hindi ko na ata hihilingin pa na dumating sya sa buhay namin.

I have no intention to know him! bata palang ay si Mama na ang nagtaguyog saakin mag-isa, kita ko ang hirap nya sa pag-aalaga saakin, si Mama ang naging nanay at tatay ko mula noon hanggang ngayon.

Dumadalaw din naman sila Lolo at Lola saakin pero hindi na medyo ngayon na matatanda na sila at ako na dapat ang dumadalaw sa kanila sa probinsya.

Hinatid ako ni Mang Juan sa school, medyo madilim pa ang labas, pero marami nang estudyanteng nagsisi datingan, hinanap ko ang aking section pagkatapos ay si Minny, hindi kami magkasama sa isang bus dahil ibang ang kanyang section.

"Kompleto na ba ang lahat?" aniya ni Ma'am.

Tiningnan ni Ma'am ang upuan, ako lang ang walang katabi, dahil sakto ang upuan para sa section namin ay halatang may kulang pa talaga.

"Sunny, sino ang nabunot mong katabi?"

"Ma'am, last na po syang pumila kaya po naubusan, pero ang alam ko po ay nakareserve iyan," pagpapaliwanag ni Sam.

Sakto na pagkasabi ni Sam, ay biglang may nagtilian sa harapan ng bus.

Isang malaking palaisipan saaking kung bakit sya nandito at kung bakit sya ang katabi ko!

"Okay class, kompleto na tayo please take a sit Lance," umalis na si Ma'am sa gitnang bahagi at umupo sa harapan, ang iba kong kaklase ay hindi mapigilang mapatili dahil saaking katabi! and iba naman ay wala talagang paki.

Agad sumagi saaking utak ang mga litrato na nakita ko noong nakaraang linggo, bakit bigla akong nainis?

"Why are you staring at me?" agad akong nag-iwas ng tingin, sa halip na mahiya ay mas lalo akong nainis sakanya.

"Assuming," bulong kong ani, actually hindi iyon bulong kaya sana marinig nya yon!

Tiningnan nya lang ako ng masama, umayos sya ng upo at humarap saakin, pero nakaharap din ako sa gawi nya kaya sabay kaming nag-iwas ng tingin! kaya sa huli ay parehas na kaming nakatalikod sa isa't isa!

Lumipas ang ilang oras na byahe ay nakarating kami sa aming pupuntahan, naging maganda ang mood ko dahil sa ganda ng tanawing nandidito, tama nga si Mama na kaylangan ko din makakita ng iba't ibang lugar hindi puro sa bahay lang, pero mas sasaya ako kung hindi ko katabi itong lalaking ito!

Nakaearphone ito habang nakapikit, animo'y parang kpop ang dating sa itsura palang, pero ang ugali ay kabaliktaran, kung hindi masungit ay mapang-asar naman!

Nagsilabasan na ang lahat at tila excited sa mga tanawin sa labas, ako naman ay inayos muna ang aking mga gamit bago bumaba, di ba kayo nagtataka na mas matagal pa tayong nakaupo sa bus kaysa mamasyal sa mga pupuntahan nating lugar?

Dala ang isang maliit na shoulder bag at backpack ay ready to go na ako.

Tumayo ako pero ang katabi ko ay tulog pa rin, gusto ko mang tapikin ay mamaya baka bugahan pa ko ng kasungitan nito!

"Nasa baba na ba lahat?" rinig kong sigaw ni Ma'am kaya dali dali akong naglakad pero di ko naman maiwanan ang lalaking ito!

"Ma'am wait lang po!" sigaw ko pabalik.

"Ahm, Lance gising na!" tinapik ko sya ng paulit-ulit ngunit mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito.

Anong gagawin ko?

Humanap ako ng pangpalo o tubig, at tiningnan sya ng maigi, bahala na!

Kasalanan nya naman kung bakit ko to gagawin!

Kinuha ko ang baon kong tubig naglagay ako sa takip non ng kaunti sabay buhos sa mukha ni Lance.

Sa halip na sya ang magulat ay ako ang nagulat dahil bigla nalang syang dumilat kasabay ng masamang tingin nya saakin!

"A-ahm, nandito na tayo," kaba kong ani.

Tiningnan nya muna ko bago nagpasyang tumayo.

"I know," aniya nya, hindi alintala ang  medyo basa nyang mukha!

I know eh tulog ka nga!

"Nakakapagod!" umupo ako sa isa sa mga bench malapit dito, kasama ko na pala si Minny bumili lang ng pagkain.

Nasa Baguio kami ngayon, akala ko talaga field trip na nasa iba't ibang lugar, yun pala ay dito lang kami mag-iistay ng isang araw para mamasyal at maitour sa iba't ibang tanawin, kasama na din dito ang tungkol sa kalikasan at history nito.

"Hi!" nagulat ako sa lalaking biglang sumulpot saaking likuran.

"Charles?"

"Kamusta?" naupo sya saaking tabi, nandito na din si Minny na may dalang cotton candy.

"Hi Minny!" nagulat din sya sa presensya ni Charles.

"Ikaw pala Charles!" bati ni Minny sabay ngisi, nakapang varsity na jacket si Charles na bagay na bagay sa kanya!

"Teka anong ginagawa mo dito? at tsaka parang ngayon lang kita nakita?" taka kong tanong sa kanya, ngumisi lamang ito saakin.

"Nahuli kami, ngayon lang kami dumating, pambihira din itong si Lance, nang-iiwan," pabulong ang kanyang huling sinabi.

"Huh?"

"Wala, pahingi nga ng cotton candy," natapos ang araw namin kakagala dito sa lugar na ito, kanina ay may tour guide kami ngayon ay pwede na kaming maghiwa-hiwalay.

Feeling ko gumaan ang loob ko dahil sa magagandang tanawin na nandidito at nakalimutan ko saglit ang mga negative vibes na nasa isip ko.

At syempre hindi maaalis ang picture taking naming tatlo at ng iba ko pangkaklase.

Haters become LoversWhere stories live. Discover now