CHAPTER 49

1.1K 47 13
                                    

Chapter 49

Biyernes ngayon, alam nyo na ang araw na to, ano pa ba edi araw ng mga puso, ngayon na matatapos yung challenge na ni hindi namin nagawa, ayaw ko naman talaga, unang una seloso yung manliligaw ko, at tsaka simula nung monday ay di na nagpakita si mark saakin, maging sa room.

"Hi, sunshine happy valentines! for you!" may inabot sya saaking paper bag at ang laman non ay mga chocolates at tatlong kumpol ng sunflower.

"Talaga bang saakin to?" ngisi kong tanong.

"Oo nga tsaka magpapatulong sana ako," sabi na eh, may kaylangan talaga ito pag ganto.

"Ano nanaman?" taas kilay kong tanong.

"Binigay ko yan ng taos puso no, hindi dahil sa mag papatulong ako!" depensa nyang sabi.

"Tsk, nagugutom na ko ano ba yon?" kunwaring naiirita ako, alam ko namang sweet tong kaibigan ko pagdating saamin ni minny? something smell fishy.

"Ahm, a-ano b-ba ang a-alam mong gu-gusto ni mi-minny?" sabi na eh! itong dalawang napaka close mauuwi din pala sa ehem, well kami nga ni sungit magkaaway dati pero ngayon, nililigawan nya ko, tadhana nga naman.

"Hmm, alam kong gusto ni minny isa lang naman," hinawakan ko ang baba ko kunwari nagiisip.

"Ano?"

"Hmm, si john," isang masaya kong sabi, wahaha mang aasar muna ako.

"Sino yon ha?" nakita ko ang pagkainis sa mukha ni charles, hehe aasarin muna kita.

"Kaklase ko yon! At long time crush ni minny!" at sa di inaasahan, pero inaasahan naman talaga, lalo syang nainis, hindi saakin kundi sa john na sinasabi ko.

"Asan yung room nyo?" oh wait parang iba na to ah.

"Sigurado ako na, magdadate sila! wahhh!" kinikilig kong sabi.

"Di ako papayag!"

"Eh, wala kang magagawa, nasagot ko na ang tanong mo ah, alis na ko thank you dito!" inangat ko ang binigay nya, pinipigilan nya ko kaso nalamon na sya ng pag iisip, hahaha ngayon mo lang narealize charles, tsk mag isip ka ngayon.

"Babe!" teka ang boses na yon! nilingon ko ang pinanggalingan non at di nga ko nagkakamali!

"Babe, musta?" isang ngising bati nya saakin, may hawak syang malaking kumpol ng mga rosas.

Parang nagkakamali ako na masungit itong nilalang na ito, sa room apaka seryoso nya at walang paki sa iba, pero pag ako ang kasama errr, di ko mapaliwanag!

"For you! Happy Valentines my girlfriend and soon to be my ex," kumindat sya saakin, san kaya to nagpunta at ngayon lang nagpakita.

"Teka, ilang days ka nawala san kaba nagpunta?" tinaasan nya lang ako ng kilay sabay ngisi, tingnan nyo hindi talaga sya masungit!

"Why? did you miss me?" ani nya.

"Baka kasi nakakahalata na si sam na palagi-"

"My plan was succesful!" nagtataka akong tumigin sa kanya, ano bang sinasabi nya?

"Ha?" ibinigay nya muna saakin ang mga bulaklak bago sumagot, wow di pako nakakaabot ng room at napakarami ko ng bitbit.

"Nothing," inakbayan nya ko at kinuha ang kamay ko, may inilabas sya sa bulsa nya na isang maliit na box, ang laman non ay isang bracelet na mukhang mamahalin.

"Teka, ano to?" iniwas ko ang kamay ko pero nahuli nya parin iyon.

"It's a gift from me, you still my girlfriend," ani nya.

"Wanna date?" di parin ako nakakabawi sa pagkagulat, pero nahila nya na ko papuntang canteen.

Nag aya syang kumain na hindi ko naman tinanggihan, pansin ko din na lahat ng babaeng nangbully saamin ni minny ay hindi na ko na nakikita sa campus, maging si sandy, lyra, at lalo na si ara.

Maraming mata ang nakatingin saamin, lalo na sa katabi ko at mga dala kong ibingay nila nahihiya na nga ko eh.

"Babe, gagawin ko ngayong araw lahat ng di ko nagawa sa mga araw na wala ako," what? kahit di nag aaya si sungit saakin ngayon expect ko pa rin na nandti sya pano yan? baka magalit nanaman yung masungit na yon! di ako makakatanggi dahil nasa challenge parin ito at ayaw ko na maparusahan sya.

Di pa rin nagtetext si sungit simula kagabi, ano kayang nangyari don?

"Payag ka?" seryoso ba sya!

"Ahm, mark kasi-"

"Okay, yes let's go!" teka wala pa nga eh! hinila nya na ko sa gym kung saan don gaganapin ang event, nadaanan din namin si lester at binigyan nya naman ako ng isang kumpol na puting rosas, hays ang sweet ng mga kaibigan ko, pero sana kahit wattpad book nalang o pagkain, huhu

Napatingin uli ako sa aking cellphone, ni wala pading tawag o text si sungit, hindi sa namimiss ko sya, nag aalala lang ako.

Tumugtog ang ilang mga bandang nandon, at ano pa nga ba kundi love song, marami namang nakita kanta at sumayaw dahil don, at kami ni mark, ayon nakaakbay saakin at inaaya akong sumayaw, mukhang ginagawa nya talaga ang pagiging fake boyfriend nya saakin!

Ilang oras na at kasama ko padin si mark, maghahapon na at malapit na ang uwian wala pading ni text si sungit!

"Hi bie, happy valentines! gift ko sayo!" binigyan nya ko na kaparehas na bracelet na suot nya din, nakakahiya naman at ako lang ang walang regalo sa kanila.

"Sorry bie, wala akong regalo,"

"Okay lang, sige alis na ko ha!" agad syang tumakbo papunta sa kung saan, napansin ko na may laman ang maliit na bag na pinaglagyan ng bracelet, binuksan ko ang papel.

"Sunny,"

Kinukuha pa ni mark, ang kotse nya kaya nilubos ko na, kinuha ko ang ibinigay ni charles na paper bag.

"Happy,"

Sunod ay yung kay lester at kay mark.

"Valentine's"

"Day"

"Happy Valentine's Day Sunny,"

Iyon ang nakalagay sa mga papel na nakuha ko.

"Babe, come in! time's up,"

Haters become LoversWhere stories live. Discover now