CHAPTER 14 : Wallet

3.4K 119 8
                                    

Ilang araw kong hindi nakita si Lance, maging sa classroom ay hindi sya pumapasok, hindi sa hinahanap ko sya baka kasi iyon ang wallet ko na nakuha nya noong nasa jeep kami!

At dahil wala akong wallet, wala din akong pera buti nalang at nabigyan ako ni Mama ng allowance! kundi baka libro nalang ang kainin ko!

Nagbabasa ako ngayon ng libro na ibinili ni Mama galing ibang bansa, noong nakaraang linggo kasi ay pumunta syang America para mag-asikaso ng mga business nya doon.

Hindi ko man alam kung ano ang iba pang business ni Mama, naniniwala ako na balang araw ay matutunan ko din iyon, si Lolo at Lola kasi ay gusto nang ipasa kay Mama ang kanilang kompanya pero ayaw itong tanggapin ni Mama, dahil sa nakagawa sya ng sarili at marami din syang inaasikaso pero hindi iyon pupwede dahil sya lang ang nag-iisang tagapagmana nito.

Nagstart na din si Mama magturo saakin ng mga bagay bagay tungkol sa business world, naging interesado naman ako doon, at napagaalaman na kung anong kurso ang gusto kong kunin pagkatapos ng highschool.

Nahinto ako sa pagbabasa ng may makita akong lalaki sa gilid ng poste, nakatayo ito at nakatingin sa tapat ng aming bahay! tanaw ko sya saaking bintana parehas na parehas ang suot nya sa lalaking akala ko na sumusunod saakin dati!

Nagtago ako sa likod ng kurtina at muli syang pinagmasdan, ilang minuto ay bigla syang lumingon saaking bintana agad kong inoff ang ilaw at nagtago sa kurtina.

Sumilip muli ako pero wala na sya!

Sino kaya iyon? bakit sya nakatingin sa bahay namin? at tsaka ang creepy nya!

Sinarado ko nalang ng tuluyan ang bintana at kurtina ko! wait! konektado ba sya sa unknown call na natatanggap ko? kaya walang tumatawag saakin ngayon kasi nandito sya?

Kinabahan ako saaking naisip, wag naman sana!

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock, ala sais palang ay bumabangon na ko kahit sabado, gusto ko kasing mag-ehersisyo at maglakad lakad tuwing umaga.

Pagkababa ay nakita ko si Mama na busy sa kanyang mga katawagan, hinalikan ko lang sya sa pisngi bago nagpaalam na umalis.

Tinakbo ko ang buong village papuntang park, suot ang isang fitted shirt at jogging pants, itinali ko ang aking mahabang buhok kita na ang buo kong mukha ngayon.

Pero ang pinagtataka ko kung bakit ang sipag kong gumising ng umaga pagsabado at linggo samantala, paglunes hanggang biyernes ay hirap akong tumayo!

Naupo ako sa isa sa mga upuan doon habang pinagmamasdan ang maraming tao na nagjojogging din, bumili ako ng taho bago magpatuloy sa pag-ikot muli.

Tumakbo ako paikot sa malaking puno bago mapunta sa kabilang kalsada ngunit bago makapunta don ay may bumangga saakin dahilan nang aking pagkatumba!

"Sorry-" binitawan nya ko hudyat ng pagkatumba ko ulit.

Bumungad saakin ang pang-umagang mukha ni Lance!

"Ikaw pala," ngisi nyang ani, sinamaan ko sya ng tingin habang hirap na hirap tumayo, okay na sana ang pagtulong nya kanina mas lalo tuloy sumakit ang baywang ko dahil binitawan nya ko!

"Panira ng araw," bulong ko, at naghanap kung mayroon syang kasama pang paganda ulit ng araw, pero nabigo ako at napaharap nalang sa kanya.

Di nya dala si Verrie!

"What?" aniya nya, napagitla ako ng may biglang tumahol at lumapit sa kanya! tinawag ko ito at nag-aalinlangang hawakan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, habang nilalaro si Verrie! takot ako sa aso pero bat parang ngayon hindi na?

"Bakit bawal ba ko dito? pagmamay ari mo ba to?" aniya.

"Bakit sinabi ko bang bawal ka dito at pagmamay ari ko to!" ang aga-aga sana naman hindi tuluyang masira ni Lance ang araw ko! buti nalang nandito si Verrie!

"Ikaw ang may sabi," ngisi nyang ani.

Sa inis ay gusto ko nang umalis sa harap nya pero naalala ko ang matagal ko nang pakay sa kanya!

Tumayo ako at hinarap sya.

"Akin na yung wallet ko!" inilahad ko ang aking palad sa harap nya, tiningnan nya lang ito bago unti-unting sumilay ang kanyang malaking ngisi.

"What wallet?" inosente nyang tanong.

"Yung wallet ko, kinuha mo nung nasa jeep tayo!" sigaw ko sa kanya, relax Sunny ayokong masira ang araw ko ngayon!

"Are you accusing me?" seryoso nyang ani.

"Yes! n-no!" bigla syang natawa saaking reaksyon.

"Tsk, what is your evidence?" ani nya.

"Nakita ko hawak mo sya ng bumaba ka!"

"Any picture or proof?" nakacross arms sya ngayon habang nakatingin saakin.

"Are kidding me?" inis kong ani.

"Are you accusing me?" tumaas na ngayon ang kanyang kilay.

"No, pero nakita ko talaga-"

"Nahawak ko? di ba pwede may babaeng walang pakealam sa mundo na nakalaglag noon, at ako ang lalaki na may pakealam sa kapaligiran kaya pinupulot ko ang nakakalat na basura?" ngisi nyang ani na lalo kong ikinainis.

"You snatch it!"

"Any proof?" aniya.

"Give me back my wallet!" lumapit ako sa kanya, pero agad nyang dinipensa ang cute nyang aso! nilaro ulit ako nito na hindi ko naman napigilang laruin!

"As i said, it is a trash so i put that thing to where they belong," ngisi nyang ani.

"What?" sigaw ko at napatayo ulit tumahol naman ulit si Verrie! pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito pero hindi, hindi ko uurungan ang lalaking ito.

"Do i have to repeat myself?" ngisi nyang ani.

"Give me back my wallet!" tumalikod na sya at akmang aalis na.

"Oo na, ako na mukhang basura, ako na ang nerd sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin, tanggap ko lahat ng yan, sanay na ko sa lahat ng bagay na yan, kung walang halaga sayo ang bagay na iyon na itinuturing mong basura, saakin hindi mahalaga saakin iyon bawat alaala na nandon ang pinakamasaya saakin, siguro nga oa man akong tawagin, pero sana wag mong maliitin ang mga bagay na mahalaga sa iba dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman nila," humarap sya saakin at seryoso akong tiningnan.

"Pwera nalang kung wala ka talagang puso," kasabay ng pagtalikod ko ang pagtulo ng aking mumunting luha, biglang bumigat ang aking loob at hindi ko na kinaya.

"Wait," naramdaman ko ang paghawak nya saaking braso.

Hindi pa man ako nakakaharap ay may inilagay sya saaking palad.

"Maybe you're right, i don't have a heart, i wish that too, to make this feeling away and to stop this nonsense feeling,"

Haters become LoversOnde histórias criam vida. Descubra agora