CHAPTER 6 : First Kiss

4.4K 166 2
                                    

Foundation Day isa sa mga ayaw kong okasyon sa school, hindi sa ayaw kong pumunta dito kundi mag-isa nanaman ako, dala na rin ng naranasan ko sa iba kong school ay natatakot na kong balikan pa ito, tulad nalang ng pangbubully nila saakin.

Nagpunta na ko sa office ng aming adviser upang magdahilan para hindi ako makaattend dito, pero sabi ni Ma'am na may gagawin daw kaming activity kaya bawal daw akong umabsent.

Sa daming activities at booth na pagpipilian ay Marriage Booth pa talaga ang naassign saamin!

Nandito kami ngayon sa room upang magdesign para sa booth na gagawin namin, sa totoo lang sa lahat ng napasukan kong section ngayong highschool ito ang pinaka the best sakin dahil pantay-pantay lang ang tingin sa isa't-isa, magkalaban man pagdating sa pag-aaral ay may mabubuti paring puso at masaya kasama.

Naglagay kami ng iba't-ibang palamuti na pangkasal, nagprint na rin ng mga fake na certificate upang maging katibayan at remembrance para sa kanila.

Salamat kay Charles at Lance dahil di na ko masyado na bubully ni Sandy, sa ibang pagkakataon naman pag nagkakasalubong o nakakaharap ko sya minsan ay mga salita o parinig nalang ang naririnig ko sa kanya, hindi lang pala ako ang binubully nya marami din kaya't maraming estudyante ang takot sa kanya, dahil na rin sa estado nito sa buhay ay natatakot din silang magsumbong.

And speaking of Charles and Lance, ilang linggo ko na rin silang hindi nakikita, ang huling sabi ni Charles saakin ay may practice daw sila para sa nalalapit na competition.

"Hi bie!" isang malakas na sigaw ang namutawi sa buong hallway dahilan ng pagtingin ng mga estudyante dito, sino pa nga ba iyon?

"Wag mo nang isipin yon, mahal ka non!" ngisi nyang ani, paano ko nga ulit naging kaibigan to?

Pagkatapos ng nangyari sa library ay inaya ako ni Minny na kumain sa tapat ng school, sumama naman ako dahil namimilit sino hindi tatanggi sa libre? at pagpapasalamat na rin daw saakin.

"Saan ka nag-aral dati? parang ngayon lang kita nakita dito, transferee?" masigla na sya ngayon at hindi halatang umiyak kanina.

Tumango ako bilang tugon.

"Iba't-ibang school din ang napasukan ko bago mapunta dito," masaya kaming nagkukwentuhan hanggang sa mapunta saaming kabataan, magaan syang kasama at talaga masasabi mong likas ang pagkamabait nya, kung sino man ang nanloko sa kanya magsisi din iyon sa huli.

"Omg? edi sanay kang magkorean?" tumango ako ng bahagya, basic word and communication lang naman ang alam ko doon, pilit kasing itinuturo saakin ni Mama ang sariling wika na kanyang kinalakihan, dahil iyon daw ang totoong lenguahe namin kaya't tinangkilik at pinag-aralan ko iyon.

Inabot kami ng gabi kakakwento sa naging buhay namin noon at ngayon, masasabi ko na napakaswerte nya at ganon ang kinalakihan at naranasan nya hindi tulad saaking na pagpatong palang ng highschool ay may nambubully na agad.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naging kaibigan ko si Minny sa ilang linggo naming pagsasama ay naging masaya at nawala ang kaunting takot ko para saaking sarili, sa kaunting beses na may gustong makipagkaibigan saakin natatakot na kong sumubok ulit pero ngayon parang nawala na dahil sa kanya, kakaiba ang ugali nya sa lahat ng mga estudyante dito kaya't mas lalo ko syang nagustuhan bilang kaibigan at bilang kapatid na rin.

Hindi kami magkaklase pero malakas ang loob nya na tumambay sa classroom namin, alam nyo na kung bakit?

Nandito lang naman ang kaisa-isahan nyang crush sa ngayon, si John ang vice president namin matalino ito at sobrang tahimik, marami ding nagkakagusto dito kahit ang kaklase namin kaya hindi mapakali si Minny na magpapansin dito, katulad din ito ni Mark na kaklase din namin, matalino at attractive din sa babae crush din sya ni Minny dati pero kalaunan ng makilala nya ng lubos si John ay don na sya nagpapansin kahit hindi sya pinapansin.

"Ano bang iniisip mo dyan bie? o sino ang iniisip mo?" napatingin ako sa kanya, kahit nang-aasar sya saakin ay kay John pa rin ang paningin nya, goodluck nalang sayo Minny.

"Wala, baka hinahanap kana sa room nyo o may practice kayo?" pagtataboy ko sa kanya, busy din kasi kami at marami pang dapat gawin.

"Wait lang bie, patingin muna sa kanya mga twenty seconds,"

"Di ba ikaw yung captain sa cheerleading? baka hinahanap ka na don!" medyo nataranta sya saaking sinabi, pero bago umalis ay nagflying kiss muna sya kay John na ni minsan ay hindi sya tiningnan.

"Oo nga pala bye bie, kita tayo mamaya!" sabay halik saaking pisngi.

Lunes at hindi ako nagising ng maaga, hindi ko namalayan ang oras kakapanood ng kdrama!

"Sunny!" nag-aalalang tawag saakin ni Ma'am, halos kalahating oras din akong late ako pa naman ang taga-lista!

Nanghingi ako ng tawad kay Ma'am at dumiretso na sa lamesa na maraming nakapila, medyo nagulat ako dahil marami-rami ang nakapili saamin, ganon din naman sa ibang section pero mas marami ang amin.

Maraming nagpalista ilan dito ay pang-aasar lang sa mga kaklaseng love team at yung may mga crush na gusto silang mapansin, sayang at wala si Minny ngayon.

"Hey Sunshine!" napatingin ako sa huling lalaki na nakapila, kilala nyo na kung sino.

"Ikaw pala Charles!" masaya kong ani, ilang linggo ko din itong hindi nakita, sa ilang buwan ko dito sa school ay minsan ko lang sya makita.

"Sino pa ba ang gwapo mong kaibigan?" mayabang nyang ani, napailing nalang ako at napatingin sa likuran nya, may dalawa syang kasamang kalalakihan pero wala si Lance?

Wait bakit ko sya hinahanap?

"Sinong hinahanap mo? si Lance ba nandon sa-"

"Charles, magpapalista ka ba?" lumaki ang ngisi sa kanyang mukha, tila may pagdududa.

"Opo, pakilagay nalang yung pangalan ko, mamaya na yung kapartner ko,"

"Huh, pwede mo namang sabihin kahit codename nalang," umiling sya sabay ngisi, napatingin ulit ako sa mga kaibigan nyang walang paki sa paligid nakaupo lang ito sa malayo habang nag-uusap.

"Mamaya nalang, ihahatid kita mamaya pangbawi bye!" sabay kindat saakin at kuha sa ticket na binigay ko.

Ano naman kaya ang kalokohan na naisip ni Charles?

Ilang oras ang lumipas at natapos na din ang iilan naming gawain, maya maya ay magliligpit na kami para naman daw makalibot kami sa school ng maaga.

"Hey Sunshine!" kumaway si Charles sa labas ng bintana namin, buti naman at pumunta na sya, sya nalang kasi ang hinihintay para matapos na kami.

"Charles ang tagal mo! ipapahuli ba sya?" akmang sesenyasan ko na ang mga kaklase kong lalaki para lumabas.

"Di na kaylangan, nandito na sya," tumango ako pero kakaiba ang ngiti ni Charles kaya agad akong kinabahan.

Napatalon ako sa gulat ng lagyan ako ng mga kaklase ko ng belo, sa pamumuno ni Sam binigyan nila ako ng bulaklak at sapilitang nilagay sa gitna kung saan maglalakad papunta kay Charles!

Natanaw ko si Charles na napakalaki ang ngisi! humanda ka sakin mamaya!

Dahil sa wala na kong magawa ay nagsimula na kong maglakad ng mabilis papunta sa harapan, medyo mahaba pa naman ang red carpet na nilatad namin.

Di pa man ako nakakapunta sa harap ay may biglang humila saakin.

Mabilis ang pangyayari nakita ko nalang ang sarili ko na hinihila ng isang lalaki! dahil wala pa masyadong ilaw sa hallway ay hindi ko gaano makita ang pagmumukha nito!

Pilit man ako pumipiglas ay hindi ko magawa dahil sa higpit nang kanyang pagkakahawak.

Napunta kami sa dulo ng hallway, handa na kong singhalan sya ngunit isinandal nya ko sa pader at biglang... hinalikan!

Parang may kuryenteng dumaloy sa loob ng katawan ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko!

Ilang segundo bago sya bumitaw, di ako makagalaw at parang naestatwa nalang sa harap nya.

"I'm sorry, Sunny," isang malalim na boses ang pumukaw sa katinuan ko di pa man ako nakakaangat ng tingin ng bigla syang tumakbo paalis.

Napahawak ako sa aking labi, hindi ito pwede! ninakaw nya ang first kiss ko!

Haters become LoversWhere stories live. Discover now