CHAPTER 46

1.2K 45 16
                                    

Chapter 46

"Stop!"

Isang baritong boses ang naka pagpatigil sa pagsabunot saakin ni ara at lyra.

"What are you doing?"

"La-lance? Ma-mark?" nanginginig na ani ni lyra.

Sapag kakataong iyon tinulak ni lance si ara na nakapatong saakin ganon din si lyra, si charles naman ay dinaluhan si minny.

"Are you okay?" isang nag aalalang tanong ni sungit saakin, ngayon ko lang sya nakitang ganto, kakaiba ang at halo halo ang emosyon na namuo sa kanyang mga mata.

Sinipat nya ang buong mukha ko, maging ang katawan ko, dahil don ay agad nyang hinubad ang jacket nya at ibinalot saakin, di ko na pansin na kita na pala ang panloob ko dito.

Inalalayan nya kong tumayo, kinuha naman ni lester ang nagkalat na gamit namin doon.

"Lester, ikaw muna ang bahala sa kanya," teka anong gagawin nya?

"Lance sya ang nauna-" naputol ang sasabihin ni ara ng mas lumapit si lance sa kanya.

Si mark naman ay seryosong nakatingin saakin, nakita ko si minny na mukhang nasira din ang uniporme dahil sa kuko ng mga babae na yon.

"Bie? okay kalang?" may galos sya sa mukha at sa kamay.

"O-okay lang ako ikaw-"

"Wag mokong alalahanin sanay ako dito," isang kindat ang iginawad nya saakin, si charles naman ay seryosong nakatingin kila lance at napabaling kay minny kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Girls naman, pagmay ganto tawagin nyo kami, kung di lang kami nasabihan ng isang estudyante eh, baka kung ano pa mangyari sa inyo!" nag aalalang sabi ni lester.

"So-sorry na-"

"Hays, nako nag alala kami sa inyo!" niyakap kami ni lester, feeling ko kahit ganto ang sitwasyon ko ay napaka swerte ko sa mga kaibigan ko.

"Lance, believe me! Mark-"

"Shut up!" galit na ani ni sungit.

"Girls, punta muna tayong clinic, bahala na sila dyan," hindi nanamin narinig ang iba pang nilang napag usapan basta nakita ko na, napaluhod lahat ng mga kababaihan na sangkot dito.

Nagising ako sa narinig kong ingay sa gilid, teka anong nangyari-

"Babe! you okay?" isang seryosong ani ni mark sa tabi ko, nakita ko lahat ng kaibigan ko dito, tulog din sila at ang cute nilang tingnan.

"Mark? anong nang-" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay bigla nalang syang lumapit sa tenga ko at bumulong.

"Call me babe, tsk!" nagsungit nanaman ito, iniisip nya parin ang challenge kahit na ganto ang kinalagyan ko!

"Ayoko nga-"

"Sunny! gising kana? na ko girl alalang alala kami sayo! isang tinig na nagpabalik saakin sa tino.

"Sam, please quite my baby still hurt," isang seryoso ngunit may halong ngisi pagkatingin saakin na ani ni mark, errr! pagnatapos talaga tong challenge na to isusumpa kita!

"Ay, ang sweet naman ng love birds na ito, mukhang natanggap nyo na ata ang premyo nyo eh!" kilig na kilig nyang ani dahilan kung bakit nagising ang tatlo sa pagkatulog.

"Sunshine, okay kana ba?" lalapit sana si charles ng pigilan ito ni mark, pwede bang umamin nalang? huhu

"What's wrong?" takang ani ni charles.

"Im possesive, don't touch her," seryosong ani ni mark, masisiraan na ata ako ng bait hindi dahil sa pagkasabunot saakin kundi sa mga pinag gagawa ni mark!

"Sunshine, anong-"

Napatigil ang lahat ng may pumasok sa pintuan, si lance na may hawak na isang lalagyan.

"Ops, sunny babalik nakong room, magpahinga ka ah, bye bye!" tumango lang ako at hinarap si mark, pero ang isa ay nakangisi lang habang nakatingin kay lance.

"Bie, anong ba talaga ang nangyayari?" bulong ni minny saakin, di ko napansin na katabi ko na pala sya sa kama.

Ngayon ay nakatitig silang dalawa sa isa't isa, pwede bang umuwi nalang?!

Hinawakan ni mark ang kamay ko, hindi ko mabawi ito dahil sa mahigpit nitong hawak, kasabay non ay inakbayan nya ko.

Ano bang trip nitong si mark, at ang sakit pa ng mga sugat ko.

"Babe? can we go now?" bulog na ani ni mark ngunit rinig na rinig ng lahat, nagulat si lester at charles si minny naman ay singkit matang nakatingin kay mark, tila ayaw maniwala dito.

At si sungit ay seryoso lang nakatingin dito, sabagay wala naman talaga syang paki saakin, masaya na sya kay ara, kaya kung saan sya masaya, masaya na din ako para sa kanya.

"Babe, what do you want to eat?" isang bagsak ang narinig namin galing sa pwesto ni sungit, tinapon nya ang dala dala nyang lalagyan na may laman palang pagkain!

"Shut it! Mark!" isang mariin at malakas na sabi ni sungit.

"What's your problem?" napaalerto kami ng tumayo si mark at hinawakan ang kwelyo ni sungit.

Pumagitna naman ako sa kanila, na di ko na dapat ginawa, hinawakan ako ni sungit sa kamay at ganon din si mark, sa madaling salita ay pilit nila akong hinihila.

"Guys! Tama na nasasaktan si sunny!" sigaw ni minny ngunit hindi parin sila nagpapatinag, at sa di inaasahang pagkakataon ay binitawan ako ni sungit dahilan ng pagkatumba ko sa sahig.

"Lance! Mark! Stop!" muntikan nang masuntok ni mark si lance kung di lang pumigil ang dalawa, dinaluhan naman ako ni minny at nag aalalang tumingin saakin.

"Why did you do that!" sigaw ni mark kay sungit.

"Shut it, and let me punch you!"

"What's your problem with my girl?!" makahulugang tanong ni mark.

"She's mine!"

"She's my girlfriend!"

"She's always mine!"

"She doesn't like you!" ngising ani ni mark, napatigil naman sa pagaamba si lance at tumingin saakin, kita ko ang sakit at galit sa kanyang mga mata.

"Babe, tell them the truth, that im your boyfriend," ani mark.

Natahimik ang lahat nakatingin lang sila saakin, naalala ko ang sinabi ni sam, sasabihin ko nalang sa kanila pag tapos na ang challenge nato.

"Sunny, is that true?" mahinang boses na ani ni sungit, sorry lance alam kong masaya kana, ayoko ng umasa sa mga kinikilos mo kaya mas mabuti na din ito.

"Sorry-"

"No way!" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay bigla akong hinila ni lance sa sobrang bilis non ay nakita ko nalang ang sarili ko palabas ng unibersidad na ito kasama ang masungit na to.

Huminto kami sa parking lot, hinila ko ang kamay ko at pagod na naupo sa semento.

"Ano bang problema mo-"

Bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin ay hinila nya ko patayo at niyakap ng mahigpit.

"Sunny, im jealous,"

Haters become LoversWhere stories live. Discover now